Two

2.6K 71 2
                                    

CHAPTER ll

"ALCAZAREN FAMILY"


KINABUKASAN, maaga akong gumising para maagang masimulan ang mga tratrabahoin ko sa bahay. Naglinis at nagluto na ako. Lahat ng pwedeng gawin ay ginawa ko na, para kapag sinundo na ako ni Tito Fhilip ay wala na akong naiwang gawain. Bumisita kasi siya dito kagabi at ipinagpaalam ako kay Tiya dahil may pupuntahan daw kami.

Mag seseven na ng umaga nang matapos akong gawin ang huli kong ginagawa, ang pagsasampay ng damit. At sure akong gising na sila Tiya, Mayeng at Rash ngayon. Maya-maya lang ay pupunta na ang mga 'yon sa hapag para kumain ng umagahan.

Pagkatapos kong maisampay lahat ay mabilis akong pumanhik papasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Kailangan ko ng maligo dahil baka ilang sandali lang ay dumating na si Tito Fhilip.

Kumuha lang ako ng tuwalya at damit na susuotin ko para ipang alis. Isang jeans at tshirt lang ang dinala ko dahil hindi naman ako maarte sa mga gamit ko. Pagkarating sa banyo ay agad kong binuksan ang gripo at hinayaang rumagasa ang tubig papunta sa malaking balde na na sa ilalim nito.

Hinanda ko ang mga gagamitin ko para sa pagligo. Nang makitang dumarami na ang imbak ng tubig ay nagsimula na akong maligo. Napatili pa ako sa unang buhos ko dahil sa lamig ng tubig.

Ilang oras rin ang itinagal ng pagligo ko, bago ako lumabas ng banyo. Pinapatuyo ko na lang ang buhok ko dahil masyado pang basa.

Pumunta ako sa kusina para kumain ng umagahan dahil hindi pwede na umalis ako ng bahay na walang laman ang tiyan. Buti at may tira pang pagkain, akala ko kasi inubusan ako. Saktong patapos na akong kumain ng may kumatok sa pinto.

Si Tito Fhilip na siguro 'yon!

Inilagay ko muna sa sink ang pinggang ginamit ko saka binuksan ang pinto, at hindi nga ako nagkakamali dahil si Tito Fhilip ang nabungaran ko pagkabukasa ng pinto.

"Tito..."masayang tawag ko dito. Nakangiti rin ako nitong binati.

"Magandang umaga pamangkin." bati nito sa 'kin. Napatingin ako sa suot ni Tito, napaka formal nito, hindi tulad ng sakin na para akong pupunta sa palengke.

"Magandang umaga rin po." balik na pagbati ko.

"Ready ka ng umalis?" Tanong nito.

"Pinapatuyo ko pa po ang buhok ko, Tito." sabay turo sa buhok ko na nakabalot ng tuwalya.

"Bilisan mo ang pagpapatuyo ng buhok, para maaga tayong makapunta sa pupuntahan natin." utos nito.

"Opo." tanging tugon ko.

"Okay. I'll wait you here."

Tapos ay dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para ayosin ang sarili. Hindi na din ako nag abalang sagotin si Tito dahil baka matagalan ako sa pagpapatuyo ng makapal kong buhok.

Tinanggal ko ang tuwalyang nakabalot sa buhok ko saka hinanap ang suklay. Kailangan kong magmadali dahil baka mainip si Tito sa paghihintay sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at inilagay ito sa bulsa ng suot kong jeans, hindi 'to pwedeng maiwan dahil baka hindi ako macocontact ni Tine. And speaking of Tine, kailangan ko pa ngapalang ipaadjust ang oras ng meet-up namin mamaya.

Haysst...

Pagkatapos ng malalim na buntong hiningang 'yon ay lumabas na ako ng kwarto para puntahan si Tito Fhilip sa labas. Buti at wala pang sampung minuto ang itinagal ng pamamalagi ko sa kwarto.

"Let's go." si Tito at ginayak ang daan.

Sumunod naman ako. Pagkalabas namin sa maliit na gate ng bahay ay bumungad sa harapan ko ang isang magarang sasakyan na mukhang mamahalin.

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now