[Zhate's P. O. V]
Nang makarating ako sa abandonadong amusement park ay kaagad akong may naaninag na sasakyan na nakaparada sa gilid ng gate ng amusement park.
Napakunot ang noo ko ng matandaan ang sasakyan na ito.
...Kotse ni Zeris.
Hindi ako lumapit sa sasakyan at inihinto nalang ang kotse ko ilang layu sa kotse niya.
Hindi na ako nag atubili pa at mabilis akong lumabas ng kotse ko. Maingat akong pumunta sa kotse ni Zeris nagbabasakali na makita ko siya doon.
Pero di inaasahan ay di ko siya makita. Nagulat din ako ng makita ang basag na salamin ng kotse niya.
Isinantabi ko ang gulat at mabilis na hinalughug ang kotse niya kung may naiwan bang kahit anong importanteng gamit.
Dahan dahan akong napatingin sa amusement park. Hindi magagawa ni Zeris ang basagin ang pinakamamahal na kotse niya. Maliban sa pagiging maingat niya dito ay pinag ipunan niya ito ng mabuti. Hindi niya basta bastang babasagin ang salamin ng kotse niya.
....Maliban nalang kung hindi siya ang bumasag nito.
Mabilis kong hinalughug ang kotse kung may naiwan bang bakas ng dugo. Mabuti nalang ay wala. Nagpapahiwatig na buhay pa siya.
Kinuha ko ang apat na maliliit na dagger na nakatago sa magkabilang bulsa ko at naglakad papasok ng amusement park.
Mukhang tama ang kutob ko. May masamang mangyayari.
Habang palayo ng palayo ay padilim ng padilim ang paligid. Pero hindi problema sa akin iyon.
nasanay na ako sa dilim.
Isa sa mga training ko nung bata pa ako ay talunin ang mga kalaban habang nagtatago sa dilim.
Kaya hindi ako nagugulat kapag nakakakita ako ng maayos kahit madilim.
Mabilis kong hinalugog ang paligid.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nagmamatyag sakin. Hindi ko ito pinansin pero naging mas alerto ako.
Nasaan na ba si Zeris!?
Napahinga ako ng malalim.
Mukhang kailangan ko munang talunin ang mga nagmamatyag sakin.
-----------------
[Third Person's P. O. V]
Napangisi ang traydor habang nakamatyag kay Zhate.
Sinenyasan niya ang mga tauhang pinahiram sakanya ni Amethys na sugurin si Zhate.
Mahina siyang napatawa ng makita niyang nakikipaglaban si Zhate sa 20 kataong tauhan niya.
Nasa taas siya ng puno malayo sa kinalulugaran ni Zhate
Mariin niyang tinignan si Zhate dahil natatalo nito ang mga tauhan niya.
Mga walang kwenta! sabi niya sa mga tauhan niya sa isip niya. .
Ng makita niyang natalo ang mga tauhan niya ay inis niyang tinignan si Zhate.
Napaisip siya. Tingin lang ang nagagawa niya noon. Pero hindi na ngayon.
Mukhang kailangan ko nang umaksyon.
Mabilis niyang sinuot ang puting maskara na nasa kamay niya.Hindi niya pa gustong malaman ni Zhate kung sino siya. Gusto niyang supresahin ito.
Napangising bumaba siya sa puno at tumakbo sa kinaroroonan ni Zhate.
Walang maririnig na kahit anong ingay sa pagtakbo niya.
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
De TodoZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...