Thirteen

1.6K 46 2
                                    

CHAPTER Xlll

"FIRST DATE"

NANDITO kami ngayon sa isang starbucks at kumakain.Nagutom kasi ako sa kalagitnaan ng pagpapapicture ko kanina kina mickey mouse.May nagalit nga sakin dahil sinosolo ko na daw sila,gusto ko nga sanang iuwi si mickey mouse eh kaso hindi daw pwede.

"Where we will go next sweety?" tanong ni Yatch at sinubuan ako ng cake.

"Hindi na ba tayo babalik sa Disneyland?"

"It's up to you kung babalik tayo roon o pupunta naman tayo sa iba."hmm punta kaya kaming paris para makita ko yong Eiffel tower.

"Paris."hindi ko napansing nasabi ko yon dahil dinudrawing ko sa isip ang itsura ng Eiffel tower.

"You want to go to Paris?why?"

"Ahm,gusto kong makita yong Eiffel tower."sagot ko.

"Hmm sige.Sa paris tayo pagkatapos nito."yes.

"Gamit parin yong private plane mo?" tumango.

Nagkakatotoo na yong mga pangarap ko.Ang sarap sa feeling na may naaabot yon ngalang dahil sa tulong ni Yatch.

Napatigtig ako sa maamo niyang mukha.Napakaswerte ko naman at sa akin siya nagkagusto.Imagine yong feeling na handa siyang gumastos ng malaking pera mapasaya ka lang.Sagotin ko na kaya siya.Hindi naman ligawan ang pinapatagal kundi relasyon.

"Staring is rude."napaiwas ako ng tingin.

"H-Hindi ah!"

"Yeah what ever.Finish your food para makaalis na tayo.Malapit ng maghapon."

At muli na naman kaming bumyahe,pero hindi katulad kanina na ang tagal talaga naming nakarating sa Disneyland.Ngayon ay kasalukuyan kaming tumutuloy sa isang sikat na hotel dito sa paris.Magpapahinga daw muna kami.

"Hey,matulog ka kaya muna.Hindi ka ba napagod."sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa hita niya.

Ngumiti ako,"Salamat."

"Thanks for what?hmm."

"Maraming salamat dahil dinala moko rito.Maraming salamat kundi dahil sayo hindi matutupad ang inaasam-asam kong pangarap,na mapuntahan ang mga lugar na gusto kong puntahan."

"If you're with me,everything will be possible."he said and with that,i kiss him softly.No one can compare how happy i am right now.

"Uuwi na ba tayo pagkatapos nating makita ang Eiffel tower?" masuyong tanong ko at humilig sa balikat niya.Naramdaman ko naman ang kamay niyang humaplos sa buhok ko.

"Yeah.I also have a work there."sagot niya.

Napahinga ako.

"Sama ako bukas sa office mo huh!"

"Yeah,sure.Para may tagamasahe naman ako do'n."tumawa pa siya.Napanguso ko,at gagawin niya pa akong masahista.

"Matulog na muna tayo.Yayakapin kita."

"Tara."at binuhat  niya ako na parang bagong kasal saka kami humiga sa kama.Natatawang yumakap ako sa kanya at ganon din siya.

"Sleep well sweety."

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now