CHAPTER Vl
"OPERATION CLEAN THE WHOLE HOUSE"
PANIBAGONG ARAW,panibagong gawain.Maaga akong gumising para magluto ng breakfast ni sir Yatch.Simpleng pagkain lang naman ang hinanda ko.Nagtimpla din ako ng kape para sa kanya.
Pagkatapos kong maihanda lahat ay nagtungo ako sa kwarto ni sir Yatch.Magkatapat lang naman ang kwarto namin,itim ang kulay ng pinto niya,habang yong akin,puti.
Pagkarating ko sa harap ng pinto niya ay kumatok ako.
Tok!Tok!Tok!
"Sir Yatch!!gising na,nakahanda na po ang almusal."sigaw ko sa labas ng kwarto niya.Pero ilang segundo na ang lumipas ay walang Yatch na sumagot.
Akmang kakatok ulit sana ako ng bumukas ang pinto at bumungad sa aking harapan ang gwapong lalaki na nakasuot ng pang business attire.Naiwang nakataas ang kamay ko sa ere.
"What?"malumanay niyang tanong.
"A-Ahm,b-breakfast n-na."sagot ko na hindi mawala-wala ang tingin sa kanya.Ang gwapo niya talaga.
Tinignan lang ako nito sandali saka naglakad pababa.Ibinaba ko naman ang kamay at sumunod narin pababa sa dining area.
Pagkarating ko ay nakita ko ng nakaupo si sir Yatch.Pumunta ako sa gilid niya at doon namalagi.Nang magsalita si sir Yatch.
"What are you waiting for?come on,join me to eat breakfast."aniya.Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik at kumuha ng sariling pinggan saka umupo sa gilid ni sir Yatch.May dalawang upuan sa pagitan namin,naaakward parin ako sa ginawa ko kahapong pagsampal sa kanya ng hindi sinasadya,lalo na yong....ah!ayokong maalala.
"Kumain kana."saka siya nagsimulang kumuha ng pagkain.Kumuha narin ako.
Tahimik lang kaming kumain.Wala ni isa ang nagsalita,hanggang sa matapos kami.
Hinihugasan ko na ang mga pinggang ginamit namin ng makita kong papaalis na si sir Yatch.
"Sir-----Yatch."tawag ko sa kanya kaya napahinto siya.
Tinignan niya ako ng nakataas ang kilay.
"W-Wala kabang ihahabilin sakin?" baka kasi pati pag-apak lang diyan sa labas ng gate,bawal pa.
"Just one thing."
"Ano yon?"
"Don't go outside without my permission."
"Y-Yon lang?"
Hindi na niya ako sinagot.Napansin ko naman ang necktie niya,hindi maayos ang pagkakalagay.Parang mabubuhol na siya.Tumalikod na sa akin si sir Yatch pero hinila ko ang braso niya kaya hindi niya natuloy ang pagtalikod.
"Ano?" Nakakunot ang noong tanong niya.
"Yong necktie niyo po kasi,mabubuhol na."paliwanag ko.
"Fix it,then."utos niya.Dahan-dahan kong inabut ito saka inayos.Napalunok ako ng accidenteng mapadpad ang tingin ko sa labi niya.Dahil mas matangkad sa akin si sir Yatch ay kailangan ko pang tumingala para makita ito.
Doon nakatutok ang paningin ko habang inaayos ang necktie niya.Ramdam ko ang titig niya sa akin.
"A-Ayos na."sabi ko at dumistansya pero napatid ng isa kong paa ang kaliwa kong paa kaya natumba ako.
Pumikit ako at hinintay ang pagbagsak ko.Omy god!mukhang masakit ito.
Pero iba ang naramdaman ko.Ang mabilis na pagpulupot ng braso sa akin.
YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...