IFIWMB fourteen: Regrets

95 3 0
                                    

France's POV

It's saturday. At nag-aalala na ako kay Ember. 'di na kasi siya pumasok simula nung .. Ah basta. Di ko rin naman ginusto yun e. Nabigla nga ako nun.

Eh kung.. Puntahan ko kaya siya? Para makapag-explain ako ng maayos. Tama. Yun ang gagawin ko.

Nagtext ako sa kaibigan niyang si Kyle.

To: Kyle

G'morning. Pwede ba malaman yung adress ni Ember? Thanks.

- sent!

From: Kyle

JL3 subdivision, PM road, Blk 23. Bakit ba?

To: Kyle

Thanks. Wala lang. :)

- sent!

Hindi na siya nakapagreply pagkatapos nun. Hmmm... JL3 subdivision? Mukhang malapit lang sa school ah.

Lakad. Lakad.

Aha! Nakita ko na. JL3 subdivision.

Nang makapasok ako sa malaking gate ng subdivision ay nagtanong na rin ako.

"Manong, asan ba dito yung PM road?" Tanong ko sa isang lalakeng medyo matanda na nakasalubong ko.

"PM road.. Hmm. Sino ba hinahanap mo hijo?" Tanong niya.

"Ahh. Si Ember Ly po. Kilala niyo po ba?" Sagot ko.

"Ah. Yun ba yung girlfriend ni Sir Angelo?"

"Po?" Hindi ko kasi masyado narinig e. Yung ano daw?

"Ah wala. Diretsuhin mo lang yan, tapos kapag nakita mo na yung park.. Maghanap hanap ka na lang ng matatanungan ulit sakali di mo pa mahanap. Basta malapit sa park yung bahay nila." Saka siya umalis.

"Ano ba yun? Ang labo kausap. Tss." Dumiretso na nga lang ako sa park.

Nang makarating ako.. Naghanap hanap ako ng gate na may plakang 'Blk 23' ..

"Asan na ba.." Naiinip na ako.

"Ayun!" Nang makaharap ko na ang bahay ng bestfriend ko..

Nakita ko ang.. Ina niya?

"Umm. Magandang umaga po! Nandyan po ba si Ember?" Tanong ko sa babaeng na sa 40+ years old na siguro.

"Sino po sila?" Tanong niya.

"Ah, bestfriend niya po? France Delos Reyes po." Sagot ko nang nakakapit sa gate nila.

"Ano'ng kailangan mo sa anak ko?" Diretso niyang tanong. Hindi rin manhater yung ina ni Ember noh?

"May sasabihin lang po sana ako?" Ano nga ba sasabihin ko? More like, 'kakausapin ko po girlfriend ko?'.. Pero ang tanong.... Girlfriend pa nga ba?

"Ano sasabihin mo sa kanya?" Ngayon ko lang pala nalaman.. Over protective yung ina ni Ember sa kanya. Kaya pala...

"T..ungkol po sa.." Ano sasabihin ko?

"Tungkol s-" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya kasi inunahan ko na siya.

"Tungkol sa project po. Tungkol sa project namin." Palusot pa France. Ang baduy ko!! >_

"Ah. Ganun ba? Eh wala kasi dito si Ember e. Nandun siya sa asawa niya?"

Nanlaki ang mga mata ko.

ANO?! SI EMBER?! MAY ASAWA NA?! IBIG SABIHIN---

"HAHA. Hijo joke lang."

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon