[Amethys P. O. V]
I stared blankly at the sky. Slightly sipping my champagne.
I turned around as I heared the door open.
"Boss."
Sabi niya bago yumuko.
Tumango ako at inangat niya ang kanyang tingin.
"Ba't ka pumunta dito? May sasabahin ka ba?"malamig na sabi ko at bahagyang inikot ikot ang champagne glass na hawak ko.
"B-boss. May gustong kumausap sa inyo."sabi niya.
Napataas ang kilay ko.
"At sino naman yun?"taas noo kong sabi.
Napatingin siya sa pinto kaya napatingin din ako dun.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng may pumasok na babae.
Mabilis na ibinaling ko ang tingin sa tauhan ko.
"Anong ibig sabihin nito! Bakit niyo siya pinapasok?"galit na sabi ko sakanya.
"B-boss. Tinalo niya ang ilan sa mga bantay natin. P-pero ang sabi niya kakausapin kalang niya."nanginginig na sabi niya.
Hindi ako makapaniwala kung gano kabobo ang taong to.
Ibinaling ko ang tingin ko sa kakapasok lang na babae.
Anong kailangan niya?
Ha! Nandito ba siya para salakayin kami? Pero ba't hindi niya kasama ang mga magagaling niyang kaibigan?
"Anong kailangan mo."malamig na sabi ko.
Kita ko ang pag usbong ng ngisi sa kanyang mga mukha. Mukhang hinihintay niya kong sabihin iyon.
"Gusto kong tumulong patumbahin si Zhate."nakangising sabi niya.
"Ha! Papatumbahin mo ang sarili mong kakampi?"
Napangisi ako pagkasabi ko nun.
Iba nga naman ang magagawa ng selos. Mababaliw ka nalang ng di mo nalalaman.
Matagal ko nang sinusubaybayan ang mga kilos nila at nagulat ako na siya pa talaga ang pumunta sa teritoryo ko para kausapin ako.
Gaano ba kalaki ang galit niya sa babaeng yun? Napaupo ako sa swivel chair ko habang nakatingin sakanya.
Kung sabagay. Pakialamera rin yun. At isa pa. Bunga siya ng dalawang taong nanakit sakin. Di ko rin siya hahayaang mabuhay pag nagkataon.
"Paano mo nalaman kung nasaan ako?"tanong ko sakanya.
"Hindi man ako kasing talino ni Alex sa paghahanap ng inpormasyon. May mga koneksyon ako na makakapaghanap sayo."nakangising sabi niya.
Tumango ako.
"Kaya ka ba lumalabas ng gabi? Kasi naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa akin?"nakangising pang aasar ko sakanya.
Alam ko ang lahat ng galaw niya. Isa siyang baliw. Baliw sa lalaking hindi siya kilala o nakikita. Di na ko magtataka kung babantayan niya ito kahit gabi na.
Napangisi ako ng makita ko ang pagkuyom ng kamay niya. Mukhang malaki ang galit niya kay Zhate.
Mga kabataan nga naman.
"Sige tutulungan kita. Pero bakit mo to gagawin sa kaisa isang kaibigan mo? Para ba sa pera? Karangalan? Kayamanan? O....pag ibig?"nakangising tanong ko.

BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
RandomZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...