A/u.
Hi guys. Aytss. Matagal tagal din akong di naka update🤧. Kaya eto na😊. Eto na hinihingi niyo😂. Hahahaha. Enjoy mga bebe kows😚. Chos😁.
[Zhate's P. O. V]
Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang nakayukong si Chrystal.
May nag uudyok sa akin na yakapin siya. Pero....hindi maalis sa akin ang mga kasalanang nagawa niya.
Siguro pag natapos na ang lahat ng ito. Baka magawa ko na siyang mapatawad.
Isinirado ko ang pinto at aakyat na sana ng hagdanan ngunit napatingin ako kay Zeris na nakaupo doon.
Tinignan niya ako bago tumayo at nagsalita.
"Tapos na ba?"mahinahong sabi niya.
Tumango ako at nagsimulang umakyat ng hagdan. Sinundan naman niya ako at habang paakyat kami ay panay ang tanong niya kung ano ang nangyari.
"Pinahirapan ko. Hanggang sa ibunyag niya ang mga nalalaman niya." Malamig na sabi ko bago tumingin sa kanya.
"May nalaman kaba?"
"Oo. Sinabi niya kung saang lugar nakatago si Amethys."sabi ko na ikinatahimik siya sandali.
"Susugod kaba dun ngayon Zhate?"tanong niya na ikinahinto ko.
"Papayag kabang sumugod ako doon na walang dalang armas?" nakangising sabi ko bago siya nilingon.
Umiling naman siya bago nilagay ang kamay sa ulo ko bago ako sinabayan maglakad.
"Tsk. Malaki ka na talaga. Anong armas ang kailangan mo?"
Lalo akong napangisi ng tanungin niya iyon.
--------------
Tinignan ko ang mga baril na nilapag niya sa mesa.
"Saan mo nakuha yan?" Tanong ko at napakamot siya sa kanyang ulo.
"Alam ko naman kaseng darating tayo sa puntong ito kaya naghanda na ako ng mga baril. Wag kang mag alala. Nakuha ko yan sa pinagkakatiwalaan kong tao."nakangiting sabi niya.
Binigyan ko siya ng masamang tingin bago kinuha ang isang pistol at sinuri itong maigi.
Tumango ako at binaba ito nang matuklasang isa itong magandang klase na pistol.
Tinignan kong maigi ang bilog na bagay sa gilid ng mga nakahilerang baril.
"Bakit ka may granada?"
"For our safety purposes?"alinlangang ngiti niya sa akin.
Tinignan ko ang granadang sa kamay ko at ngumisi. Magandang pasabog to sa pupuntahan ko.
I was about to chuckle but to my surprise mabilis kinuha ni Zeris ang granada at tinago ito sa bulsa niya.
"Mahirap na. Baka sumabog ang bahay nato pag aksidente mong mabitawan. "takot na sabi niya.
Inirap ko nalang ang nga mata ko dahil sa ka OAyan niya.
Pinukos ko nalang ang paglalagay ng mga bala sa pistol. Nang tapos konang mailagay ay ikinasa ko ito at tinuon sa pader.
Kakalabitin kona sana ay mabilis akong pinigilan ni Zeris.
"Anong gagawin mo? Bagong bahay ko to. Wag mo namang butasin."reklamo niya kaya napatsk ako.
Bibitawan ko na sana ang baril at ilalagay ito sa mesa ng maoahinto ako sa tanong niya.
"Wala ka manlang bang sasabihin kela Akira?"tanong niya.
Umiling ako.
"Mas lalo silang mapapahamak Zeris. Ayoko silang mapahamak. Lalo na ang pamilya ko. Ayos na na ako nalang magdusa." Sabi ko bago binaba ang baril sa mesa.
Napabuntong hininga siya.
"Pero mga kaibigan mo sila. Kaya ka nilang tulungan. Tandaan mo Zhate. Ilang daan na tauhan ni amethys ang makakalaban mo. Baka di mo kayanin."paalala niya.
Napangisi ako.
"Nandyan ka naman. Atleast kaya mong makatama ng bala sa braso."ngising sabi ko at muntik na niya akong batukan. Kung di lang ako umilag.
"Gago ka talaga. Plano mo pa akong ipapatay sa mga tauhan niya."
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Who knows? Magaling ka naman humawak ng baril. Hahaha"tawa ko.
Tumawa narin siya. At mas lalo akong natawa dahil ang panget pala niya tumawa.
Habang natatawa ay naisip ko. Baka ito na ang huling tawa na magagawa ko bago magsimula ang laban na magpapapabago sa buhay ko.
----------------
[Akira's P. O. V]
"Natawagan mo na ba?"
Napatingin ako kay Steph ng tanungin niya ako.
Umiling ako bago tingnan ang cellphone ko na ilang beses nang tumawag kay Zhate.
"Hindi pa. Di niya sinasagot yung tawag."
Hindi kasi ako makatulog kaya tinry ko siyang tawagan para sana kamustahin kaso di niya sinasagot. Ganun din si Steph. Di makatulog dahil nag aaalala na sa kung anong nangyayari kay Zhate.
"Masama ang kutob ko Steph. Parang may masamang mangyayari bukas."wala sa sariling sabi ko bago tinignan si Steph na nagsisimula na ring mag alala.
"Ikaw naman Akira. Kulang kalang siguro sa tulog. Turog na nga ako. Alam ko namang malakas si Zhate. Kaya na niya sarili niya. Tulog kana rin."sabi niya bago tinapik ang balikat ko at umakyat sa kwarto niya.
Hindi nila alam pero nakakahalata na akong may kakaibang nangyayari sa grupong to.
Una ang pagkawala ni Chrystal. Ang kadalasang pag alis ni Alex. At ang di pag uwi ni Zhate.
At kanina lang ay inutusan pa ako ni Zhate na bantayan si Alex. Pinaghihinalaan ba niyang traydor si Alex?
Umiling ako. Di magagawa ni alex yun. Matagal konang kilala si Alex pero alam kong mas una silang nagkakilala ni Zhate.
Kaya di ako maniniwalang pagtatangkaan niya ang buhay ni Zhate.
Napabuntong hininga ako bago umakyat papunta sa kwarto ko.
Siguro nga kulang lang ako sa tulog. Pero sana ay sagutin ni Zhate ang mga tawag ko. Nang di ako mag alala sa kanya.
_______
A/u.Another chapter finish😁. Alam kong maikli kaya pasyensiya na. Matagal tagal ding di nakapag sulat. Matagal na prosesong mag isip ng ganap sa chapter🥺. Anyways. Magbrebreak muna ako sa pagsusulat guys🤧. Magfofocus muna ako sa studies and stuffs🙂. Maybe i oonhold ko to but we'll see☺️. Anyways. I hoped you enjoyed😊. Merry Christmas and a happy new year nalang guys.😘💕💜
![](https://img.wattpad.com/cover/153078228-288-k688205.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
RandomZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...