[Zhate's P. O. V]
V-VINCE!?
"A-anong ginagawa mo dito?!" sabi ko
Kumunot ng noo niya.
"Miss do I know you?.... Kasi parang nakita na kita noon pa eh."Nakakunot noong sabi niya.
Hindi ko pinahalata na nagulat ako at pinanatili kong blanko ang aking mukha.
"Anyway. Gusto ko lang ibalik yung nahulog mong panyo."sabi niya at binitawan ang braso ko para kuhain ang panyo na nasa bulsa niya.
Blankong mukha akong tumingin sa panyo at binalik ang tingin kay Vince.
"Hindi akin yan. I dont use cheap things." malamig na sabi ko habang nakatingin sa bimpong hawak niya.
Napa oh naman siya at napapahiyang kumakamot ng ulo.
"Sorry. I thought its yours. By the way can I ask for your number?"sabi niya na ikinataas ng kilay ko.
"Are you making tricks para makuha lang ang number ko?"malamig pero may halong inis na sabi ko.
"Masyado bang halata?"sabi niya at nahihiyang ngumiti habang kakamot kamot sa ulo. Muntik ko na siyang irapan kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Alam kong nauubos na ang pasensya ko pero kailangan kong pigilan ang sarili kong suntukin siya, kaya tumalikod nalang ako. Baka maabutan pa ako nila Kiel eh tanungin nila kung bakit ako umalis bigla.
Pumasok ako sa sasakyan ko ng hindi tumitingin kay Vince na nakatayo parin sa harap ng windshield ko.
Hindi ba siya aalis?.
Pinilig ko ang ulo ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Aalis na sana ako ng biglang dumungaw si Vince sa bintana at ngumiti.
" Are you sure na hindi pa tayo nagkita noon?...Anyway Nice meeting you Miss. I'll ask your number next time when we meet again. "sabi niya bago umalis.
What the f*ck?! As if magkikita pa kami!!
Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko at inis na hinampas ang manibela. Tss mukhang nagsisi ako sa pagligtas sakanya. Hindi nga ako binully sa school eh naging hambog naman.
Tss.
Simula kasi ng bumalik si Vince eh hinahayaan na niyang mag ingay ang mga babae sakanya. May iba pangang nakalingkis sakanya. Tss. At isa pang pahirap sa buhay ko ang bumalik. Well not really but Ughh nakakasakit sa ulo.
Bumalik na si Brittany galing sa Vacation niya. In the middle of the school year pa siya bumalik ha. Kung makalingkis kay Vince eh parang ahas. Hindi niya narin ako binubully. Tss ako? Aapihin lang ng clown nayun? In her cosmetic face.
Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili. Calm down Zhate. Hindi mo gugistuhin ang gagawin mo sakanila pag nagalit ka.
Tinuon ko ang sarili ko sa pagdadrive at nakarating ako sa bahay ilang minuto matapos akong umalis sa mall.
Pumunta ako sa kwarto at diretsong nahiga sa kama. Alam kong hindi pa ako nakakapalit ng damit pero talagang pagod na ko.
Sinimulan kong inisip ang ginawa kong pag iwan kanina sa mall. Half ng utak ko sinasabi na mali ang ginawa kong pag iwan kina Akira. Pero half din ng utak ko ang nagsasabing tama lang ang ginawa ko.
Idagdag pa ang pagtagpo namin ni Vince kanina. Tss ang unggoy na yun dadamoves lang masyadong halata pa.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahil sa sobrang pagkastress. Minulat ko ang aking mga mata at diretsong tumingin sa kisame. Naalala ko bigla na balik pasukan na bukas. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na makakasagupa ko na naman ang reyna ng mga clown. Alam niyo kung sino? Wag niyo na nga lang alamin.😆
Nabalik ako sa ulirat ng may narinig akong bumubusina sa labas. Mukhang nandito na sila. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa pinto para buksan ito. Sinalubong ako ng nakabusangot na mukha ni Kiel. Nakasunod sakanya sina Akira na para bang pinagsakluban ng langit.
"Zhate naman eh. Anong nangyari sayo? Ba't ka umalis? May nakita na sana akong gwapong pupuntiryahin pero ano? Gwapo na naging bato pa! "naiinis na sabi ni Steph habang papadyak padyak.
