CHAPTER 2

15.9K 492 30
                                    

[Zhate's P. O. V]

"Ang sabi ko sinong may gawa nito?" Pasigaw na sabi nya sabay turo sa damit niya.

Kung titignan mo siya, para siyang anghel na hulog sa langit kasi ang gwapo niy—

Ay! Bakit ko sinabi yun?

Ang panget niya sobra, eww!

Nabalik ako sa ulirat ng tinuro ako ng mga taong sa paligid at sabay pa talaga sila, ha?

Tsss.

Tumingin ako sa lalaking natapunan ng itlog ang sama ng tingin nya sakin kung nakamamatay lang ang tingin malamang kanina pa ko nakahandusay dito hay.

"Ikaw, nerd!"

I blinked in confusion at itinuro ang aking sarili, "Ako?" sagot ko.

"Oo, ikaw, nerd na pangit!" Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa kanyang sinabi.

"Tol," Narinig ko sabi ng katabi ng gagong natapunan ng itlog.

"Relax ang puso mo." Sabay mapaglarong hinagod ang dibdib ng lalaking natapunan ng itlog.

Pffft. Nakakatawa ang itsura niya.

"Gago ka, hyung! 'wag mo nang painitin ulo ni Vince, baka ikaw pagbuntungan." sabi naman ng lalaking nasa kanan ni Vince 'kuno'.

Lumakad siya palapit sakin at ipinakita ang damit niya, "Alam mo bang mas mahal pa to sa buhay mo?" sambit nya sa mukha ko.

"Tss," Sabi ko at nagsimulang maglakad pero bago pa ko makalayo hinawakan na nya ang braso ko ng mahigpit.

Tsss, hindi naman masakit parang bakla kung humawak.

"Sino ka para talikuran ako, isa kalang namang nerd na walang binatbat." Yumuko ako at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nag smirk. Inangat ko ang ulo ko at binigyan siya ng death glare.

"Don't fucking hold me." I spat out venomously. Kinuha ko ang kamay niya sa braso ko at binaliktad siya kaya napangisi nalang ako sa mukhang natatae na itsura niya dahil sa sobrang sakit ng likod.

The crowd let out a chorus of gasps. Heh.

Tinulungan siyang makatayo ng dalawa pa niyang kasama kaya inayos ko muna ang salamin ko at nagsimulang maglakad.

Narinig ko pa siyang nagsalita, "Humanda ka sa akin, hindi pa tayo tapos. Fuck!"

Hah-hah-hah, nakakatawa.

"Dude ilagay mo na lang siya sa death list mo. Anyways, punta na tayo sa HQ. Hinihintay na tayo don." Sani naman ng katabi niya.

Tsk. Hindi ko nalang pinansin at naglakad nalang ulit papuntang dean's office.

'Dean's office'

Nasa harapan na ko ng pinto ng Dean's office kaya binuksan ko ang pinto at hindi na kumatok.

Oo, ako na ang walang respeto at least hindi ko sinipa ang pinto no.

"Good morning, princess!" bati ni kuya Zake.

"Tsk, saan si butler Han?" Cold na sabi ko.

Zake chuckled. "Easy lang, princess! May emergency lang daw sa kanila kaya ako pinalit pansamantala at saka ako lang ang available dahil busy ang kambal sa ibang business natin or should I say sa gang nila. Hmm." Sabi ni Zake habang nag kikibit balikat. Tumango lang ako.

"Saan yung schedule ko?" tanong ko sabay lahad ng kamay. Inabot naman nya ang schedule ko.

"Thanks." I said in a cold tone.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon