IFIWMB fifteen: My Knight in Shining Armor

121 4 0
                                    

Ember's POV

Naglalakad ako ngayon papasok sa WMA. Yeah, pumasok na ako sa school. Nabo'bored kasi ako 'pag na sa bahay lang na nakatambay. Hindi ko na rin nakita si JA simula kahapon kasi sabi daw ng kasambahay nila, busy sa homestudies. Kaya heto ako.. I have to face the reality that the person who had been so meaningful to me, will be a stranger now. Yes, hindi ko na siya papansinin o kakausapin. I'm moving on.

Tumulo yung luha ko pagkabukas ko ng locker ko. Di ko pa rin kasi matanggap. Masyado ko siyang mahal para kalimutan. Nakow. Ano ba yan, ang drama ng buhay!

Isasara ko na sana yung locker ko.. Pero may naramdaman ako e. Di ko alam. Basta bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun?

Dumiretso na lang ako papuntang classroom ko. Didiretso na..

Didiretso na sana ako sa pintuan ng classroom namin nang...

NAKITA KO NA NAMAN SIYA. ANG TAONG MINSAN NANG INIWAN AKO. ANG TAONG NAGPATIBOK AT NAGPARAMDAM NG SAKIT SA PUSO KO. ANG TAONG NAGPAASA SAKIN NA HINDI AKO SASAKTAN.

At ito namang puso ko, umaasa pa rin. Napatigil ako. Hindi.. Hindi tutulo yung mga luha ko. Dapat ipakita ko sa kanya na malakas ako. Na kaya ko'ng wala siya sa buhay ko.

Nilapitan ako ni Rhea na kasama ni France.

"Ember. May sasabihin ako sayo."

At dahil TANGA ako, sumunod ako. Lumayo na si France sakin. Halata naman na iniiwasan niya rin ako e. Kasi hindi siya dumaan sa gitna. Sa gitna kung nasaan nandoon ako at do'n din dapat siya dadaan. Pero.. Hindi e. Iniwasan niya ako. So it means... Ayos lang din pala sa kanya.

"Ano ba?" Irita ko'ng tanong kay Rhea.

"Kalimutan mo na raw si France. Ayaw niya na sayo. At,"

Halos gumuho yung mundo ko. Ang SAKIT! 'straight to the point' talaga siya sa sinabi niya. Walang pangangaliwa na para ba'ng wala siyang pake sa sinasabihan niya. Na para ba'ng hindi ako masasaktan kasi hindi ako tao.

Sasampalin ko na sana siya pero kinaladlkad ko na lang siya papuntang banyo. Di ko na kaya to. Kailangan ko nang malaman ang totoo. Ang totoong dahilan..

"Aray naman Ember!" Hinawakan niya yung kamay niyang namumula dahil sa pagkapit ko.

Wala na akong pakialam sa mga taong pumapasok do'n sa C.R.

Ang importante ngayon ay kailangan ko'ng malaman ang totoo. Para mas maintindihan ko, di ba?

Tumulo na yung mga luha ko at inisigaw ko na sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.

"Rhea?! Sabihin mo nga sakin ang totoo?! Ano ang sinabi sayo ni France?! Ha?!" Galit kong tanong. Lahat ng mga babae na pumapasok do'n napapatingin samin.

"W..wala Ember. A..a..ayokong.... Masaktan ka. Aalis na ako."

Akalain mo?! Hinigit ko siya ulit papalapit sakin at isinara ko yung pinto ng padabog.

"Tinawag mo ko, tapos ngayon tatakas ka?! Ano akala mo sakin sa mga sinabi mo? Hindi ako masasaktan do'n? Ano ba ang sinabi niya Rhea? Kung gusto mo.. Kung gusto mo, luluhod ako ngayon sa harapan mo." Luluhod na talaga sana ako pero pinatayo niya ako.

"Ember naman! Ganyan mo ba talaga ka mahal si France? Ha?"

Hindi ko siya sinagot. Masakit, mahirap para sagutin ang tanong na yan.

"Please. Sabihin mo na." Pagmamakaawa ko.

"A-ayoko. Ayokong masaktan ka. Alam mo naman yun di ba? Hindi kita gustong masaktan."

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon