CHAPTER 75

2K 72 63
                                    

[Third Person's P. O. V]

Habang patuloy na nakikipaglaban ang panig nila Zhate ay prenteng  nakaupo naman si Amethys sa kanyang inuupuan.

Habang hinihintay ang kanyang mga panauhin ay biglang pumasok ang kanyang tauhan sa kanyang opisina.

"Boss. Inaatake na nila tayo. Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito."halong kaba at panic na sabi ng tauhan niya.

"No. We will not leave this place. Let them enter here."

"Pero boss—"

Itinaas ni Amethys ang kanyang kamay upang patahimikin ito.

"Did you all plant the bombs I gave you earlier?"

"Opo boss. Nilagay na po namin ang mga bomba sa lugar na kung saan unang pupunta ang mga kalaban natin."

"Good. Now leave this place. I know you don't wanna die. Napuruhan kana sa laban niyo ni Zhate kaya makakaalis kana. "sabi ni Amethys at hinimas ang remote na magtritrigger sa bomba.

"T-Talaga po boss? Maraming salamat po. Kahit po natalo po ako ay tinanggap niyo parin po ako."masayang sabi ng kanyang tauhan at yumuko upang pasalamatan sana si Amethys.

Pero sa di inaasahan ay nakarinig siya ng putok ng baril. At sa huli ay humandusay ang walang buhay na katawan ng kanyang tauhan.

"I didn't say that you can leave this place alive though. Rest in peace Cedric."nakangising sabi ni Amethys habang hawak hawak ang baril na ipinutok sa ulo ng kanyang tauhan.

"Now. Lets wait for our lovely guest. I'll be glad to welcome them in my office and maybe take them to hell with me."nakangising sabi niya bago pinandirihan ang nakahandusay na katawan.

"Trash."sabi niya bago tumalikod sa bangkay.

_______

Samantala.....

Habang pababa ng pababa ang sinasakyan nilang elevator ay hindi maiwasang mag alala ni Zake sa maaaring kahihinatnan nila sa oras na tumapak sila sa kanilang destinasyon.

Tapos na nilang napatumba ang nakakasalubong nilang kalaban kada palapag . Pero sa kasamaang palad ay nagalusan sa kanang kamay si Vince at sa kaliwang binti naman kay Zake.

Matagumpay nilang napigilan ang pagdurugo ng kani kanilang mga sugat ngunit di nila mapagkakailang kumikirot ang mga ito.

Nag aalalang tumingin si Zake sa kanyang dalawang kapatid. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sakanila at sa mga kasamahan nito.

Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang kumbinsihin siyang umatras ngunit tumunog na ang elevator na siyang hudyat na nandito na sila sa pinakahuling underground floor na siyang destinasyon nila.

Matapang na lumabas si Zhate at sumunod naman sila Vince at Zian.

Nagpahuling lumabas si Zake upang masigurado na walang kalaban ang nakasunod sakanila.

Lumiko sila sa kanan at sa di inaasahan ay walang sumalubong na kalaban sakanila. Nalilito man ay alerto nilang itinutok ang kanilang mga baril sa unahan para siguraduhing mapapatamaan ang sinumang kalaban na lumabas sa harapan nila.

Buong alerto nilang tinignan ang paligid pero kahit isa ay wala silang nakita na naiwan na bakas ng mga kalaban.

"I'm confused. We search all areas in this floor but found nothing. Kahit mga kalaban wala."tanong ni Zian habang nakakunot noong naghahalughog sa paligid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon