IFIWMB 27: Her Decision

51 4 0
                                    

Ember’s POV

Day of exam.

Okay lang din naman yung exam, hindi naman masyado’ng mahirap sagutan.

Recess ngayon at nakaupo lang ako dito sa labas nang makita ko siya.

Nakaupo siya sa isang bench malapit sa registrar. Di ko alam pero parang may tumutulak sakin para pumunta at umupo sa tabi niya.

"Ember, usap tayo, hihi." Si Anje.

"Ahh, mamaya na ah? May pupuntahan lang ako. Hehe, sige." Saka na ako umalis dun.

Nang papalapit ako, tumibok ng bonggang bongga ang puso ko. XD

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

Hindi. Ayoko’ng lumapit, pero bakit parang may tumutulak sakin?

Namalayan ko nalang na nandito na ako sa gilid niya.

"Hey" yan lang yung lumabas sa bibig ko. Umupo ako sa tabi niya habang titig na titig pa rin sa mga mata niya.

Namiss ko to.

Yung magkatabi kami at nag-uusap. Namiss ko to. Sobra.

"Hi" tipid niyang sagot.

"So, Umm. Kumusta? Tagal ng di nag-usap ah. Hehe." Ok, ako na ang tanga. Pinilit kong ngumiti sa harap niya. Pero sa totoo lang, kinikilig talaga ako.

"Ok lang naman." Ay, ang tipid sumagot. Taray ah!

"Umm, kumusta naman kayo ni Kate?" Di ko alam pero parang kumirot ang puso ko dun.

"Ha?" Oh ba't nabigla siya?

"Anong ‘HA’? Eh hindi ba, kayo na?" Duuuuuh -.-

"Ha?! Hindi noh. Hindi." Sus deny pa. "Hindi kami, walang kami." Wala daw?

"Ehhhhhh? Bakit kahapon nung nakachat kita, sinabi mo KAYO NA? Nagreply pa nga ako ng, 'stay strong sa inyo ah' eh nag thankyou ka nga eh! Tapos ngayon sasabihi---" nage-espich pa ako! Pinutol na agad!

"Hindi ako nakapag-online kahapon." Sabi niya habang hindi nakatingin sakin. Tingnan mo ako France Delos Reyes! Umaasa yung puso ko e!

"Ano’ng hindi? Eh kung hindi ikaw yung nagchat sakin kahapon, eh sino?" Malamang multo XD

"Baka si Kate." Ooohhhh.

Wait. Nagduda ako dun ah. Hindi sila, pero alam ni Kate yung facebook account ni France? Ah, baka hindi na change pass ni France yung facebook acc niya. Oo tama, baka yun yun.

"Ahhh. Mega’non? Ok." I smiled. Ngumiti rin naman siya na bigla namang nawala. Problema nito? Matanong ng--

Paano ko siya matanong tanong kung bigla’ng umupo si Ian sa gitna namin?! Grr!

Author! Ba’t ang dami’ng EPAL sa istorya ko?! Pweh!

(Author: ganyan talaga ang buhay na ibinigay ko sayo! Bwahaha! Eh akin si pogi eh)

Tse! Mang-aagaw hanggang chapter 27. Eew, author. Eeeewww.

"Oy France nagtampo kami sayo ah!" Eh di kayo na SWEET! MAKAALIS NA NGA! Epal ehh.

Nang makaalis ako. Dun ko ulit naramdaman yung tinatawag nilang contentment. Nakuntento ako, kaya inspired ako’ng sinagutan yung exams namin nang nakangiti ng malapad. :))

Maibabalik na ba yung friendship namin? Sana nga. Sana.

March 18.

Last day of exam. Wew! Teka, teka. Muntik ko ng nakalimutan ang binalak ko! Ayts.

Monthsary namin ni JA.

And I have something to tell him. Remember nung foundation week? Na magdedesisyon ako pagkatapos ng exam? Oo tama, mamaya na yun.

