CHAPTER 66

1.9K 83 36
                                    

[Zhate's P. O. V]

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa salaming nasa harapan ko.

Nakasuot ako ng itim na dress dahil plano kong magpanggap na costumer para makapasok doon. Mabuti nalang at mahaba haba ito dahil natatakpan ang nakalagay na baril sa hita ko.

Kinuha ko ang red lipstick na nasa purse ko at dahan dahan itong pinahid sa aking labi.

Ng makarinig ako ng katok ay binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Zeris.

"Tapos kana ba?" Nakasuot siya ng polo shirt at shorts.

"Bat ka nakasuot ng ganyan? Sa Van kalang naman the whole time." Tanong ko at napakamot siya sa ulo.

Napagdesisyonan ko kaseng manatili si Zeris sa Van. Ako nalang ang papasok dun. At kung sakali mang mamatay ako ay ako lang ang mamamatay. Di na sila madadamay pa.

"Wala lang. Gusto kolang maramdaman ang beach habang inaanalyse ko kung ilang tauhan ang nandyan sa building. Hack kolang naman yung info ng resort." tanong niya. Tumango nalang ako bago lumabas ng banyo.

Dinala ko ang sportsbag na nasa mesa na may lamang damit na itim na mas komportable ako, baril at maraming bala. Dinala ko rin ang pasabog na kailangan ko.

"Eto nga pala yung fake id mo. Credit card and passport. Incase lang."sabi ni Zeris

Tinignan ko ang binigay niyang fake id.

Napangisi ako ng makita ko ang pekeng pangalan ko.

"Clarrie Mae Carson? Well what a nice name."nakangising sabi ko bago tinago ang mga passport, id at credit card sa sports bag na dala ko.

"Alis na tayo. Maraming baril sa sasakyan kung sakaling kakailanganin mo. Magpapadala din ako ng tauhan para sundan ka sa loob ng resort. Ilan sa mamayang mga makikita mo ay mga nakadesguised na tauhan ko. "Nakangising sabi niya.

Napanatag naman ako at nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Halika ka na. May trabaho kapang tatapusin diba?"nakangising sabi niya at sumunod naman ako sakanya sa malaking van.

Ni di ko manlang nabisita sa basement si Chrystal. Plano ko siyang ibalik sa mga magulang niya pagkatapos neto. Kung pwede lang ay ako na sana ang kusang sasama sakanya.

Pero pag namatay ako ay si Zeris nalang ang magsasabi ng lahat. Sa pamilya at mga kaibigan ko.

Alam naman ni si Zeris ang kayang gawin ni Alex kaya may inutusan na siyang magaling na kakilala na ipahuli si Alex.

Napabuntong hininga ako at mabilis pumasok at umupo sa van.

Isinuot ko ang sunglasses at nakangiting tumingin sa mga tanawing nadadaanan namin.

Ayokong mamatay. Selfish akong tao.
Pero para sa pamilya ko. Para sa kaligtasan nila ay magpaparaya ako. Papatayin ko ang magiging balakid sa kaligtasan ng mga kuya ko. At sa mga tinuring kong kaibigan.

"Huy ok kalang ba?"sabi ni Zeris sa front seat.

Nilingon ko siya at tumango lang.

"Baka gusto mong tawagan mga kuya mo. Mukhang nag aalala sila sayo dahil di mo sila tinatawagan."nag aalalang sabi niya.

"Don't worry. May mensahe akong binigay sakanila."

Umalis akong kaninang madaling araw para bisitahin sila sa bahay. Mabuti at walang nagising ng pumunta ako sa kwarto nila.

Una kong pinuntahan sila kuya Zian at Zein. Binigay ko ang tig iisang sulat para sakanila. Ganun din kay kuya Zake. At ang panghuling dalawang sulat ay para sa mga magulang ko. Di na ako tumuloy sa loob ng kwarto nila at isinuhot nalang sa ilalim ng kanilang pinto ang dalawang sulat.

"Paniguradong akong nababasa na nila ngayon ang sulat na binigay ko."bulong ko at napahinga ng malalim bago tumingin muli sa tanawin.

