Eight

2K 54 0
                                    

CHAPTER Vlll

"RE-UNION"

NAGISING ako ng mga around 7:30 na ng umaga,at ito ako ngayon,pababa na hagdan para pumunta sa hapag at kumain ng almusal.Sure akong may luto ng pagkain dahil kanina ko pa naaamoy ang mabangong niluluto ni Yatch mula sa kusina.

"Morning."bati niya sakin ng makita ako.Ang aliwalas ng mukha niya ngayon,pero wait!ba't nakapambahay siya.

"Hindi ka ba papasok?" tanong ko at umupo sa upuan.

"Nope."sagot niya at umupo sa tabi ko.

"Pero bakit?"

"Tsk!too many questions.Let's just eat breakfast."liban niya sa usapan.Nakanguso ko namang binalingan ng tingin ang pinggang may laman ng pagkain.

Nang maalala ko na kailangan ko pa palang magpaalam kay Yatch para makaattend sa reunion namin mamaya.Sinulyapan ko siya gamit ang peripheral vision ko.Nakita ko siyang tahimik na kumakain.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"*Ehem*."

"Ahm......Yatch!" tawag ko sa kanya.

Huminto ito sa pagkain at nakataas kilay akong tinignan.

"M-Magpapaaalam sana ako."segunda ko ng mapansing hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

"For what?" balik tanong niya rin at muling kumain.

Tinusok-tusok ko muna yong hotdog gamit ang tinidor saka siya ulit sinagot.

"Kasi,kagabi.Tumawag sakin yong ex-classmate ko sa college.Sabi niya may reunion daw ang buong batch namin ngayon,and ininvite niya ako para maging kompleto kami.Ineexpect nila akong pupunta kaya sana payagan mo ko."mahabang sagot ko at pinagtuonan ng pansin ang pagkain.

Kakasubo ko lang ng isang kutsarang may laman ng pagkain ng magsalita siya.

"May involve bang lalaki diyan?" kalmado niyang tanong ulit.Tumango ako.

"Syempre!andami ko kayang kaklase na lalaki."proud kong sagot.

"Then you can't go."diretsa niyang tugon.

"H-Huh?pero bakit?" ano nalang ang sasabihin nila Seria pagdi ako pumunta,na paasa ako.

"Because i don't want."tipid niyang paliwanag at kumain nalang.

"Yatch naman!ayokong isipin nila na paasa ako.Na hindi ako marunong tumupad sa usapan."pangungulit ko at binayo-bayo ang kanan niyang braso.

"I said 'no'."masama ang tinging sigaw niya.

Pabagsak kong binitawan ang braso niya at tumayo.Bahala na kung hindi pa ako nakakakain,nakasubo narin naman ako ng isang kutsara.At masama ang loob ko.

"Ide hwag!" sigaw ko rin at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Ang sama ng loob ko sa kanya.Bakit hindi?eh aattend lang naman ako.

Akmang hihiga na ako sa kama ng may kumatok sa pinto.

Bagot ko itong pinuntahan saka binuksan,napabusangot ako ng makitang si yrin.

"Anong ginagawa mo dito?" masungit kong tanong sa kanya.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Do you really want to go there?"

Mabilis akong tumango bilang sagot.

"Then fine.Papayagan kitang umattend in one condition."

Umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya.Pumapayag na siya,pero ba't may condition?

SLAVE BY THE POSSESSIVE BILLIONAIRE (Under Revised)Where stories live. Discover now