Siya'y itinuturing na haligi ng tahanan
Mabigat na tungkulin, sa mga balikat niya'y nakaatang
Siya'y tagapagtaguyod ng kaniyang pamilya
Nararapat na masigasig siya sa tuwina.Ngunit papaano kung ang haligi ay nanghina?
Tila isang halamang sinalot o nalalanta
Padre de pamilya ay biglang naglaho
Tinalikuran ang pamilya, pangako'y napako.Ang sana'y gumagabay sa kaniyang anak
Ngayon, sa puso nito'y nagwawasak
Responsibilidad ay hindi napanindigan
Nagpapakasasa sa bisyo o tawag ng laman.Dakilang ama, o kay hirap mong matagpuan!
Katulad mong isang kahanga-hanga't huwaran
Nagsusumikap ka bilang isang tatay at nanay
Dahil asawa mo'y maagang sumakabilang-buhay.Kung ikaw ngayon ay may amang nakakasama
Yakapin siya, pagmamahal ay ipadama
Sapagkat buhay nati'y sadyang kay ikli lamang
Utos niya ay sundin, payo niya ay igalang.Kayong mga 'di nabiyayaan na magkaroon ng tatay
Iniwan man kayo, 'wag nang magalit o malumbay
Amang nasa langit, pag-ibig sa atin ay tunay
Mga luha'y punasan, pagpapatawad ay ialay.************************************
"Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya." - Mga Kawikaan 23:24 (Ang Dating Biblia)
Itinatampok na awit: Dance with My Father
Ni: Luther VandrossSa panulat ni: J. Z. ROMEO
BINABASA MO ANG
WORDS FOR THE SOUL [Published under KPUB]
PuisiPOETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat my everyday battles in life. Giving glory to Christ by sharing my testimony through poetry. Sharing...