IFIWMB seventeen: Her revenge

95 4 0
                                    

Ember's POV

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...

Nabibweset na talaga ako sa pinapatugtog ni mama dito sa bahay. Ugh! Bakit ba mga ganyan ganyan pa? Uso pa ba yan? Makaalis nga!

"Ma alis na muna ako." Lumabas na ako ng kwarto ko at nakabihis na ng panglabas.

"At saan ka pupunta?" Nakapamewang niyang tanong.

"Magtatanan." Seryoso kong sagot.

"An--" grabe yung pagreact niya! HAHAHA!

"Joke! Hahaha, pupunta lang po sa kapitbahay natin." Taas baba ng kilay kong sabi.

"Ah, sige. Bumalik ka agad dito mamaya." Ibinaling niya ang pagtingin sakin at tumingin sa linuluto niyang pagkain. Habang nakikinig ng mga kantang masikip sa dibdib.

"Okay po! Bye ma." Wala nang beso beso. Alis agad.

Okay. Ako na ang masamang anak.

Eh nakakaasar kaya yung pinapatugtog niya! Hmp!

Dumiretso na lang ako sa park. Magpapahangin. Para naman mawala yung pagkabitter ko sa mundo.

Nang makarating ako sa playground ng park, umupo agad ako sa isang swing. Wala naman talaga akong balak pumunta sa bahay nila JA kasi gusto ko munang mapag-isa.

Habang nakaupo, napaisip ako.

Bakit ba nangyayari to sakin? Dahil ba marami na akong kasalanan? Nagsisimba naman ako ah! Bakit ba ako iniwan ni... France. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Gustong gusto ko na siyang kausapin.

Miss na miss ko na siya.

Di ko namalayan na tumutulo na naman ang mga peste kong mga luha. Walangya! Huhuhuhu.

Kailan ko pa ba ulit makakapiling si France?! Malapit na valentines oh! Wala paring France na kumakausap sakin. Eh bakit niya nga ba ako kakausapin? Iniwan niya na ako, hindi ba? Ang sakit naman. Ayoko nang umasa! Pero ang tanga tanga tanga tanga as in super duper tanga lang ng puso ko kasi mahal na mahal pa niya si France. Ouch.

Tinanaw ko ang buong park. May mga batang naglalaro, mga pamilyang masaya, may mga magcouples at ineenjoy nila ang mga ginagawa nila.

Ako lang talaga ang naiiba dito. Ako lang dito ang BROKENHEARTED.

Hay nako Ember! Bata ka pa, marami ka pang madadaanan. Tama nga naman yung utak ko.

Ah ewan ko! Marami pa namang iba dyan e. Pero aanhin ko ang iba kung si France lang ang tinitibok nito? Yung puso ko ah, naku!

Tatayo na sana ako nang makita ko si JA sa di kalayuan.

"JA!" Sigaw ko sa kanya sabay kaway.

"EL!" Sigaw niya pabalik at tumakbo papunta sakin.

"JA! Kamusta k--" pa'no ko matapos tapos ang sasabihin ko kung niyakap niya ako?

"A-ah, J..J-A." Nagulat ako sa ginawa niya ah? Di ako makahinga.

"Miss na kita Ember." Hala? Eh kahapon magkasama naman kami no'n ah?

"JA..."

"Alam ko na yun El, miss mo na rin ako." Ay takte! Ang kapal!

"H-hindi. A-a..ako.. M-maka...hinga!" Agad naman siyang kumalas sa yakap niya.

"Hala, hala! Sorry El! I'm really, really sorry." Banggit niya habang hinahabol ko ang paghinga ko.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon