CHAPTER XlV
"MODEL"
KAGAYA ng napag-usapan ay sumama nga ako kay Yatch papunta sa kompanya niya,at nandito ako ngayon sa loob ng office niya nakaupo sa swivel chair at nakatingin sa malaking glass window.
Pagkarating namin ni Yatch dito ay pinatawag na agad siya para sa isang meeting.Magiging busy siya ngayon dahil sunod-sunod ang pupuntahan niyang meeting.Lilipad siya para daluhan ang meeting sa Europe sunod ay sa Spain.Hindi ko alam tungkol saan ang pagmemeetingan nila.
Inihabilin niya muna sa akin ang kompanya at alam na iyon ng buong empleyado niya.
Dahil sa kabagotan ay pinagdiskitahan kong pakialaman ang mga gamit ni Yatch dito sa loob ng opisina niya.Kinalkal ko ang lamesa niya at naghanap ng pwedeng paglaruan,eh ang kaso puro papeles na hindi ko alam kung paraan saan ang tangi kong nakita.
Tumayo ako at tinignan ang mga paintings na nakadikit sa dingding,pero hindi iyon naging sapat para mawala ang pagkabagot ko.
Akmang lalabas ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may dala-dalang papel.Mukhang hinahanap niya ako dahil lumilinga-linga ito.Tumikhim ako dahil nasa parteng likuran niya lang ako malapit sa isang napakalaking vase na may lamang bulaklak.
"Ma'am,nandiyan po pala kayo!" sabi nito ng makita ako.
"Hinahanap mo ako?may kailangan ka ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"O-Opo ma'a---"
"'Kierren o Kie' nalang ang itawag mo sakin.Hindi naman ako ang may-ari nitong kompanya para itrato niyo ako na boss niyo.Hinabilin lang to sakin."putol ko sa sasabihin niya.
"Pasensya na po ma'am--ah Kierren."bahagya pa siyang tumawa.
Naglakad naman ako pabalik sa lamesa ni Yatch at umupo ulit sa swivel chair at nakangiti siyang hinarap.
"So,what can i do for,miss?"
"Ah Ms.Kie,isa po akong designer ng kompanya at narito ako ngayon dahil iprepresent ko sayo ang mga design ng gowns na gagamitin ng kompanya sa fashion line nagaganapin sa susunod na araw."aniya at ipinakita sa akin ang hindi lalampas sa benteng papel na may drawing ng design na sinasabi niya.
Seryoso kong sinuri ang mga ito,and i must say it's all beautiful.
Ipinaliwanag niya sa akin isa-isa ang mga pangalan at detalye ng mga gowns na gagamitin.Pagkatapos ay pipili ako ng labing lima na siyang irarampa ng mga model's sa susunod na araw,at masyado akong nahirapan sa pagpili kaya humingi ako ng time sa kanya para pag-isipang mabuti ang pagpili.
"Babalik nalang po ako dito mamaya Ms.Kie."sabi niya.
"Tatawagan kita kapag okay na huh."ako at senenyas ang kamay na tila tumatawag.Tumango lang siya saka nagpaalam na aalis.
Napabuntong hininga ako.Paano kaya nahahandle ni Yatch ang ganito ka toxic na oras.Sunod-sunod na meeting tapos may pipiliin pa siyang mga gown para sa---ano yon,ah!fashion line.
Napalabi ako,paano naman ako makakapili nito eh puro magaganda lahat.Siguro magpapatulong ako kay Yatch pero busy pa siya.
Tinignan kong muli ang mga gown at isa-isa silang kinumpara.Yon ang ginawa kong taktics para makapili.Pito na ang nareserba ko at may walo pang kailangan.

YOU ARE READING
SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)
RomanceLove is like a virus, when you get infected, you need to choose between the true love or sacrifice. But this case, Yatch Rieven Alcazaren fell in love to his maid, Kierren Castillo isang babaeng maagang naulila at pinagmalupitan ng kan'yang Tiya Cyn...