CHAPTER lll
"POOL"
"IJA! COME ON! Let's swim together." paanyaya ni ma--este tita Liana habang hinihila ako. Hindi pwede! wala akong damit.
"P-Pero tita! wala akong dalang damit. Wala akong ipampapalit." habang pinipigilan ko siya sa paghila sa akin.
"Don't worry, pahihiramin naman kita." aniya at hinila ako ulit.
"Tita kasi..." pigil ko ulit rito. Hindi ako marunong lumangoy.
"What?" Nagtitimpi nitong tanong tanong. Napangiwi ako.
"H-Hindi po ako marunong lumangoy eh..." amin ko. Mukhang nawala ang inis nito dahil sa sinabi ko
"Oh?!"
"Well, I should consult my son Youth to give you a swimming lesson." nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi nito. Idadamay pa niya ang anak niya, ni hindi ko nga kaclose yung anak niyang si Youth eh!Tapos patuturuan pa ako. Ang akward na man non.
"H-Hwag na po."
"Fine, kung ayaw mo talaga, ako nalang." tapos ay iniwan ako at pumunta sa pool area. Napakamot nalang ako sa kilay at sinundan ng tingin si tita Liana na ngayon ay parang batang nagtatampisaw sa tubig.
Handa na sana akong maglakad para puntahan si tita liana ng biglang...
"So... You're still here."
"Ay! kabayo!!" tiling sigaw ko dahil sa gulat.
Tarantado.
Sino 'yon?
"Pfft.." rinig ko ang pagpipigil nito ng tawa. Pumihit ako patalikod para tignan kung sinong pontcho pilato ang nanggulat sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng malapad na dibdib ang bumungad sakin. Napa-angat ako ng tingin sa mukha ng taong nasa harap ko, at ganon nalang ang gulat ko nang makita ang gwapong mukha ni Youth. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Labas pa ang dalawa niyang dimples.
Sarap tusukin.
"Hey?" Sabi niya dahilan para bumalik ako sa sarili. Doubleng kahihiyan na 'to.
"A-Ah ikaw pala." pilit ngiting sabi ko at dumistansya ng kaunti. Ang lapit kasi ng mukha ko sa dibdib ni Youth.
Infairness ang bango niya. Panglalaking panlalaki talaga ang amoy.
"H-Hinahanap mo ba si ma--este tita Liana?" tanong ko.
"I'm not looking for mommy. Ikaw talaga ang hinahanap ko. Buti at hindi kapa umuwi." galak niyang sagot, pero ano daw?..... Ako ang hinahanap niya? Talaga!
"H-Huh? bakit ako?"
"K-Kasi... Ahm-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang may tumawag sa kanya.
"Son! Andiyan ka pala!" Sigaw ni tita Liana.
"Hali kayo ritong dalawa." segunda nito.
Nagkatitigan muna kami ni Youth bago sinunod ang sinabi ni tita Liana.
"Anak, buti at nandito ka dahil may hihingin sana akong favor." si tita Liana nang makalapit kami. Namangha ako sa ganda ng hubog ng katawan ni tita Liana. Parang hindi nagkaroon ng anak.
"What kind of favor naman mommy?" tanong ni Youth at inabutan ng tuwalya ang ina. Tumingin muna sa akin si tita Liana at ngumisi ng nakakaloko bago nagsalita.
"Actually, this favor is about Kierren. I want you to teach her how to swim." diretsong sabi nito. Napakamot ako sa ulo dahil kay tita Liana. Talagang tinutohanan niya ang sinabi kanina.
YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...