IFIWMB 34: Unexpected

85 4 0
                                    

Ember's POV

"Ember."

"France? Ikaw ba yan? A-anong ginagawa mo dito? A-akala ko ba lumipat ka na ng school? B-bakit---"

"Pinuntahan kita." Ngumiti siya sakin. "Mahal na mahal kita, Ember. Binalikan kita." Hinawakan niya ang kamay ko sabay halik dito.

"F-france." Yumuko ako. Totoo ba to? Mahal niya ako? "M-makikita... Tayo."

"Wala akong pakialam, Ember. Mahal na mahal kita. Mahal mo ba ako?" Tinaas niya ang mukha ko gamit ang kamay niya habang nakahawak parin ang isa niyang kamay sa kamay ko.

"France..." Umiyak ako. Mahal na mahal kita France. Pero bakit ganun? Hindi ako makapagsalita.

"Ember." Pilit kong binitawan ang kamay niya. Pero ayaw niyang kumawala dito. "Wag mong bitawan, please. Mahal kita Ember." Pero hindi ko alam, nagpumiglas pa rin ako.

"France, b-bitawan mo ko. Please." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Ember! Pagkakataon mo na yan! Yakapin mo siya! Yakapin mo ang taong... Mahal na mahal mo...

"Bakit mo ako pinapaalis?" Lumuha siya. "Ember naman eh. Sumama ka na sakin. Mahal kita." Hindi ba siya nagsasawa sa pagkakasabi ng mahal niya ako?

"France." Wala na akong ibang masabi.

Unti unti niyang binibitawan ang kamay ko. Nang tumingin ako sa kanya, unti unti na rin siyang umaalis at lumalaho.

"France! Wag! Sasama... Ako... France wag mo kong iwan!" Napaiyak ako. "France... Mahal na mahal kita." Hanggang sa tuluyan na siyang nawala.

France.

France.

Wag mo kong iwan.

Mahal kita.

France.

"France!" Tumingin tingin ako sa paligid. "Pat? Ian?" Nandito kasi sila sa kama ko.

"Ayos ka lang ba? Wala ba'ng masakit sayo? Pinagpawisan ka Ember oh. Nananaginip ka na naman." Alalang tanong ni Ian habang pinupunasan yung pawis ko ng towel.

"Correction. Hindi lang basta panaginip. Bangungot. Si France pa talaga ang dumalaw? Ano bang nangyare?" Tanong ni Pat, bakas rin sa mukha niya ang pagaalala.

Tama. Panaginip lang pala lahat. Dahil kahit kailan, hindi ako minahal ni France. Guni-guni ko lang yun noon.

"S-si France." Namalayan kong may tumulo sa pisngi ko. Pinahiran ko ito. Luha. Napaluha na naman ako. Nang dahil kay France.

"Bakit? Ano bang ginawa niya sa panaginip mo?" Mahinahon na tanong ni Pat.

"Hinawakan niya ang kamay ko at sinabihan akong mahal niya raw ako. Tapos, hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko rin siya. Kaya binitawan niya ako kamay ko at... At..." Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. Humagulgol na ako. "Lumaho." Naramdaman kong niyakap ako ni Pat. Alam kong naiintindihan niya ako.

"Ok lang yan, panaginip lang yan. Ok?" Kumalas kami sa pagkakayakap at pinahiran niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko. Kaya tumango na lang ako, at ngumiti. Ng peke. Kailan pa kaya ako ganito simula nung ngumiti ako, ng totoo? Di ko na matandaan. "Birthday mo na next week. Debut mo pa! Oh, di ba? Dapat bongga yun. Kaya kung ako sayo," hinawakan niya ang kamay ko. "Uuwi na tayo sa inyo bukas. Kaya magiimpake pa tayo, ok? Nagtext na rin mom mo na dun na natin icecelebrate yung 18th birthday mo." Ngumiti siya sakin ng malapad.

"Kailan ang balik natin dito?" Tanong ko.

"Aba syempre, pagkatapos ng birthday mo! Ano ka ba, problema ba yun? Besides, dalaga na bestfriend ko!" Hinalikan niya ako sa pisngi at pumalakpak.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon