Fifteen

1.6K 52 2
                                    

CHAPTER XV

"SWIMMING COMPETITION"

ALAS-SYETE palang ng umaga ay nasa kompanya na kami ni Yatch.Maaga kaming gumising para maagang matapos ni Yatch ang mga tratrabahoin niya sa kompanya niya.Isang meeting at iilang dokumento lang naman ang dapat niyang asikasuhin para matapos dahil mamayang 10 am ay dadalo kami sa Swimming Competition ni Youth.

Speaking of Youth,madami iyong dapat ikwento sakin dahil mahigit isang linggo din siyang hindi nagpakita sakin sa kadahilanang sumali pala siya sa isang International Swimming Competition at hindi nito ipinaalam man lang sa 'kin.Nakakatampo tuloy dahil parang wala lang ako sa kanya.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Darsian.

"Sir,everything is ready.Kailangan na kayo sa meeting room dahil nandoon na sila lahat."sabi nito kay Yatch patungkol sa meeting.

"Okay i'll follow.Mauna kana."sagot ni Yatch at pagkatapos ay binalingan ako.Ngumiti lang ako kay Darsian nang magpaalam ito sa akin.

"Hey sweety!just stay here okay.I'll be back,i just need to close this deal of mine."paalam niya sakin at niyakap muna ako at binigyan ng hindi tatagal sa dalawang minuyong halik bago umalis.

"Okay.Sana maclose mo ang deal,naniniwala ako sayo....Sweety."pagpapalakas ko sa loob nito at sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ko siya sa endearment na palagi niyang itinatawag sakin.

Napatanga ito sandali bago kukurap-kurap ang matang tumingin sakin ng may malawak na ngiti sa labi.

"Di....Did you just call me Sweety?" hindi makapaniwala nitong tanong na may paninigurado na nakaturo pa sa sarili.Tumango ako at ngumiti ng napakatamis.

"Yes Sweety,so you better go now dahil baka malate ka."nakangiti kong taboy sa kaniya at itinulak pa siya patungo sa pinto.

"Wait!wait!last one please.Call me again 'Sweety'.I love the way how you say it to me.It makes my heart beat so damn fast."nakakagat labing pigil nito at hinawakan pa ang kamay ko.Mabilis ko namang sinunod ang utos nito dahil baka malate na ito dahil sa pagtatagal.

Pumikit muna ako at humagilap ng hangin bago nagsalita."Goodluck Sweety." malambing kong sabi at mabilis siyang ginawaran ng halik sa pisnge saka binuksan ang pinto at tinulak siya papalabas.

Sapo ang noo 'kong napasandal sa likod ng pinto nang maisara ito dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.Hindu ko din maiwasang mapangiti tuwing maaalala kung paano ngumiti si Yatch matapos kong bangitin ang endearment niya para sa'kin.

Ang gwapo-gwapo niya kapag nakangiti.Dagdag mo pa 'yong dalawang dimples niya na ang sarap tusukin.Dapat pala kinuhanan ko siya ng picture para may tititigan ako dito habang hinihintay siya.

Ang swerte ko naman at may nagkagusto saking gwapo na complete package ang datingan.Feeling ko tuloy napakaganda ko.

'Yatch,Yatch,Yatch,ano kaya ang nagawa ko para biyayaan ng ganito!'

Kung ito man yong kapalit sa paghihirap na dinanas ko sa kamay ng Tiya Cyntia ko ay buong puso ko talagang tatanggapin ito.Akalain mong isang Yatch Rieven Alcazaren,isang bilyonaryo na nagkagusto sa isang katulad kong pinagmalupitan at naghirap sa buhay.Napakalaking blessing.Amen.

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now