(ZHATE'S P. O. V)
"Gusto naming makalaban ang... Venom Angels." Lahat napasinghap ng tawagin nila ang pangalan ng grupo namin.
Oo, ang grupo namin.
Tumayo ang mga kasama ko at bumaba kaya sumunod nadin ako alangan naman uupo lang ako at titingnan silang lalaban ano sila sineswerte.
Habang papunta kami sa gitna ng arena lahat ng mata ay nasa amin kasama na ang mga mata ng makakalaban namin mayamaya.
Nang makatapak na kami sa ring ganun din ang pag announce nang MC ng rules, magkanong pera ang mapanalunan at iba pa. Ng matapos na siyang magsalita inannounce na pwede nang magsimula.
Unang sumugod ang Dark Demons at nine sila kami six lang ano dayaan chos hindi sa nagmamayabang pero kayang kaya namin sila.
Nabalik ako sa ulirat ng susuntukin ako ng isa sa kanila pero nakailag ako at tinuhod siya sa tiyan at sinipa ang likod kaya natumba siya pero tumayo ulit.
Hmmm, mukhang malakas sikmura nito ah. Wala pang nakakatayo sa sipa at pagtuhod ko magiging masaya 'to. Libreng ehersisyo.
Tumingin ako sa mga kasama ko na nakikipaglaban sa mga ugok except sa mga kuya ko at dahil anim lang kami.
Dalawang ugok ang hinahandle ng tatlo sa amin na sina Alex, Kiel, at Chrys habang ang natitira ay isa lang at alam kong ang lider nila ang kalaban ko ngayon.
Nagsukatan kami ng tingin ng lider ng Dark Demons. Dahil naiinip na ako at gusto ko nang magpahinga at mukhang wala siyang balak gumalaw ay inunahan ko na siya.
Tumakbo ako papunta sakanya at sinuntok siya sa mukha. At nung nakailag siya ay napasmirk ako. Nice nahulog karin sa bitag ko haha. Nang makailag siya ay ito ang naging hudyat ng pagsipa ko sa tagiliran niya.
Napaupo siyang habol ang hininga at namimilipit sa sakit . Mabilis akong pumunta sa likod niya at mahigpit na hinawakan ang kanyang batok. Bago ko siya patulugin ay binulungan ko muna siya.
"Goodnight"may panunuyang sabi ko bago ko siya patulugin.
Napabuntong hininga ako matapos kong panoorin ang nakadapa niyang katawan.
Magsosorry nalang ako sa kuya ko mamaya.
Tumingin ako sa paligid nagsisisgaw ang mga tao dahil nanalo kami.
Tumba nadin pala ang mga kasamahan ng DARK demons at pati mga kuya ko tulog nadin . Papasundo ko nalang sila mamaya para iuwi.
Tiningnan ko ang mga kasama kong pachill-chill na nakasandal sa ring. Tinanguan ko sila kaya tumayo sila ng tuwid at pumunta sa pwesto ko.
"Let us all give a round of applause fof our legends... the Venom Angels!" sigaw ng MC. Nagsipalapakan naman ang mga tao at nagsisisigaw sa pagkapanalo.
Bumaba kami sa ring para pumuntang parking lot at makatulog nadin kaso...
"Fish head, ang galing mo paring makipaglaban." sabi ni Gian habang pumapalakpak at ang mga kasama ko nagsipagtawanan dahil sa maganda kong nickname Fish Head.
Aba kong hindi ko lang to kababata kanina ko pa to nilibing pero syempre joke lang. Tiningnan ko sila ng masama kaya tumigil sila sa kakatawa ganon din si Gian na nagpipigil ng tawa. Bumuntong hininga ako.
"Okay, Duckface. What do you want?" Napasmirk ako nang biglang kumunot ang mukha niya at nagpout.
Nagsihagalpak sa tawa ang mga kaibigan ko at mas malakas pa kanina ang tawa nila. Ha! Akala niya hindi ko naalala ang nickname niya ah.
"Hmph, you didn't have to call me that! Anyways, I'm here 'cause itatanong ko kung saan ko ilalagay ang pera na napanalunan niyo sa laban niyo kanina ng Dark Demons?" sabi niya.
"Alam mo naman kung saan namin dinadala ang mga napapanalunan namin diba?" sabay sabi naming anim at nagroll ng eyes.
Lahat nang perang napapanalunan namin ay dinadala sa orphanage na pinapamahalaan ni sister Marie-Ann, ang punong madre ng simbahan.
"Easy guys, okay. Nakalimutan ko lang naman eh. Alam niyo namang matagal na kayong hindi nakakapunta dito ehh." sabay pout nanaman.
"So, alam mo naman kung saan ilalagay kaya mauna na kami." sabi ni Steph in an irritated way.
"Tsss, short tempered mo naman Steph. Meron ka 'no!" sabi ni Gian na nagpapula sa mukha ni Steph hindi sa hiya kundi sa galit at lahat kami nagsitawanan maliban lang kay Steph na hinahabol si Gian pero sumuko narin dahil baka matagusan. Hahahahaha!
Sumakay na kami at nagpaalam sa isat isa kahit magkikita naman kaming anim bukas sa school.
Hindi muna ako umuwi at nagdrive-thru muna sa Jollibee at bumili ng pagkain. Pagkatapos kumain tinignan ko ang wristwatch ko and it's already 9:24pm kaya uuwi nako baka magalit si kuya Zake. Hays...
Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto, nag-half bath, nagbihis ng pyjamas at humiga sa kama.
Iniisip ko na sa unang araw palang ng school marami nang gulo ang nangyari ano pa kaya bukas o sa makalawa hays.
"Ganito ba ako kamalas na kahit araw araw may gulo. Hays, makatulog na nga!"
Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lamunin ng dilim.
To Continued!!!!
_________________________________________
Sorry po sa short update hehehe nagiging tamad si author kahit tamad naman talaga hahahahaha.Sorry sa mga wrong grammars and Pls VOTE and COMMENT THANK YOU!!!!!!
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
De TodoZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...