CHAPTER 35

5.9K 177 16
                                    

[Zhate's P.O.V.]

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Hindi ako sumagot at tinignan lang siya. Maaaring marami siyang alam kaya dapat lang na paaminin ko siya.

"Sino ka?"

Nang sabihin ko iyon ay napalingon lingon muna siya sa paligid at dahan dahang lumapit sa akin.

"Wag tayong mag usap dito."sabi niya bago inayos ang salamin na nasa mukha niya.

Tumango naman ako at sinundan siya sa paglalakad. Pumasok kami sa isang madilim na kwarto. Hindi ko alam na may ganito pala sa school ko?!

Huminto siya sa paglalakad para buksan ang ilaw. Nang magkailaw ay nakita ko ang nga sira sirang aircon , at iba pang gamit na luma at sira sira.

Napunta ang tingin ko sakanya ng humarap siya sa akin at naglakad ng ilang hakbang papalapit.

"Sino ka?"sabi ko ng may pagkakadiin at nakaabang nang kuhain ang dagger sa likuran ko sa oras na tangkaan niya ako ng masama.

"Ako si Keith."inabot niya ang kanyang kamay sa akin upang makipagkamay pero hindi ko iyon tinanggap. Bagkus ay tinignan ko lang ito at bumalik ang tingin sa kanya.

Binaba niya ang kanyang kamay at ngumiti bago kuhain ang salamin sa  mukha niya at itago sa kanyang bulsa.

"Hindi ako pumunta dito para kalabanin ka. Pumunta ako dito para balaan ka sa gagawin nila." sabi niya at ngumiti ulit.

Hindi na ako nakapagpigil. Mabilis kong kinuha ang dagger ko at mabilis na pumunta sa likuran niya. Dinikit ko siya sa pader at mabilis na ipinilipit ang kamay niya patalikod nang hindi siya makagalaw. Nagpumiglas man ay hindi niya nagawang makawala.

"B-bitawan mo ko. A-aray!!!"reklamo niya ng iminuwestra ko ang kamay niya paitaas.

"Sabihin mo lahat nang nalalaman mo at makakalabas ka ng buhay sa kwartong ito."sabi ko ng may kasamang nanlilisik na mata.

"Woah. Pero bago yun pakawalan mo muna ako at please ibaba mo muna yang hawak mo. Ayoko pang mamatay ng maaga."sabi niya habang nakatingin sa hawak kong dagger.

"Mamamatay ka talaga kapag hindi mo inayos yang pagsasalita mo. Gusto mo bang gilitan ko yang leeg mo?"malamig na sabi ko at iginalaw ang kamay ko papunta sa leeg niya at kunwaring gigilitan ito.

Napalunok naman siya bago nagsalita.

"S-sige na. Sasabihin ko na ang totoo. P-pakawalan mo lang ako. Please."nagmamakaawang sabi niya.

Mahina akong napabuntong hininga bago siya bitawan. Bago siya humarap ay inayos niya muna ang nagusot niyang polo.

"Ngayong pinakawalan na kita. Gusto kong sabihin mo kung sino ang traydor sa grupo namin. "malamig na sabi ko.

"Hindi sino kundi sino-sino." sabi niya at ngumisi sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko.

"Isang myembro sa grupo niyo at isang myembro sa grupo ng mga kapatid mo. "sabi niya.

Sinasabi niya bang may traydor sa grupo nila Vince?!

"Kung ganon. Sino sila?"sabi ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin." sa sinabi niyang yun ay mabilis ko siyang kinwelyuhan at marahas na idinikit sa pader.

"Kung ganon ano pang halaga ng pag uusap nating ito?!"galit na sabi ko at hinigpitan ang pagkakakwelyo sakanya.

"N-nandito ako para balaan ka. Hindi ko pwedeng sabihin. P-papatayin nila ako. Papatayin nila ako pag nalaman nilang sinabi ko ang mga nalalaman ko sayo. "napayuko ako sa sinabi niya.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon