CHAPTER 58

2.6K 112 22
                                    

[Zeris P. O. V]

Napasandal ako sa swivel chair bago napahinga ng maluwag.

Inunat ko ang mga kamay ko bago ngumisi.

"Tapos na!"sigaw ko bago tumawa.

Napatingin ako sa mga nakuhang files at documents na tinatago ni Alex sa system niya.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

"Dapat talaga bigyan ako ni Zhate ng reward eh. Wala nang libre ngayon sa mundo."nakangiting sabi ko bago napagdesisyonang i print out eto.

Nakangiti kong ginawa ito habang iniisip ang mga paghihirap na dinaanan ko.

Kailangan ko pa talagang labanan ang virus na inintake niya sa system ng computer niya.

Napapaisip din ako kung baliw ba siya o ano. Walang sino mang hacker ang gagawa ng ganun.

Umiling ako.

Wala na. Sira na siguro ulo nun. Hindi ko alam na kayang gawin ni Alex ang lahat wag lang malaman ng iba ang sekreto niya.

Napabuntong hininga ako.

Ng matapos ko ng i print out ay napagdesisyonan kong i photo copy ito.

Syempre. Mahirap na. Baka mawala o di kaya biglang manakaw. Alam niyo na. Nag iingat lang.

Ng matapos kong i photo copy ang lahat ay iniwan ko ang original copy sa drawer na nasa ilalim ng desk ko.

Hindi ko na binasa ang lahat dahil narin ayokong maki alam. Kapag ginawa ko yun ay siguradong damay din ang buhay ko. At kahit labag man sa loob ko ay ayokong mapahamak ang kapatid ko.

Pero kahit ganun ay isa lang ang alam ko.

Malaki ang koneksyon ni Alex kay Amethys.

Napabuntong hininga ako bago nilagay sa maliit na case ang folder na naglalaman ng mga dokumento.

Hayss. Naalala ko. Kinuha pala ni Zhate ang isa pang case ko. Tsk ni hindi manlang binalik. Ang mahal mahal kaya nun.

Napakamot nalang ako sa ulo bago umakyat papunta sa kwarto ko.

Siniguradong kong nakasira at bumalik sa ayos ang bookshelf na pinaglabasan ko bago lumabas ng kwarto.

"Anais! Lalabas muna ako. Nagpahanda ako kay manang ng meryenda!"sigaw ko habang pababa ng hagdan.

Narinig ko naman ang mabibilis na yabag ng paa habang pababa ako.

"Kuya san ka pupunta?"mabilis na tanong ni Anais na nakasilip sa railings ng hagdanan.

"Wala. May gagawin lang. Gagabihin ako kaya wag kang magpupuyat."sabi ko at tumango naman siya.

"Yes kuya."sabi niya bago mabilis na bumalik sa kwarto niya.

Napabuntong hininga ako. Kulit ding bata. Katulad lang ni Zhate.

Umiling ako at tinignan ang relo na nasa aking pulupulsuhan.

6:03 na. Mag-gagabi na pala.

Naglakad ako palabas ng bahay at mabilis na sumakay sa kotse ko.

Sinubukan kong tawagan si Zhate at mabuti'y sinagot niya.

"Zhate. Dadalhin ko na ang mga files at document na nahanap ko. Saan tayo magkikita?"deretsong sabi ko.

""

Ng wala akong makuhang sagot ay nagsalita ulit ako.

"Hello Zhate. Sabi ko. Saan tayo magkikita? Nang ma ibigay ko na sayo ang pinapahanap mong impormasyon."sabi ko pero la paring sumasagot.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon