[Vince P. O. V]
What the heck nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya. Fck kung bakit ba kasi madaling makiramdam ang babaeng to.
Tinuon ko nalang muna ang atensyon ko sa whiteboard kahit nararamdaman ko pa ang tingin niya. Shit nararamdaman kong pulang pula na ako dahil sa hiya.
Narinig ko namang nagsalita si trob.
"Dude may problema ba? Namumula ka."nagtatakang sabi ni trob. Umiling ako.
Nilingon ko lang si Courtney at nung magtama ang mga mata namin , nanlaki ang mga mata ko at dali daling umiwas. Tch alam kong nakakabading pero mayroon talaga sa aura niya na kikilabutan ka talaga. Yun yun eh.
Atsaka parang nakita ko na talaga siya dati. Nung araw na na aksidente ako p-parang siya yung babaeng nagligtas sakin.
Pffft. Pero parang mali ang conclusion ko haha . Ang ganda ganda kasi nung babaeng nagligtas sa akin ng masulyapan ko ang mukha niya eh itong si courtney parang hindi mo gugustuhing sulyapan eh. Hahaha
Ok enough. Pero parehong pareho talaga sila ng body built at features eh. Kung pano ko natandaan ang features nung babaeng nagligtas sa akin ay sa akin nalang yun haha. Pero nakapagtataka talaga. Nakakabobo eh.
Aishhhh!!
Baka nagkakamali lang ako. Tama nagkakamali lang ako. Tss imposibleng siya yun. Baka may kakambal siya o di kaya kapatid diba?.
Napabuntong hininga nalang ako at sa huling pagkakataon ay nakinig nalang ako sa prof.
Nang tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase ay dali dali kong kinuha ang bag ko at tumayo. Plano kong kausapin si Courtney. I need her to clarify the things that bugs me for days.
Hinanap ko siya sa loob ng room pero mukhang nakaalis na. Tss nagmamadali ba yun?
May naramdaman akong kamay na tumapik sa akin kaya lumingon ako. Tss si trob lang pala.
"What is it trob?"walang ganang sabi ko.
"Ahhh tatanungin ko lang sana kung ano yung nangyari kanina. Bakit pala pumula ang mukha mo? At pati leeg mo kanina namula dre?!"nag aalala niyang sabi. Tss painosente , alam ko namang inaasar niya lang ako.
"Masakit ulo ko kaya wag mo kong inaasar." inis na sabi ko at nilampasan siya. Kunot noo niya naman akong tinignan.
"luh nung pinagsasasasabi nun?"rinig ko pang bulong niya bago ako lumabas ng room. Sinundan naman nila ako. Plano kong kumain sa HQ. Wala akong balak kumain sa Cafeteria. Maraming chismoso dun. At ang iingay ng mga estudyante dun akala mo naman hindi nagkita ng isang taon kung makipagchismis.
Habang naglalakad ay pinapakiramdaman ko ang paligid. Ayoko kasing makita si brittany. Naaasiwa ako sa mukha niya. Tss nakakaumay! Walang ginawa kundi pumulupot sa braso ko. Parang sawa! tch.
Nakarating kami sa HQ ng walang nag iimikan. Tss nakaramdam siguro ang mga loko na wala ako sa mood para sa pag iingay nila. Bad trip ako! As always. Nang makababa kami ay derederetso akong naglakad papunta sa kama at humiga. Ahhh kapagod. Umagang umaga pagod agad ako. Tss syempre hindi lang katawan ang napapagod , syempre utak din no. Biruin mo first subject namin science, second is math , third is English. Sh*t unat na unat na ang utak ko. Pahinga muna!
Nang lumapat ang ulo ko sa unan ay napangiti ako. Lambot haha.
Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako. Ni hindi ko narinig ang ingay ng walong ugok. Hmm thats good.
--------------
[Zhate's P. O . V]
Galit akong naglakad papasok sa canteen. Ni hindi ko pinansin ang mga taong mapanuyang makatingin. Tss kung hindi lang talaga ako nakapagpigil e kanina ko pa yan pinagtutusok ang mga mata nila ng kutsilyo.
Inirapan ko sila at naiinis na humanap nalang ng bakanteng table at padabog na umupo.
Ni hindi ako tumayo para bumili ng makakain sa sobrang galit ko sa babaeng tumawag. Kapag galit kasi ako ay nabubulyawan ko ang mga taong kausap ko . At dahil hindi kami vibes ng cashier eh baka mabulyawan ko lang siya at mapakain ng dagger.
Tumayo nalang si Akira at siya na ang bumili para sa amin. Isinama naman niya si steph at chrystal. Naiwan kaming tatlo nina Alexandra, at Kiel sa table ng hindi nagkikibuan. Ramdam kasi nila na wala ako sa mood para magsalita kaya ang tatahimik nila. Well except kay alex dahil tahimik na talaga siya. Kavibes ko eh anong magagawa natin?.
"What happened? Bakit ka tahimik?"cold na sabi ni alex sa akin.
Nagulat man kami ni Kiel dahil sa pagsalita niya ay hindi ako nagsalita at napabuntong hininga nalang.
"Kiel pahiram ng phone may tatawagan lang ako."mahinang sabi ko. Tumango naman siya at inabot ang phone niya.
Hindi ko alam pero nanatili ang paningin ko sa phone niya ng maalala ko na naman ang nangyari kanina. Medyo humigpit ang kapit ko sa phone ni Kiel dahil hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan ng babaeng tumawag.
Hindi ko gustong madamay sila. Hindi ko alam kung ano ang gusto nung babaeng yun pero ang masisiguro ko lang ay sa oras na malaman ko kung sino siya ay humanda na siya dahil hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang ito at sisiguraduhin kong pipirasuhin ko muna siya bago niya masaktan ang pamilya ko.
"Z-zhate calm down! Masisira ang phone ko."natatarantang sabi niya at maluha luhang tumingin sa phone niyang may crack na sa gitna. Tss nakasira na naman ako.
Napabuntong hininga muna ako bago ko sinuli ang crack niyang cellphone. Sinubukan niyang paganahin at gumagana pa naman pero dahil nga si Kiel siya ay kinuha niya ang sim niya at tinapon iyon sa kalapit na basurahan.
Tinignan ko siya ng may pagtataka pero umirap lang siya.
"I'll buy a new one. Ayoko kasing may crack ang cellphone ko."maarteng sabi niya.
Umirap din ako at tumingin nalang sa labas. Tss kung sino kamang traydor ka ay malalaman ko rin kung sino ka. Maghintay kalang at sa oras na malaman ko kung sino kayo ng kasabwat mo ay hihilingin mong hindi mo na sana ako binangga.
Napangisi ako. Just wait and you'll be stuck in my trap. *smirk
Saktong bumalik sila Akira at may dala dalang pagkain. Hindi narin nawala ang ngisi ko hanggang natapos akong kumain at bumalik sa klase.
My game will soon begin for that traitor. Ang kailangan niya lang gawin ay maghintay sa gagawin ko sakanya.
Zhate Courtney Smith Lee.........Im a demon but I always hunt does people who's an angel......in disguise.
To be Continued
------------------
Pls Vote and Comment THANK YOU💕
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
RandomZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...