IFIWMB twenty: Her answer

83 3 0
                                    

A/N: France Delos Reyes on multimedia.

-------------

Ember’s POV

February 17 na ngayon, at marami na ang nangyari. Naghahanda na kasi kami para sa paparating na Foundation Week sa school. Kaya ito, busy kami sa paghahanda. Sumali kasi ako sa popdance na isang contenst dito sa school.

Pero hindi pa rin ako masaya. Ginagawa naman ni JA ang lahat para mapasaya ako e, pero bakit gano’n? France pa rin ng France ang iniisip ko. Nakakainsulto na talaga!

Bigla naman ako’ng nagka’bright idea para mas lalo’ng makalimutan si France.

Ting! (Sound effects ng isang very bright idea)

Aha!

May balak na ako...

Kinabukasan...

Ito na yung araw na gagawin ko ang balak ko.

Habang nasa klase, hindi ako nakikinig. Para sa ano pa? Edi ako na yung matalino. Hohoho.

De, kasi iniisip ko yung gagawin ko mamaya. Nae’excite ako! Mabilis na lumipas ang oras at recess na! Woo!

Kakalabas ko lang with the biggest smile on my face nang bigla ko siyang nakita na nakaupo sa harap ng classroom namin.

Napasimangot ako.

Eh bakit ako hindi sisimangot, e tinitingnan niya ako ng seryoso? O ako nga ba? :(

Hindi ko lang siya pinansin. Ayoko’ng makita niya ako na mahina ako. ‘Cause if ever I can be a superhero? My kryptonite would be France.

Tapos na ang recess at T.L.E namin ngayon, at since wala yung libro ko, pupunta pa ako ng locker para kunin yun. No worries kasi nasa labas lang naman ‘yon malapit sa C.R.

"Ma’am!" I said as I raised my hand.

"Yes, Ms. Ly?" Tanong niya habang nakatingin sa’kin.

"Eh, nakalimutan ko po kasi yung notes ko sa locker. Pwede ko po ba’ng kunin? Madali lang po ako." Pageexplain ko.

"Okay" tipid niyang sagot. Tss.

Pagkalabas ko, nasaktan na naman ako. Bakit ba palagi niya na lang ako’ng tinitingnan ng masama? Or should I say, seryoso? Yung tingin na parang may gusto siyang sabihin. May tinatago ba si France? Totoo ba yung mga sinabi ni Agnes? Na, minahal ako ni France? Tss, imposible! Hahaha! Kukuha na nga lang ako ng notes ko.

Pagkatapos ko’ng kumuha hindi ko siya tiningnan. Hindi naman siguro ako mamamatay ‘pag hindi ako tumingin, ‘di ba?

"Psst" rinig ko.

Hindi ko na nilingon, papasok na sana ako ng classroom namin nang tinawag ako ni Ian.

"Ember!"

Napatingin ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ano’ng kailangan niya?

"‘lika dito." Dahil tanga ako, lumapit ako sa kanya. Sa kanila. Kasama niya kasi si France na umuupo sa bench.

"Ano?" Irita ko’ng tanong.

"Wala, bumalik ka na." Saka sila nagtawanan.

"Anak ng! Psh." Di na ako lumingon at tuluyan ng pumasok ng classroom. Nakakabwisit. Hindi na sana ako lalapit, e ang puso ko e! Umaasa pa rin. Kailan ko pa ba ititigil ang pagmamahal ko sa kanya? Wala naman siyang kwenta. Napaisip ako.

Wala nga siyang kwenta, mahal mo naman. Ugh! Kainis na puso’ng ‘to. Tsk!

Pagkatapos ng klase, hinanap ko si JA. Kailangan ko na ‘to’ng gawin. Ito na lang siguro ang tanging paraan.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon