IFIWMB 24: Between us

72 3 0
                                    

Ang gaan sa pakiramdam kung alam mo’ng mahal ka rin ng taong matagal mo nang pinapangarap. Pero masakit din pala, kapag alam mo’ng pinaghihiwalay kayo ng oras at tadhana. - MyGirlyGirl

Ember’s POV

♪ You and I, we don't wanna be like them

We can make it ‘til the end, nothing can come between You and I ♪

Nakikinig lang ako ngayon sa earphones ko. Tuesday ngayon at maaga pa rin ako’ng dumating sa school. Nasa 3rd floor ako ng school at nagpapaka’emo.

Iniisip ko kasi... Ano na ngayon ang gagawin ko? Ayoko’ng masaktan si JA. At ayoko rin’g masaktan si France. Naiipit na ako. Eh kasi hindi ko pala alam na sa bawat kilos ko, may nasasaktan. Ang sama ko! Tatalon ba ako dito? Pero, ayoko pa’ng mamatay.

"Bakit, *sniff* bakit ba nangyayare sa’kin to?! *sniff*" tumingala ako sa langit. "Ang sakit dito.. *sniff*" itinuro ko yung puso ko. "Ang sakit sakit na." Umiyak pa ako lalo.

Bakit kailangan ko’ng magdusa ngayon? Sa’n ba ako nagkulang? Nagmahal lang naman ako, pero bakit kailangan pa’ng mangyari ang ayoko’ng mangyari sa buhay ko? Ayoko’ng may nasasaktan ako’ng tao. Tatapusin ko na ba to?

Tama. Tatapusin ko na kung ano ang dapat tapusin.

"El.." Ang boses na yan, sinasaktan ko na siya. Kumirot ang puso ko. May nasasaktan na ako.

Hindi ako tumingin sa kanya. Tumingin lang ako sa baba nito’ng building ng school namin. Puro rooftop ng bahay ang makikita galing dito.

"El, m-may nabasa ako sa cellphone ni France." Nagulat ako. Hindi dahil may nakita siya na ano sa cellphone ni France, pero.. Yung usapan namin. Hindi. Hindi niya dapat malaman to. Wag naman sana.

Bago pa ako makasalita, hinila niya na ako pababa papunta’ng.. Classroom? Ano’ng meron?

Nang pumasok ako..

Nakita ko sila na nakaupo at nakatingin sa’kin. Ano’ng nangyayare?

Pinaupo ako ni JA sa tabi niya. At sa kabila, katabi niya si France.

Parang ganito oh,

(France)--------(JA)----------(Ako)

"Ano’ng mer--" hindi ko na napatapos ang pagsasalita ko nang magsalita si JA.

"Sabihin niyo nga sakin’g dalawa. Ikaw El, why didn’t you tell me?" Mahinahon na tanong ni JA pero alam ko’ng naiinis siya.

"Tell you what?" Napa-english na pati ako.

"May usapan kayo?!" Ito na nga ba. Ito na ang ayoko’ng mangyare.

"Pare okay lang kung hindi pwede." Sabi ni France habang nakatingin sa cellphone niya. Seryoso din siya.

"Okay lang naman e! Pero yung.. Yung.. Ugh! Only the two of you? Ni wala ako’ng kaalam alam? May tinatago ba kayo? Ha?!" Napataas na ang boses niya.

"W-wala kami’ng.. Tina-- tinatago." Ayun na, nagsinungaling na ako. Sorry JA, ayoko na pati ikaw, madamay.

"Wala?! Eh bakit kayo lang ang mag-uusap? Date? Gano--" hindi ko na pinagpatuloy yung sasabihin niya dahil nagpanic na ako. Date?!

"NO!" Napatayo ako.

Nagulat naman sila sa reaksyon ko. JA just smirked.

"I mean, no." Mahinahon ko’ng sagot sabay upo. "Please JA, yung pag-uusap na yun.."

"About what?" Naiinis na talaga siya. Same as me! Naiinis ako sa kanya, pati na kay France! Kung hindi niya pinabasa yun, e di sana wala’ng problema! Takte.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon