CHAPTER Xl
"HAROLD"
WARNING!!
KUNOT-NOO akong napabangon sa kama dahil sa matinis na boses na naririnig ko.Wala naman kaming ibang kasama ni Yatch sa bahay kaya kataka-takang may ibang boses na umaalingaw-ngaw sa buong bahay.Mukhang tumatawa siya sa hindi ko malamang dahilan.
Bagot akong pumasok ng banyo saka nagtoothbrush at naghilamos.Hanggang dito ay dinig ko parin ang boses na pagmamay-ari ng kung sino.
Pagkatapos magtoothbrush at maghilamos ay napagdesisyonan ko ng bumaba para makita kung sino itong tawa ng tawa na akala mo ang ganda ng boses.
Pagkarating sa hamba ng hagdan ay nagpantig ang dalawa kong tenga ng marinig ang isang boses na familiar sa 'kin.Walang ingay akong bumaba para hindi mapansin ng mga tumatawa na may tao.Pagkababa ay agad nawala ang emosyon sa mukha ko ng makita kung sino ang tumatawa.Si Yatch na may kasamang babae.Tawa siya ng tawa habang nakaakbay sa babae.Bigla ay parang nawalan ako ng gana at basta nalang tumalikod at umakyat sa taas.
Masama ang loob kong bumalik sa kwarto ko at bumalik sa kama.
Nakakawalang gana ang nakita ko kanina.Pa'nong nagkaroon ng babae dito.Akala ko ba ako lang ang babae niya pero bakit may kasama siya ngayon at siyang-siya sa pagtawa kasama siya.Sino yon?gilprend niya.
Ano 'to niloloko niya ako.Anong niloloko,may kami ba.Nakasimangot akong umupo sa gilid ng kama at nag-isip.Sandaling katahimikan at..... ting! pumasok sa isip ko na tawagan si Levi.Mukhang ito na ang araw para sa kan'ya,nangako pa naman ako.Baka iniisip na no'n na nakalimotan ko na siya.
Madali kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number niya,buti at isang ring lang ay sinagot agad.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Hello."
Sandaling katahimikan!!!
["H-Hello,sino to?"] sagot sa kabila.
"Ako to,si Kierren." if you still remember.
["K-Kier-----oi ikaw pala 'yan.Buti naman at tinawagan mo na ako.Akala ko nakalimutan mo na ako."] sabi na eh.
"Free ka ba ngayon?" diretsahan na.
["A-Ako?"] ay hindi ako.
"Oo ikaw.Alangan namang nanay mo."
["A-Ah haha,bakit?"]
"Diba sabi mo ilalabas mo'ko.Ito na yon."
["Pwede na?"]
"Oo nga kulit."
["Yes!"]
"Hapi ka diyan."
["Oo,hehe.Sa'n pala tayo magkikita?"]
"Sa 'Saint Ignacio Church' alam mo 'yon?"
["Oo.Malapit lang do'n ang bahay ko."]
"Kung ganon do'n tayo magkikita.Ahm---."sandali akong sumilip sa orasan kong pambisig."8:30 sharp."
["Sige.Excited nako.Bye."] aniya at basta nalang pinatay ang tawag.Naiwan naman akong dilat ang mata dahil sa basta niyang pagputol ng tawag.Anak ng putcha!Excited lang ganon.
Bahala kayong dalawa diyan,basta ako makikipagdate.
KAKATAPOS ko lang magbihis.Hinahanda ko na ang sarili para lumabas.Sana naman may taxi agad akong makita.
YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...