Twenty One

2.4K 41 2
                                    

CHAPTER XXI - Family


NAKATINGIN lang ako sa harap ng maliit na stage na kung saan panay ang talak ng isang baklang emcee.

Doon lang nakatutok ang ilaw sa kaniya. May upuan sa likod niya kung saan nakaupo si Lolo Ardeem.

"And now let's call Mr. And Mrs. Alcazaren for their short announcement." Aning emcee at saka naman tumayo sila tita Liana at tito Rom.

Inakay ni Tito Rom si Tita Liana paakyat ng stage at saka sila humarap sa amin.

"So before we start the party. I would like to introduce you someone. Someone that is been ang long time ago when she's missing but now, she's already here with us."

"Please come up the stage my dear Kierren. My son's girlfriend." Si tita Liana na ikinakurap ko.

H-Ha a-ako? Nawala ba ako?

Tumayo naman si Yatch at naglahad ng kamay at inaya ako paakyat doon sa stage. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ang kamay niyang nakalahad. Nahihiya ako ng lubos at nalilito at the same time.

Pero dahil na sa akin ang attention ng lahat ay ayoko namang ipahiya sina Tita Liana kaya pilit ang ngiti akong tumayo at nagpaakay kay Yatch paakyat sa stage.

Napayuko ako at hindi makahinga ng maayos dahil sa dagat ng mga taong nakatingin sa amin. Hindi ko pa naranasang maging center of attention maliban kapag nagrereport sa harap ng klase.

Iba ngayon dahil hindi ko kilala ang mga taong nakatingin sa akin... Sa amin.

"So this is my soon to be daughter-in-law. Kierren Castillo everyone." Tila nagmamalaki ang boses na sabi ni Tita Liana. Na para bang may ibang kahulugan ang salitang daughter-in-law.

"And also, I want to thank all of you for attending my father's 72th birthday party. It's my pleasure to see you all again everybody." Muling salita ni Tita Liana. Napatingin naman ako sa kalapit na lamesa malapit sa amin. Nandoon ang mga kausap ni Tita Liana kanina. Direkta silang nakatingin sa akin. Nailang naman ako kaya bahagya akong tumango sa kanila at ngumiti.

Nakakahiya ang ganito. Akala ko pa naman ay magsasalita din ako pero flower vase lang pala ako sa gilid.

Humarap ako kay Lolo Ardeem na malaki ang ngiting nakatingin sa amin. Tumingin din ito sa akin saka ko ito binati.

"Happy birthday po, Lolo Ardeem."

"Thank you so much apo." Ngumiti ako ng matamis saka ito bineso.

"And that's all, let's start the party." pagtatapos ni Tita Liana. Bumalik kami sa upuan namin at nakihalubilo sa ibang tao.

"Hey, you want to eat?" Napatingin ako kay Yatch.Kanina pa! Mabilis akong tumango.

Tinawag niya ang nagseserve ng pagkain sa bawat tao at saka inutusan.

"Bring us food." Anito sa lalaking taga serve ng pagkain.

"Yes sir, just wait for a few minutes." sagot nong servant at umalis na.

Napahinga naman ako saka inilibot ang tingin sa paligid. Hindi ko inakalang ganito ka engrande ang celebrasyon ng birthday ni Lolo Ardeem. Ang daming tao.

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now