CHAPTER V - Mr. PossessiveWARNING!!
Pagkatapls naming kumain ay tinulongan nga ako ni Youth na hugasan ang mga pinggang ginamit namin. At nandito kami ngayon sa sala nakaupo sa mahabang sofa, nagpapahinga.
Himas-himas ko ang tiyan ng makarinig ng pagdoorbell.
"Mukhang may tao ata sa labas." sabi ko ng makarinig ulit ng doorbell.
"Teka, titignan ko." aning Youth at tumayo.
"Dito ka lang ah..." Tumango lang ako. Naglakad na si Youth papalabas sa pinto. Nang tuluyang makalabas ay naramdaman kong may humawak sa balikat ko na siyang ikinagulat ko.
"Ay grabe!" Nakahawak sa dibdib na hiyaw ko. Si Yatch pala.
"A-Andiyan ka pala?"
"Sumama ka sa akin." aya niya. Nagtatanong ko siyang tinignan.
"Basta. Sumama ka na, bilis!" Tila naiirita niyang sabi at kinuha ang bag na nasa tabi ko saka naglakad paakyat.
What the!
Dali-dali naman akong sumunod sa kan'ya.
Pagkarating namin sa ikawalang palapag ng mansion niya ay pumasok kami sa isang kwarto. Pagkapasok sa loob ay mabilis na tumaas baba ang kilay ko ng makita ang loob ng kwarto. Kanino kaya 'to?
Nalula ako sa ganda at lawak ng kwarto, para na itong kasing laki ng kusina sa bahay ni tiya or mas malaki pa ito.
Habang inililibot ko ang paningin sa kabuoan nito ay nagsalita si Yatch.
"So, this is gonna be your room."
Automatikong nalipat sa kanya ang attention ko.
"A-Anong sabi mo?" Baka kasi namali lang ako sa pagdinig sa sinabi niya kanina. Assuming pa naman ako.
"Ito ang magiging kwarto mo. Ngayon, narinig mo na?" Umiiling-iling niyang sagot at ibinaba ang bag ko.
"I-Ito talaga?" Hindi makapaniwalang paninigurado ko, kung ito ang magiging kwarto ko.
Ako lang ata siguro ang katulong na maganda ang tulogan...
"Stop asking too many questions! Kapag sinabi ko ay paniwalaan mo." Ang bilis naman mairita nito.
"O-Okay."
"I'll leave now. Ikaw na ang bahalang maglibot sa sarili mo rito sa kwarto." at naglakad papunta sa pinto. Tumabi ako ng kaunti dahil nakaharang ako sa daan. Nagmake face ako ng tumalikod siya. Akala niya ah!
"Oh! One thing that I need to tell you."
"A-Ano 'yon?"
"You are fobidden to go outside of your room unless I say so, understand?"
"Huh! Bakit?" Ano ikukulong niya ako dito?
"Just... Just obey what I say, and don't try to against." aniya and he left me without hearing a word coming from me.
Napanguso na lang ako at malakas na isinara ang pinto. Mukhang mas magiging miserable pa ang dadanasin ko rito kumpara sa bahay ni tiya. Ang sungit-sungit naman kasi ng Yatch na 'yon, akala mo may dalaw oras-oras. Pero swerte din naman ako kasi ang gara ng magiging kwarto.
Muli kong inilibot ang paningin sa kwarto. Hindi naman ako inaantok pero kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa kama. Ang laki nito at ang kapal ng kutson.
Inupuan ko ito, pero sa kasamaang palad dahil may pagkatanga ako. Ang parte ng kama na inupuan ko ay masyadong lumubog kaya ang resulta ay napahiga ako sa kama.

YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...