IFIWMB 25: Didn't went through

106 3 0
                                    

Ember's POV

Wednesday. Sheesh, hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi kakaisip kung matutuloy ba yung usapan namin ni France, lalo na't sinabi niyang lalayo na siya samin. Sakin. Errr bakit ba kasi?! Alam niya ba'ng nasasaktan din ako sa mga ginagawa niya? Huh?

Beep!

From beb JA:

Goodmorning bebe kooo :* ano'ng oras ka pupunta sa school? Loveyou.

Parang nakalimutan niya lang yung nangyare kahapon ahh. Ayts, naman! Naguguluhan na ako. Sige lang Ember, papatapusin ko lang to'ng foundation week at exam, magdedesisyon na ako.

To beb JA:

Mamaya pa siguro. Goodmorns. :))

Ayoko'ng mag iloveyou. Niloloko ko lang siya pag sinabi ko pa yun. Better to act than to pretend when you already know it's not what you meant.

From beb JA:

Okay.

Itatago ko na sana yung cellphone ko nang may pumasok sa isipan ko. Itetext ko na lang kaya? Kaso, baka hindi siya magrereply.

To France:

Umm, Goodmorning? Tanong lang sana ako kung matutuloy ba yung usapan? :)

30 seconds.

1 minute.

2, 3, 4...

Hindi na siya nagreply. Hays, hanggang ngayon mahilig pa rin magseen zone sakin. :((

Timecheck: 8:34am√

Hindi na rin siguro matutuloy. Babalik na lang muna ako sa kama at matulog. Baka makalimutan ko pa yung problema ko pagkagising ko.

Sana.

•••

France's POV

Nagtetext kami ni Ian ngayon at tinanong ko siya kung nasabi niya kay Ember yung pinapasabi ko sa kanya. Sinabi naman daw. Hay salamat naman kung gano'n.

Beep!

From Ember:

Umm Goodmorning? Tanong lang sana ako kung matutuloy ba yung usapan? :)

Oh? Bakit nagtext pa to? Akala ko ba nasabi na ni Ian na lalayo na ako? Ano ba naman yang si Ember, tsk. Umaasa pa rin. May JA na ehh, saka pa nagtetext.

Di na ako nag-aksaya ng oras para magreply. Oo na, hindi na yun matutuloy. Ayoko nang masaktan pa siya. Di niya na kailangan malaman pa yun. Wala na rin ako'ng balak na sabihin pa yun sa kanya. Masaya na siya, gagambalahin ko pa? Magpakasaya sila. Tss, may Kate na ako.

(Author: Bitter alert! Bitter alert!)

Tssk! Epal si Author. -___________-

To Ian:

Pare pupunta ako dyan sa bahay niyo. Sabay na tayo pumunta sa WMA. 10am lang tayo pupunta dun. Papunta na ako.

Wala na ako'ng oras para sayo Ember. Pinapalaya na kita.

•••

Ember's POV

*yawn*

Hays, ang ganda ng tulog ko. Ano'ng oras na ba?

O_____________________O

9:59am?! Nagbibiro ba yung relo ko? P-paano.. Yung..

Habang naghahanap kung nagtext ba siya o wala, kusa nang naglabasan ang mga luha ko'ng kanina ko pa gusto'ng palabasin. H-hindi na ba matutuloy?

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon