Bakit ikaw ang laging nasa isip?
Hanggang sa pagtulog, ikaw ang panaginip
Alaala ang kahapong nagdaan
Na puno ng saya at tilian.Ang dating simpleng "hi" at "hello"
Ay napalitan ng "Yes, I love you"
Madilim kong kahapo'y iyong binura
Matamlay kong diwa, muli mong pinasigla.Batid nating ang iba ay tutol
Sa 'ting pag-iibigang gusto nilang maputol
Sapagkat estado nati'y magkakaiba
Nag-aaral ka pa lamang, ako'y nakapagtapos na.Matatayog na bukid ay aking aakyatin
Makapangyarihang bagyo'y aking susuungin
Rumaragasang baha ay aking sasalubungin
Basta't nariyan ka lamang sa dulo ng aking lalakbayin.Lumipas ang mga araw, buwan at taon
Tila batong matatag ang ating relasyon
Mga pana't punyal ay aking kinakaya
Dulot man sa 'ki'y mga mapapait na luha.Sa mga balakid, 'di tayo natinag
Dalangin sa Poon, nawa Siya'y mahabag
Anghel sa sinapupuna'y aking dala-dala
Hangad kong mabigyang buhay at makasama.Galing man sa isang wasak na pamilya
Hiling ko sana'y hindi na maulit pa
Isang supling, ngayo'y nagiging apat na
Kung kalooban ng Diyos, wala nang makahihiwalay pa.Salamat aking mahal sa buong pagtanggap
Damdamin mo sana'y 'di lang nagpapanggap
Salamat at iyong hinilom ang pusong sugatan
Buhat ng batang-isip at kataksilan.************************************
"Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa."
-Mga Awit 34:18 (Ang Dating Biblia)Pinagkunan ng larawan: Google [faramagan.com]
Itinatampok na awit: Ikaw
Ni: Regine VelasquezSa panulat ni: J. Z. ROMEO
BINABASA MO ANG
WORDS FOR THE SOUL [Published under KPUB]
PoesíaPOETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat my everyday battles in life. Giving glory to Christ by sharing my testimony through poetry. Sharing...