CHAPTER 60

2.4K 109 30
                                    

[Third Person's P. O. V]

"Nahuli mo na ba ng buhay si Zhate?"

Yan ang unang bungad ni Amethys ng tawagan siya ni Chrystal.

Napa ismid naman si Chrystal bago nagsalita.

"Buhay pa naman. Dinaplisan ko lang para di makalaban."walang buhay na sabi ni Chrystal.

"Good. Siguraduhin mong dadalhin mo siya dito mamaya. May sasabihin din ako sayo."may bahid na saya na sabi ni Amethys kay Chrystal.

"Sige. Pero pagkatapos nito ay wala na tayong koneksyon sa isa't isa. Wag mo na kaming guluhin."malamig na sabi ni Chrystal.

Napangisi naman si Amethys sa kabilang linya.

"If thats what you wish. But before that bantayan mong mabuti si Zhate. Hindi siya madaling pabagsakin. Alam mo yan dahil nakasama mo na siya simula pagkabata."nakangising sabi niya.

"Alam ko."may bahid na iritang sabi ni Chrystal dahil pinaalala pa nito kung gano siya kasamang tao.

"Im just kidding. Anyway, I'll call you later. May aasikasuhin lang ako."

Mas lalong nairita si Chrystal dahil alam niyang nakangisi ngayon ang mukha ni Amethys habang kausap niya.

Hindi na siya nagsalita pa at ibinaba na ang tawag.

Mabilis niyang isinilid ang cellphone sa bulsa niya at napabuntong hininga.

Alam ni Chrystal sa sarili niyang mali ang mga pinanggagagawa niya. Simula pagkabata ay tinuring niyang nakakatandang kapatid si Zhate.

Ito ang gumabay sakanya at nandyan lagi para sakanya. Kahit malamig ito sakanila ay hindi nito naitatago ang pagmamahal niya para sa mga kaibigan niya.

Pero yun ang kinaiinisan ni Chrystal. May nagsasabi sa isip niya na patayin si Zhate.

Simula pagkabata ay may naririnig na siyang mga boses pero pinagsawalang bahala niya ito. Hindi niya ito sinumbong sa mga magulang dahil sa pag aakalang mawawala din ito. Pero hanngang sa paglaki ay naririnig niya parin ito. Pero kung minsan lang niya naririnig ang mga boses.

Pero isang araw ay lumakas ang mga boses at iisa nalang ang kanilang sinasabi.

Ang patayin si Zhate.

Nung una ay pinabayaan niya ito dahil ayaw niyang patayin ang kaibigan niya. Pero nang malaman niyang nagkakamabutihan ng loob ang taong mahal niya at si Zhate ay biglang nagliyab ang galit niya. Parati na niyang naririnig ang mga bulong na hindi niya alam kung saan galing.

At ngayon ang tanging naiisip niya nalang ay kailangang mawala sa landas niya si Zhate. Dahil kung hindi ay aagawin nito ang lalaking mahal niya.

Yan ang parating unaalingawngaw sa utak niya. Ang patayin si Zhate.

Patayin mo si Zhate

Patayin mo si Zhate

Patayin mo si Zhate

Patayin mo si Zhate

"Tumahimik ka!"sigaw ni Chrystal bago tinakpan ang tenga.

Hinahabol niya ang kanyang hininga na parang tumakbo ng ilang oras.

Ng mahimasmasan siya ay inalis niya ang mga kamay sa kanyang tenga.

Nangyari na naman ang kinatatakutan niya. Nawawalan na siya ng kontrol sa sarili.

Kinalma niya ang sarili at naiisipang puntahan sila Zhate sa kwartong pinaglagyan niya.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon