IFIWMB 51: The sweet adventure

55 3 0
                                    

This chapter is dedicated to AngelaRoma675 :)

----------x

Ember's POV

I woke up by a poking finger. Ugh. Aga-aga may nanggigising. I slowly opened my left eye and next, my right. Nakita ko si France na nakangiti.

"What?" Kunot-noo kong sabi.

"Anong 'what?' Were going to have an adventure sweetheart." It sounds very pleasing hearing him calling me his sweetheart. Pero--adventure? Ano na naman ang balak nito?

"Adventure?" Tiningnan ko ang orasan sa side table at nakita kong five o'clock in the morning pa lang. "This early?" I asked him with my brows creased.

"Yep. It'll be a long ride. So, get up! Get up!" Sabi niya habang pinapalo ako ng unan.

"Okay, okay! 'To na!" I sighed at bago pa ako makatayo ay hinila niya ako para halikan.

"Sabay na tayo." He pouted. Pinalo ko na lang braso niya at tumawa.

" 'Di pwede." I stucked my tongue at him at dumiretso sa banyo para maligo.

After I took my bath, lumabas ako ng banyo at nakita si France na sumasayaw ng 'twerk it like miley'. Take note, sexy dance with pa-cute pa sa harap ko ha!

"The heck?" I watched him as he sways his waist. I laughed hard and tried to ignore his presence.

" 'No ba 'yan, di man lang na-attract. Hmph!" Masungit niyang sabi at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko. Naku po! Tukso.

"Ano ka ba. Akala ko aalis tayo ng maaga? Maligo ka na nga. OA mo." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman itong nagpout habang papaalis.

Napailing na lang ako. This? I'll never regret this happened--or rather happening.

I wore a simple white sleeveless and short shorts with long ragged boots. Adventure naman 'to eh. And it really seems exciting.

Pumunta ako sa kusina at nagprepare ng breakfast. Siguro maaga pa kaming aalis, kaya gumawa na lang ako ng tuna sandwich with cheese and milk.

Ilang minuto, natapos ko na kaagad at magdadala na rin ako ng basket. Eh sa gusto ko eh. What if magugutom kami dun? Naku, kailangan ko pang mabuhay.

Nakita ko namang lumabas na si France sa kwarto ko at nakangiti itong nagmamasid sa ginagawa ko. I suddenly found myself blushing because I could feel the heat on my cheeks.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko dito habang inilalagay ang ibang sandwiches sa basket.

"Sana ganito na lang tayo palagi." I rolled my eyes pero deep inside, kinikilig na talaga ako. Parang sasabog ang puso ko at sumasabi ng 'yes! Yes!'

"Sandwich oh. Baka magutom tayo sa byahe." I handed him at tamang tama dahil nahawakan niya ang kamay ko at hinila ako para mayakap.

"If I could only be with you everyday and will never leave by your side." He sighed. Niyakap ko rin siya pabalik at tinap ang likuran niya.

"Tara na nga." Kumalas ako sa yakap. Ignoring what he said. Sana nga France. Sana nga.

It's sad that we couldn't be together legally for now. Hay.

Nang makatapos kami sa pagaasikaso ng mga dadalhin sa adventure, sumakay na kami sa sasakyan niya at sinimulan niya na ang pagdrive.

"Honestly, sa'n ba talaga tayo pupunta? In to mountains and those quiet and airy places?" Tanong ko dito habang tumitingin sa mga damo na dinadaanan namin.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon