CHAPTER l
"JOB HUNTING"
PAGOD akong napa-upo sa gilid ng kalsada para magpahinga sandali. Tagaktak ang pawis at kumukulong sikmura ang nararamdaman ko ngayon dahil sa matinding init at gutom. Kanina pa ako palakad-lakad sa kung saan para maghanap ng trabahong pwedeng mapag-aplayan, at mukhang minamalas ako ngayon dahil ni-isa sa mga companyang sinubukan kong pag aplayan ay walang tumanggap sa akin. Fresh college graduate naman ako, pero kahit gano'n wala paring tumanggap sa akin.Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa malayo, iniisip kung saan pwedeng makahanap ng trabahong pwedeng mapasukan, kahit ano basta malaki lang ang sasahodin ko dahil kailangan ko ng malaking pera para ipambayad sa mga utang ni Tiya Cyntia. Sa akin niya ipinasa ang lahat ng utang niya dahil nakikitira lang 'daw' ako sa kanila. Hindi ba niya naisip ang mga pinagdadaanan ko habang nakatira ako sa kanila? isama mo pa 'yong mga anak niya na may bahid rin ng kademonyohan.
'Like mother like daughter nga ika nila'
Napailing na lang ako.
Dapat makahanap na ako ng trabaho sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, sa kalsada ang bagsak ko kapag hindi ko nabayaran ang utang ni Tiya Cynthia na dalawangpung libo ang halaga.
Napasapo na lang ako sa noo. Ayokong matulog sa kalsada 'no! ang dami pa namang masasamang loob ang gumagala tuwing gabi, baka hindi na ako sikatan ng araw pag nangyaring pinalayas ako ni Tiya Cyntia sa bahay.
"Lord... Bigyan niyo naman ako ng sign para makahanap ng trabaho. Ayaw ko pang mamatay ng maaga." pag dradrama ko. Para na akong timang tignan dito na nagsasalita mag-isa, 'buti at walang katao ang dumadaan dito sa pwesto ko dahil baka isipin nilang nababaliw na ako.
"Lord sige na... Please--" hindi ko natuloy ang pagdradrama ko nang accidenteng mahagip ng mga mata ko ang isang binata na tumatakbo paparoon sa akin. May hawak-hawak itong mamahaling bag na sa tingin ko ay hindi sa kan'ya, at habang papalapit sa pwesto ko ang binata ay nakita ko sa likod nito ang isang babae na pilit hinahabol ang lalaki para bawiin ang kanyang pagmamay ari. Sumisigaw din ito para humingi ng tulong.
"Tulong! Tulongan niyo ako! 'yong bag ko! ninakaw!"
Pagsisisigaw nito kaya bago pa makalampas sa pwesto ko 'yong lalaki ay mabilis kong ibinalandra ang isa kong paa para patidin ito. Dahil hindi tumitingin ang lalaki sa daan ay hindi niya napansin ang paa ko na naghihintay sa kanya kaya natumba agad siya.
Pagkatumba ng lalaki ay tumilapon sa mismong harapan ko ang mamahaling bag na hawak niya, agad ko itong kinuha at tumayo. Saktong nakalapit na rin sa amin 'yong babaeng tumatakbo na nanghihingi ng tulong.
"Finally! Someone intention to help..." nahihirapang sabi ng babae dahil hinahabol nito ang hininga niya dahil sa sobrang pagtakbo.
Akmang lalapit ako sa kan'ya ng bigla na lang tumayo ang lalaking nagnakaw ng bag at sinubukang hablutin sa kamay ko ang bag pero hindi paman niya 'to nahahawakan ay hinagis ko na sa babaeng nagmamay ari nito ang bag kaya walang nagawa ang lalaking magnanakaw kun'di ang tumakbo nalang palayo.
Ang bata-bata pa tapos marunong ng magnakaw! He's wasting his future.
"Oh God! thank you ija for helping me to get my precious bag to that snatcher!"
Pasasalamat ng babae at siya na mismo ang lumapit sa akin. Yumuko ako ng may katamtaman at nagsalita.
"Walang ano man po Ma'am. Kahit sino naman po pagnakita ang gano'ng eksana ay tutulong talaga." sabi ko rito.

YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...