Four

2.2K 65 0
                                    

CHAPTER lV

"START"

PAGKAGISING na pagkagising ko ay ang sarili ko muna ang inasikaso ko. Naligo at nakapagbihis na ako, at ang mga gamit na dapat kong dalhin ay nakahanda na. Ni hindi na nga ako nakapagluto ng almusal nila tiya dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Well, kaya namang magluto nila Mayeng ng pagkain para sa sarili nila, at saka ngayon lang naman ako hindi magluluto dahil dapat maaga daw akong pumunta sa bahay ni Yatch sabi ni tito kahapon ng makauwi kami. Buti hindi ako makakagasto ni piso dahil ipapasundo ako ni tita Liana.

Handa na sana akong lumabas ng bahay pero biglang may tumawag sa akin.

"Kie, ang aga mo naman ata?"

"Yung almusal namin?" Sabi ni tiya ng maabutan ako.

Handa na ako eh...

"Kasi tiya, dapat maaga daw akong pumunta." paliwanag ko

"Hindi ko problema kung dapat maaga kang pumunta diyan sa trabaho mo. Dapat inuna mong magluto ng almusal namin ng mga anak ko bago ka umalis dito."

"Pero kasi tiya-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ng sumingit si tiya.

"Walang pero! Pero! Pumunta ka sa kusina at magluto ng pagkain, bilis!" Mata­ray nitong utos. Napapikit ako ng mariin. Wala akong ibang choice kun'di gawin ang na sa isip ko. Ayaw ko namang paghintayin si Yatch dahil napakaworkaholic nga daw ng taong 'yon. Baka kapag nakarating ako sa bahay niya eh wala na siya do'n.

Pagmulat ng mata ko ay wala na sa harapan ko si tiya Cyntia. Kinuha ko itong tiyempo para pumunta sa sasakyang naghihintay sa akin sa labas. Kung kahapon ay itim, ngayon naman ay puti.

Pagkarating ko sa sasakyan ay pinagbuksan ako ng pinto ng lalaki na sa tingin ko ay nasa med 30's pa ang edad.

Akma na sana akong papasok sa loob nang marinig ko ang sigaw ni tiya.

"Kierren! Walanghiya ka! Bumalik ka ritong bata ka!" Pagsisigaw ni tiya pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatul­oy ako sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Ito na 'yong chance ko para makaalis sa bahay na 'to.

"Hayop ka! Walang utang na loob!" Pahabol ni tiya at hinagisan pa ako ng walis tambo, but too late dahil umandar na ang sasakyan. Abo't tanaw nalang niya ako.

Napabuntong hininga ako saka ibinaling sa harap ang tingin. Sana naman hindi masungit si Yatch. Baka pahirapan niya ako.

Nasa kalagitnaan ako ng byahe ng tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

Unknown number? Sino naman kaya 'to?

Tanong ko sa sarili ng makita kung sino ang tumatawag. Hindi ko ito sinagot. Inoff ko na lang ang cellphone ko pero tumawag na naman 'yong unknow number. Sinagot ko na ito para tumigil na sa kakatawag.

I knew you we're trouble-

"Hello? Sino to? Ba't ba tawag ka ng tawag?" Diretsahan kong tanong.

"Hey... Ako 'to, si Levi. Levi pantoja." sagot ng nasa kabilang linya. Sandaling kumunot ang noo ko at nagrecall ng pangalang Levi sa utak ko.

Naalala ko 'yong lalaki sa restaurant na pinuntahan namin ni tita Liana.

"Levi? 'Yong waiter sa isang restaurant?" Paninig­urado ko. Malay kong ibang Levi pala 'tong kausap ko.

"Oo. Ako nga!" Dinig ko ang mahinang tawa nito sa kabilang linya.

"Oh! Napatawag ka?"

"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin."

Napataas­ ang kilay ko sa sagot niya.

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now