-----------------

[Zake's P. O. V]

Nangunot ang noo ko ng magising ako at may sulat na nakalagay sa side table ko.

Kukunin ko na sana ito pero biglang bumukas ang pinto at pumasok ang  dalawang kapatid ko na tarantang taranta.

"Anong nangyayari?"sabi ko at pareho silang nagsalita.

"Shhhh. Isa isa muna. Zein bakit?"sabi ko at tinuto si Zein.

"May sinulat si Zhate sa amin tas parang magpapaalam. Shit anong away na naman ang pupuntahan niya."ikadakawang beses kona nakita ang pagkataranta niya. Unang beses nung nabundol si Zhate. At ngayon ay eto.

Napatingin ako kay Zian nang magsalita siya.

"At isa pa. Matagal na niya tayong di natatawagan. Oh kausapin manlang. Hindi ko alam pero may masama akong kutob na delikado ang pupuntahan niya."sabi niya at pinakita ang sulat na nagsasabing may pupuntahan daw si Zhate.

Napahilamos ako ng mukha at mabilis na kiuha ang sulat na maaaring nanggaling sakanya.

Binuksan ko ito at binasa. Napahinto ako.

"No. It can't be."bulas ko at mabilis umalis sa kama at dali daling nagbihis.

"Lets go. Shit! Is she planning to kill herself?"inis na bulas ko at lumabas ng kwarto. Sumunod naman sila sa akin na nakapangbahay pa.

"Wait kuya san ka pupunta. Bihis muna kami!"sigaw ni Zian at inis ko siyang sinamaan ng tingin.

"Dalhin niyo nalang damit niyo at dun kayo magbihis sa Van. Magdala kayo ng baril. May lalabanan tayo."mabilis na bulas ko at mabilis pumasok sa Van. Pagkatapos nila kunin ang mga inutos ko ay pumasok narin sila at pinaharurut ko ang Van.

Shit. Ni di ko manlang alam na pinahanap niya pala si Amethys.

Matagal ko nang alam ang lahat.
Ng marinig ko ang pinag uusapan nila ni Mom ay ilang araw kong pinahanap si Amethys at ng malaman ko kung nasaan siya ay pinabantayan ko siya sa mga magagaling na tauhan ko.

Di ko alam na sasakripisyunin niya ang sarili niya para lang sa kaligtasan namin. 

Inis na hinampas ko ang manebela ng magkaroon ng traffic. Sumilip ako at nagkaroon pala ng banggaan.

I cursed as I  U turned at bumalik sa pinaggalingan para dumaan sa isa pang daanan. Mabuti nalang at walang traffic dito at mas madaling makaka abot sa resort.

Tinignan ko ang dalawa sa backseat at kanda ugaga sila sa pag bihis. Dahil narin sa umaandar ang van ay di sila makapagbihis ng maayos.

Wala ako sa oras para ngumiti pero napapangiti ako dahil nagkakabungguan na sila.

Umiling ako at sumeryoso. Habang tumatawa ako dito ay baka napapahamak na si Zhate.

Masbinilisan ko ang pagpapatakbo at alam kong mas mahihirapan sila sa likod pero wala na akong pake. May isa pamilya namin ang mawawala pag di ko binilisan.

Zhate. Pls be safe. Di ko alam ang gagawin ko pag nawala ka sa amin.
Napabuntong hininga ako at pinigilan ang sariling maiyak.

Bago ko pa mabilisan ang pagtakbo ay narinig ko si Zian na sumigaw.

"KUYA HINAY HINAY LANG. DI KO MASUSUOT SHORTS KO!"

-----------

A/u.

UwU. Eto na pamasko ko sainyo. Pang new year na din. Pahinga mowna kase ako ngayon pasko at new year🥺. Gusto ko mowna maglaro hekhek😁. Kayaaaaa. Hope you enjoy and lab it🥺. Arigatoooo everyone😊 for reading this story. Meh and myself appriciate it🤧🥺. Kaya merry christmas and a happy new year😘💜. Have a merry christmas everyone😘💜

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon