A/u.
Bago kayo magscroll down ay may sasabihin muna ako. Wihhhhhhhhh tapos na. Oh nandito na ang Chap. 44 keke. Oh sige mag enjoy kayo. And Pls lang po next week pa po ako mag uupdate kaya sana po ay wag niyo po akong madaliin. At wala pa po itong edit dahil dinalian ko lang po ang pagsulat dito. Sorry nalang sa wrong typo at grammar. Ok sige enjoy reading.😊
[Akira's P. O. V]
Tinignan ko lang ang nasa sahig nang lalaki na ginulpi ko kani kanina lang. Hay naawa rin ako dito. Kung pwede lang pakawalan to eh kanina ko pa ginawa kaso naaalala ko palang ang itsura ni Zhate kanina nung binugbug niya yung lalaki ay napapalunok nalang ako.
Tsk tsk. Di ko na alam sa pinsan kong yun. Parang may galit sa mundo. Psh pero totoo nga naman. Sino ba naman ang hindi magagalit sa mundo kung buong buhay mo ay puro sakit ang nararamdaman mo.
Hays naawa ako minsan kay Zhate. Sa murang edad ay napamulat na sa masasamang nangyayari sa paligid niya. At ngayon ay pinoproblema niya ang mga bagay na hindi angkop sa edad niya. She's only seventeen and god knows how much I am worried about her everytime na nakikipaglaban siya sa mga nagbabanta sakanya. Especially sa mga kalaban ng parents niya.
Mabuti nalang talaga at pinilit ko si mom na hindi ako sasali sa underground org. na pinamamahalaan ng pamilyang Smith. Tch syokong pumatay ng tao. Pero bugbug pwede. Sa maagang edad kasi ay pinaaral kaming makipaglaban para sa defense lang ba. Para kung may mang away samin ay deretso suntok nalang.
Tingnan ko si Zhate na nakatalikod lang sa amin. Pinanonood niya kasi ang mga lumalaban ding gang. Hinihintay siguro ang gang na mananalo. Mukhang naiinip na kasi siya.
"Hey Akira. Tama na siguro to. Bagsak na sila. At saka wala na silang malay oh."sabi ni Kiel habang tinuturo ang pinatumba naming grupo.
"Pssttt Guys. Nagtataka ako sa sinabi kanina ni Zhate. Sabi niya pinagtangkaan siyang patayin nung damulag nayun sa garden noon. So isa ang lalaking yun sa mga gustong pumatay sa pamilya nila Zhate?"tanong ni Steph habang nakaturo ang daliri sa lalaking nakahiga malapit sa amin. Ahhhh Oo nga nu. Namumukhaan ko din siya. Siya yung nakita ko sa rooftop ng school.
Psh nagtataka nga ako noon dahil kelaki laking tao tapos ngayong nagtangka pang patayin si Zhate eh hindi nagawa. Tsk tsk.
Nabalik ang tingin ko kay Zhate. Nilapitan ko siya bago tumabi sakanya.
"Zhate. Hihintayin pa ba nating matapos ang laro na to? Pwede naman tayong mag excuse muna since tita naman natin ang may ari nitong GW."sabi ko pero inilingan lang niya ako.
"I dont wanna miss something."malamig na bulong niya at nakapamulsang tinignan ang mga gang na naglalaban laban. Psh kailan ba sila matatapos. Bored na bored na kami.
"Do we need to wait for them? Psh sabihin mo kasi na hinihintay mo lang si Vince na makipaglaban sayo. Diba nga nakipaglaban din siya sayo noon? Pero pinatulog mo imbis bugbugin."nakangising sabi ko saknaya habang tinataas taas ang dalawang kilay.
Tinignan naman niya ako ng masama. Hindi namin napansing tumabi na pala si Kiel sa amin at nakisali rin sa pag uusap.
"Oo nga Zhate. Natalo mo na siya noon. There's nothing to prive anymore. Right?"sabi niya at napatahimik nalang ng bigyan din siya ng msamang tingin ni Zhate.
Pero nagulat kami ng nginisihan niya si Kiel.
"How about Mark Austine? Ayaw mo ba siyang makalaban?"tanong niya at sininghalan naman siya ni Kiel. Patay kang bata ka.
"As if. Ang gagong yun? Lalabanan ako? Ang tanong. Kung kaya niya. Di nga niya abot yung kamay ko pag tinaas tapos lalabanan niya pa ako.Tss no thanks." nakangising sabi ni Kiel at tinignan ang gang nila Vince na nakikipaglaban sa isa ring gang na kabilang sa top 10 na rank.
Hay ang Oa nga naman ni Kiel. Bat ba kasi inis na inis siya kay Mark. La namang ginawang masama yung gago—este tao.
Nilingon ko sina Steph at Chrystal na binabantayan pala ang pinabagsak naming gang.
Napasimangot ako ng maisip na isang gang palang ang natatalo namin. Hays sana naman may makalaban din kami di yung sila langa ng nagsasaya. Inggit na nga ako sa ibang gang eh. May kanya kanyang kinakalaban. Tch.
"Hoy nakasimangot ka jan? Bagot ka na ba?"tanong ni Kiel. Tumango langa ko at nakapamulsang tinignan ang mga naglalaban.
"Edi tulungan natin sila."
Sa sinabi niyang yun ay napatingin ako sakanya na para bang nahihibang na siya.
Nagkibitbalikat lang siya.
"They should be happy. Tutulungan natin silang pabagsakin ang kalaban nila."nakangising sabi niya at walang pasabing sumugod sa kalapit na gang na nag aaway.
Napanganga kami ng gumitna siya doon at pinagsusuntok ang kung sino sino lang na nakakasalubong niya.
"Aish!"inis na sabi ko dahil sa padalos dalos na ginagawa ni Kiel.
Halata sakanyang bagot na siya kanina pa kasi nakangiti na siya ngayon habang sinusuntok ang isang lalaki na nahigit lang niya sa kung saan.
Napatingin ako kay Zhate ng bigla niyang hinilot ang sentido niya at mukhang nainis narin kay Kiel.
Napabuga ako ng hangin bago pinuntahan ang pwesto ni Kiel na binubugbog ang dalawang gang.
Hays. Sumali nga. Binugbug naman ang dalawang gang. Ni walang piniling panig basta suntok lang ng suntok. Tss.
"Hey. Stop that. Bugbug sarado na sila. Ni hindi na makatayo oh."sabi ko at tinignan niya ako bago binitawan ang lalaking binugbug niya. Nakangisi siyang lumapit sa akin at inakbayan ako.
"Ang saya. Try mo. Hahahaha."tawa tawang sabi niya pero napatahimik din ng napatingin siya kay Zhate na matalim ang tingin sakanya.
"Huhhhhhhh. Nakakatakot talaga si Zhate. Nagtataasan balahibo ko kapag nakatingin siya."mahinang bulong niya sakin.
Umiling iling nalang ako bago inalis ang kamay niya sa balikat ko.
"Ginalit mo kasi. Sumugod ka sa iba ng walang permiso niya."sagot ko sakanya at kakamot kamot sa ulo siyang napangiti.
"Ehhh. Ang bored kayang tumayo lang dun. Tapos maghihintay ng mananalo. Tss. Kita mo kanina pa tayo naghihintay eh wala paring kumakalaban sa ating grupo. Kaya ako na ang gumawa ng move. Oh diba nabawasan na ang kakalaban sa atin."sabi niya at nagthunbs up pa.
"Dahil sa ginawa mo. Harapin mo ngayon ang bugbug ni Zhate."nakangising sabi ko at tinapik ang balikat niya.
Napasign of the cross naman siya at napapalunok siyang bumalik sa pwesto niya kanina. Inling iling akong sumunod sakanya.
Kailangan pa naming maghintay ng ilang minuto. Pero ang mas mahirap ay kung ilang oras kaming maghihintay. Tss.
Napaharap ako sa mga naglalaban ng may nagsalita doon.
"Oh. Kayo na naman ba ang makakalaban namin?"
Napasimangot ako. Naririndi na ako sa boses niya sa school tapos pati dito ay maririnig ko parin boses niya?! Saan hustisya dito?!
To be Continued
–—————————–—————————–—————————
A/u.
Pls Vote and Comment Thank you😘
![](https://img.wattpad.com/cover/153078228-288-k688205.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
AléatoireZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...