[Zhate's P. O. V]
Huminga ako ng malalim at bumangon sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina sa school. Chineck ko ang oras at napabuntong hininga na lamang ng malaman kong 12:53 palang. Sinuot ko ang slippers ko at lumabas ng kwarto.
Wala namang kaso sakin lumabas dahil nandito naman ako sa bahay naming magbabarkada at para wala akong problema sa pagharap kay mom. Naiirita ako dahil sa tuwing lalabas ako ng kwarto ko eh nakakasalubong ko siya tapos ang mukha niya nagpapaawa pa. Tss didn't know she's an actress now.
Bumaba nalang ako sa hagdan at pumunta sa kusina. Ini-on ko ang ilaw at pumunta ako sa harap ng fridge. Binuksan ko ito at kumuha ng fresh milk. Hindi ako umiinom nito pero kailangan na talaga dahil hindi na ako makatulog. Hindi na ako kumuha ng baso at ininum nalang diretso sa opener niya. Pinahid ko ang naglandas na gatas sa bibig ko at binalik sa fridge ang fresh milk.
Babalik na sana ako sa taas ng may maramdaman akong presensiya sa likuran ko.
Mabilis kong kinuha ang maliit na dagger sa bulsa ko at itinutok sa leeg ng kung sino mang hayop na nasa likuran ko. Pero joke lang pala dahil nakita ko ang itsura ni Akira na natatakot at napapalunok pa. Tss tinutok ko lang ang dagger sakanya hindi ko naman tinuloy ah. Binaba ko naman ang dagger at napabuntong hininga.
"Ano bang ginagawa mo dito?"naiinis na sabi ko.
"Eh kasi naman iinom sana ako ng gatas pero nung nakita ko yung ginawa mo sa fresh milk napag isip isip kong wag nalang pala."sabi niya sabay peace sign. Umirap ako.
"Aakyat na ako. Siguraduhin mong patay lahat ng ilaw bago ka umakyat."sabi ko at tumango naman siya bago binuksan ang ref at kinuha ang fresh milk na ininom ko kanina at walang pasubaling ininom din yun ng walang gamit na baso.
Kumunot ang noo ko at hinablot ang fresh milk sa kamay niya at tinapon na sa basurahan.
"Ang bastos mo naman couz"pabirong sabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Don't do it again. Its gross."malamig na sabi ko bago umakyat sa hagdan.
Narinig ko pa siyang nagsalita.
"Psh first time ko kayang gawin yun. Anyways its fun dahil hindi na kailangan ng baso. Kung gawin ko kaya ulit yun. Hihi. Ayy wag nalang pala baka magalit si cousin at saka gross naman talaga yun. Right right."medyo pabulong na sabi niya sa sarili.
Iiling iling akong umakyat sa hagdan. Tss kinakausap na naman niya sarili niya. Baka pag gising ko eh buang na yan. Pero wag naman sana.
Bumalik ako sa kwarto ko at humiga ulit sa kama. This time eh isinubsob ko na ang mukha ko sa unan at pumikit. Pero napamulat ulit ako at napa upo.
Tumayo ako at pumunta sa bintana. Sarado ito at may nakatabon dito na makapal na kurtina. Pumunta ako sa veranda at binuksan ang sliding door. Nilanghap ko ang sariwang hangin ng makalabas ako.
Pumunta ako sa railings at tinignan ang buwan. Its fully shaped and its so bright. Tiningnan ko rin ang mga bituin na kumikinang. Ngayon nalang ako nakatingin sa langit dahil narin sa mga alaalang meron ako kasama sila mom at dad na kasamang tumitingin dito.
Buntong hiningang binaba ko ang tingin ko at babalik na sana sa loob ng may mahagip akong anino. Nakatayo ito sa isang poste na nagpapatay sindi. Tumaas ang tingin nito at kumaway. Hindi ko alam pero parang ako ang kinakawayan niya. Mabilis kong kinuha ang isang dagger sa bulsa ko at hinawakan ng mahigpit.
Ang mahuli ang taong yun ang nagpangisi sa akin at nagpalakas sa loob ko. Tumalon ako sa baba at mabilis na binuksan ang gate. Hinabol ko siya ng tumakbo siya papunta sa motor niya.
Pinaandar niya ito at aalis na sana pero mabilis kong kinuha ang dalawang dagger na nasa magkabilang bulsa ko at tinira ang gulong na sinasakyan niyang motor at sapol naman ito dahil natumba siya kasama ang motor niya. Naipit siya kaya hindi siya makatayo. Naglakad ako papalapit sakanya at lumuhod. Panay ang iwas ng mukha niya na para bang ayaw niya akong makita siya.
Hinablot ko ang ulo niya at walang pasabing hinarap sa akin. Kukuhain ko na sana ang helmet na nakaharang sa buong mukha niya ng biglang may nagpaputok sa direksyon ko at mabuti nalang ay nakaiwas ako.
Tinignan ko kung sino ang may gawa nun at sumalubong sa akin ang dalawang taong nakasakay sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang taong nahuli ko.
Nilabas ko naman ang dagger ko at tinira ang nagpapaputok at sapol iyon sa balikat nito. Pinaharurut naman nito ang motor hanggang sa hindi ko na sila makita. Merong lason ang lahat ng dagger ko kaya sigurado akong mamamatay ang kung sino mang matamaan nito.
Tinignan ko ang taong nahuli ko na pinatay naman nila. Tinignan ko ang pulso nito pero hindi na ito humihinga.kinapkapan ko siya at may nakita akong cellphone and wallet. I checked his face and hindi na ako nagulat ng makita kong hindi ko ito kilala.
Bumuntong hininga ako at tinawagan ang mga guards na ipaligpit ang taong ito. I'll make a research about him. I saw some cards in his wallet at mabuti nalang ay walang password ang cellphone niya. At napag alaman kong kakaunti lang ang nasa contact list niya.
But what caught my atention ay ang pangalang 'MAAM AMETHYS'. Sa lahat ng pangalang nakita ko sa contacts niya ay ito lang ang nakacapslock. I'll tell alex to trace this damn number. Bumalik ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko and I locked the door. I layed on the bed and look at the ceilling while wondering what happened earlier.
I sighed heavily,
Tinignan ko yung phone ng lalaking nahuli ko kanina, wala naman akong dapat na ikabahala pwera nalang sa pangalan na nakita ko sa contact list niya. I close my eyes and go back to sleep. Hindi ko muna inisip ang nangyari kanina upang makapag pahinga muna ako.
Di ko nalang namalayan na unti-unti na akong dinalaw ng antok at bigla nalang dumilim ang aking paningin.
To be Continued
P.S
Sorry readers kung natagalan ako nang pag update nang story nato and Maraming salamat sa pag basa. Thank you. Pls. Vote VOTE and COMMENT.
Anyways MERRY CHRISTMAS EVERYONE AND A HAPPY NEW YEAR.💕💜
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
De TodoZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...