Minsan siya ay tindera
Minsan naman ay yaya
Minsan nama'y manunulat
Kahit sa gabi ay napupuyat.Sa umaga siya ay guro
Sa mga anak ay nagtuturo
Pagdating naman ng kaniyang asawa
Agad siya'y nagiging masahista.Ang gabi ay ginagawa niyang araw
Sa tahanan siya'y nagbibigay-tanglaw
Lahat ay gagawin n'ya para sa pamilya
Masumpungan lamang na sila'y maligaya.Madalas siya ay ngumingiti
Ngunit sa loob ay may pighati
Malimit ay gusto na niyang sukuan
Mga suliraning kaniyang pinapasan.Tanging paalala niya sa sarili
Ang lahat ay may mabuting ganti
Pagkat ang isang ulirang ina
Pinagpala ng ating Diyos Ama.****************************
" Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagka't ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi. Ang puso ng kaniyang asawa ay tumitiwala sa kaniya, at siya'y hindi kukulangin ng pakinabang. Binibigkisan niya ang kaniyang mga balakang ng kalakasan, at nagpapalakas ng kaniyang mga bisig." - Kawikaan 31:10,11,17 (Ang Dating Biblia)
Pinagkunan ng larawan: Google [vectorstock.com]
Itinatampok na awit: Iingatan ka
Ni: Carol BanawaSa panulat ni: J. Z. ROMEO
BINABASA MO ANG
WORDS FOR THE SOUL [Published under KPUB]
PoesíaPOETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat my everyday battles in life. Giving glory to Christ by sharing my testimony through poetry. Sharing...