"CHAPTER XVV"
"BIRTHAY PARTY"
Nakatulala ako habang nakaupo sa hospital bed. 0Agad akong dinala dito ni Yatch pagkatapos ng nangyari kanina. Nalaman din agad ito nila Tita Liana na agad dumalo sa amin pagkarating nila dito sa ospital.Hindi ako makamove-on sa nangyari kanina. Nakakatakot. Hindi ko pa naranasan 'yon sa tanang buhay ko, ang makasagupa ng barilan.
Para akong natrauma sa nangyari. Hirap pa 'kong magsalita at palagi lang nakatulala simula ng dumating kami dito kanina.
Kinakabahan ako dahil baka inaabangan lang pala kami no'ng mga bumaril sa 'min kanina.Hinihintay lang na lumabas kami para barilin.
Hindi ko naman maalalang may nakabangga kaming hindi kaaya-ayang tao para gawin ito sa 'min. Para mangyari iyong nangyari kanina.
Wala dito si Yatch dahil kinakausap pa siya ng mga police sa labas. Si Youth lang ang kasama ko ditong nagbabantay sa akin.
"How are you feeling?" Tanong nito at sinuri pa ako.
"Ma..." Lumunok ako para kumuha ng lakas magsalita.
"Go on take your time. I know it's traumatizing. I won't force you to talk." anito pa.
Ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin dahil kita 'yon sa mata niya.
"M-Maayos n-naman ako." At inabulalas ko na nga.
"You sure? Wala bang masakit sayo or what?" Sunod-sunod pa nitong tanong. Umiling lang ako at pinilit na ngumiti.
"It's fine." Saka nito hinaplos ang pisnge ko." Wala na sila. Hindi ka na nila masasaktan pa."
Tumango ako at tumingin sa kaniya para sa kasiguradohan. Ngumiti lang siya at saka hinalikan ang ulo ko.
Muli akong napatulala saglet bago bumukas ang pinto at pumasok si Yatch na panay ang mura. Agad namang napalayo sa akin si Youth. Salubong naman ang kilay ni Yatch na tumingin sa amin dahil sa nakita. Mariin siyang nakatingin kay Youth na umiiwas ng tingin sa kaniya.
"A-Anong sabi ng mga police? B-Babe?" Pukaw ko dito sa mariin nitong titig kay Youth na naiilang na sa kaniya.
Bumaling at tingin nito sa akin at napabuntong hininga.
"Iniimbestigahan pa nila ang pangyayari." Tanging sagot lang nito at lumapit na sa akin.
Umupo siya sa tabi ko at mataman akong tinignan bago niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry, it's my fault. I'm sorry sa nangyari kanina." Marahang bulong nito sa 'kin sapat para marinig ko.
"A-Ayos lang ang importante w-walang nangyari sa 'ting masama." Tugon ko dito. Mas lalong humigpit ang yakap nito sa 'akin.
"Mamaya uuwi na tayo. Hinihintay ko lang ang sasabihin ng doctor." Anito.
Tumango lang ako at napahinga. Sana hindi na 'yon maulit. Nakakatakot.
Nakikinig lang ako sa sinasabi ng doctor bago kami umalis. Si Yatch ang kaharap nito dahil wala naman akong gagawin.
"That's all, you can go home Mr. Alacazaren." Ani ng doctor at sumulyap sa akin.
YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...