Ikaw ba'y napagod na sa kahirapan?
Wari utang ay wala nang katapusan
Sahod ay hindi gaanong kalakihan
Minsan pa'y ni walang pagkakakitaan.Sintibay ng dagta ng langka kung ito'y kumapit
Napakalmot sa ulo 'pag naniningil ay lumapit
Sadyang kay hirap nitong iwaksi sa sistema ng tao
Tila sa ating katauha'y 'di hamak na nakamagneto.Napilitang sa kapwa ay humiram
Upang matugunan ang kumakalam na tiyan
Sa mga bayarin, ika'y 'di magkandaugaga
Isama pa ang matrikula ng mga bata.Ikaw ba ay minsan nang nagitla?
'Di na pinapansin ng mga kaibiga't pamilya
Baka sila'y natakot na sa iyong "Kumusta?"
At sunod mong iluwat ay, "May ekstra ka ba?"Maaaring sila ay nadala na
Sa hindi mo pagtupad ng nasabing petsa
Pagsasauli ng iyong hiniram na pera
Baka iyon ay gagamitin na rin nila.Kung ikaw ay takot nang tumakbo
Mula sa mga pinagkakautangan mo
Harapin sila at kausapin nang marahan
Humingi ng palugit, utang ay dapat bayaran.Kaibigan, huwag mawalan ng pag-asa
Dasal ay pag-ibayuhin, tiyaga'y dagdagan pa
Sa Diyos ay hingin ang angkin Niyang karunungan
Nang luho ay mapigilan, mabigyang-pansin ang mga kailangan.Sa tanikala ng utang, tayo ay makakaalpas
Walang imposible sa Panginoon, makakalaya rin tayo sa posas
Kung taos-puso nating hihilingin ang nais na makapagbayad
Tiyak na mga paraan Niya, sa atin ay ilalahad.*************************************
"Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin." - Galacia 5:1 (Ang Dating Biblia)
Pinagkunan ng larawan: Google
[debtfreedomga.com]Itinatampok na awit: God Will Make a Way
Ni: Don MoenSa panulat ni: J. Z. ROMEO
BINABASA MO ANG
WORDS FOR THE SOUL [Published under KPUB]
PoesíaPOETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat my everyday battles in life. Giving glory to Christ by sharing my testimony through poetry. Sharing...