Inirapan ko siya bago sinara ang pinto matapos silang makapasok.
"Tss. Tumahimik kanga Steph. So Zhate what happened?"inis na sabi ni Kiel kay Steph bago tumingin sa akin.
"Oo nga Zhate. What happened?"concern namang sabi ni Akira.
Ito na nga ba kinakatakutan ko eh. Ang magtanong sila tungkol sa pag iwan ko sa kanila sa mall.
Tumingin ako sa kanila at huminga muna ng malalim bago sabihin ang totoo.
"N-natatae ako k-kaya ako umuwi."nahihiyang sabi ko at binaling ang ulo sa kaliwa para hindi ko makita ang reaction nila.
"Pffft. Hahahahha"
Unang tumawa si Akira bago sundan ng lima. Tss.
Inirapan ko sila isa isa.
"Pffttt. I-I..... Hahhahahaa. W-wait..haha....A-ang sakit na ng tyan ko! Hahahha."natatawang sabi ni kiel kahit puro tawa lang naman ang lumabas sa bibig niya.
"Ohmygad Zhate. Ba't di mo sinabi haha. You should said it earlier para hindi kami nag alalang humabol sayo haha"natatawang sabi ni Steph.
Tinignan ko sila ng matalim at mukhang hindi sila natinag. I know its just an alibi para hindi na sila magtanong pa pero nainis ako dahil nakakahiya yung alibi ko.
"Tumawa ang isa sa inyo at pupugutan ko ng ulo." malamig at may halong inis na sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin yun ay nagsitahimik sila. Mukhang nagsink in na sa utak nila kung sino ang pinagtatawanan nila. Napalunok sila isa isa na nagpangisi sa akin. Very good.
"Maaga pa naman kaya manood nalang tayo ng movie. S-since umuwi si Zhate. D-diba Zhate?"kinakabahang sabi ni Akira at alinlangan ngumiti sa akin. Mukhang nakaramdam ng takot kaya pinalitan ang topic.
"Sige manood na tayo ng movie."sabi ko at naunang naglakad papuntang couch. Mukhang nakaramdam naman sila at nag uunahan ding pumunta sa pwesto ko.
Una naming pinanood ang End game ng Avengers. Sinunod naman namin ang Conjuring 2 na pinili pa nila Kiel at Akira. Tawa tawa pa kaming pinapanood yun dahil parating tumitili si Steph. Imbis na manood kami eh nauwi kami sa asaran kung sino ang pinakapangit tumili.
Umabot hanggang gabi ang panonood namin. Kung hindi nga lang sila pinagsabihin ni Akira na may pasukan bukas eh hanggang umaga pa sila matatapos sa panonood.
Nagsi-akyatan na kami sa kanya kanyang kwarto ng mapagod kami. Humihikab akong nakarating sa kwarto. Sinara ko ang pinto at pumunta sa cr. Matapos kong mag half bath ay pumunta ako sa walking closet ko para magbihis ng pantulog.
Walang sabi sabing humiga ako sa kama at pinikit ang aking mga mata. Huminga ako at ngumiti. Maybe its not really bad to be happy. Right?
Hindi ko alam pero dinalaw agad ako ng antok at di ko namalayang nakatulog na pala ako.
To be Continued
Hihi ako na naman po ito. Si author.😊
Sowi late update. Naging sobrang busy ako sa work. Ayieee. Just joking. Haha. Nagstudy pa kasi ako ahi. Hindi ko pa kasi nasasabi sainyo.Estudyante palang po ako(whisper)
At totoo po na wala akong load. At marami akong ginawa this semester. 😆
Pero.........Yipieee I updated. Haha. Sana po eh magustuhan ninyo kahit walang saysay pinagsusulat ko dito. Pinag isipan ko talaga ito ng mabuti. Luluwa na nga utak ko kaka isip. Jk haha.
And Shout out pala sa cousin ko na hindi ko na nasabihan na mag uupdate ako. Haha. Yow couz kung nakikita mo man ito. Im sorry haha. Next time ah.😉
Anyways ENJOY!!
And Pls VOTE and COMMENT Thank you!
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
AléatoireZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...