Gagawa pa pala ako ng farewell letters.

Kaya nung vacant, nag’effort na ako para gumawa nun.

Ayoko nang paasahin ang taong nandyan lang palagi oara sakin. Ayaw ko siyang masaktan. Kaya tatapusin ko na to habang maaga pa.

I'm breaking up with him.

I know masasaktan siya. Pero mas masasaktan naman siya kung na sa isang relasyon kami, pero hindi ko naman kayang ibigay sa kanya yung pagmamahal na hinahangad niya. Oo minahal ko siya, pero yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya, hindi pa sapat yun para mahalin niya ako ng husto. And... Hindi niya pa rin mapapantayan ang pagmamahal ko para kay.. France.

"Pwede ba kitang makausap?" Nakaupo ngayon si JA sa tabi ko pero kanina pa ako tulala kay France. Na sa bench ako malapit sa registrar, pero si France yung tinitingnan ko sa malayo.

"Hoy." Tiningnan ko siya. Mukhang alam niya na kung sino yung tinitingnan ko. "Tsk, still him, huh? You don't have time for me anymore. Please.. Can you, can you just talk to me the way you talk to me, before?" Nagmamakaawa siya. Hinawakan niya kamay ko pero bumitaw ako doon. Ayoko. Baka mas lalo siyang masaktan, at alam ko’ng MASASAKTAN SIYA NG SOBRA mamaya sa gagawin ko. Ayaw ko siya’ng masaktan. Ayoko. Gusto ko nang umiyak. Pero umiwas na lang ako ng tingin at bumalik sa tinitignan ko. Siya. Nakikipag-usap siya sa mga kaklase niya. Ang saya niya. Sino kaya ang nagpapasaya sa kanya? Gusto ko sana, ako ehh. Pero alam ko’ng, imposible.

"Ember, please." Di ko pala namamalayan na nandito pa siya sa tabi ko. Sinasaktan ko siya. But what can I do? He doesn't deserve me. Alam ko’ng may babaeng mas deserving sa pagmamahal niya. There's so much time. Bata pa kami. Marami pa ako’ng pangarap.

"Alis na’ko. Next sub na namin." Tatayo na sana ako nang pinigilan niya braso ko.

"You’ll leave me?" Yumuko lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sorry talaga JA, sorry. Kung alam mo lang.

Dismissal.

Hinihintay ko ngayon si JA, I told him kasi na magpapahangin kami sa park. Di ko sinabi sa kanya yung totoo ko’ng balak.

"Oh, tara na?" Tanong niya.

"Sige." Simple ko’ng sagot.

Nang makarating na kami sa park.

"JA, there's something I have to tell you." Diin ko.

"Ano yun?" He said while smiling at me. ‘wag ka’ng ngumiti, please lang.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko’ng kanina pa gustong tumulo.

"Break na tayo." Hindi na ako nagsalita at tuluyan ng binigay sa kanya yung letter. "Sorry."

At dun na ako tuluyang umalis. Umiyak lang ako ng umiyak buong gabi. Nagiguilty ako.

•••

JA's POV

Kanina pa ako tumitingin sa letter na binigay sakin kanina ni Ember habang umaagos pa rin ang mga luha sa mata ko. Bakit? Why did she broke up with me?

Dear JA,

I'm so sorry. I'm really sorry for everything. I know hindi mo pa matatanggap yung sorry ko for now, but JA, I just want to tell you that I've loved you, ok? But I'm sorry pero hindi pa rin yun mapapantayan kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. JA, thank you for the love and the care, hindi ko makakalimutan yung good works mo para sakin, I love you. Pero siguro hanggang dun na lang yun. Masakit din sa part ko, but I have to do this for you. Para hindi ka na masaktan pa. I'm so sorry JA, I really do.

Sincerely yours,
Ember

P.S. please do move on for me.

End of everyone’s POV.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon