A/u.
Dahil nga may module na ko sa monday. Ngayon nalang ako mag uud. Sooo yeah. Ahahahha. Ok Enjoy. 😊
[Zhate's P. O. V]
Kakauwi ko lang ng bahay. Mag uumaga na. Ni hindi ko na naisipang kumain dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Muntik na rin akong isugod ni Zeris sa hospital. Kung di ko lang siya napigilan.
Mabuti nalang at tumawag ng doctor si Zeris para gamutin ang sugat ko. Doon nalang ako napanatag. Kahit konti ay nabawasan ang kirot at pagod na nararamdaman ko.
Mabuti nalang din at walang nagising ng maaga at nakakita sakin na pumasok ng bahay. Dahil kung meron ay baka usisain lang ako ng pamilya ko.
Nagpapasalamat ako kay Zeris dahil alam ko sa sarili kong ayaw niyang madamay sa gulo pero kahit ganun ay tinulungan niya parin ako sa planong ito.
Pagkatapos naming gapusan si Chrystal ay napag isipan ni Zeris na ipabantayan siya sa mga tauhan niya. Umuwi narin kaming dalawa pero babalik siya bukas.
Kailangan ko munang alalahanin si Alex. Dahil alam kong may koneksyon sila ni amethys. Ayun din sa sinabi ni Zeris. Hindi maitatangging magkamag anak sila. Pero gusto kong si Alex ang magsabi sa akin non. Nawalan na ako ng isang kaibigan. At ayokong mangyari uli iyon.
Pupunta ako sa school bukas. Dahil kakausapin ko na si Alex. Ayokong maging huli na ang lahat at talikuran na niya kami.
Bumuntong hininga ako bago dahan dahang humiga sa kama. May kaunting kirot sa aking binti ng idantay ko ito sa kama. Ang magkabilang braso ko naman sy kumikirot dahil sa pag agapay sa mga binti ko. Ng nakapwesto na ako ng maayos ay huminga ako ng malalim.
Ipinikit ko ang aking mga mata para sana makaidlip ng kaunti pero napamulat nalang ako ng marinig ko ang ringtone ng nawala kong cellphone.
Kinuha ko ito kanina sa bulsa ni Chrystal. Nandun din ang cellphone ni Zeris. At ang sabi niya ay si Chrystal ang tumawag sa akin at hindi siya.
Kinuha ko ang cellphone na nasa side table at tinignan kung sino ang tumawag.
Hindi na ako nagulat na tumawag si Akira. Parte ito sa plano.Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Akira.
"Ba't ka napatawag?"
"Zhate. Nagkausap ba kayo ni Chrystal? Di ko siya matawagan. Pero nagtext siya na babalik daw muna siya ng Korea at kailangan niyang mapag isa. Zhate alam mo ba kung anong nangyari sakanya?"
Hindi ako nagsalita. Sinabi ko kay Zeris na gamitin ang cellphone ni Chrystal para sabihin kay Akira at Kiel na babalik siya ng Korea. Ang ginawang alibi ni Zeris ay nagkaproblema ang companya ni Chrystal at kailangan siya doon. Hindi narin ako umangal sa alibi niya dahil kailangan ko munang paaminin si Chrystal bago pakawalan. At pagkatapos ko siyang pakawalan ay ibabalik ko siya sa pamilya niya sa korea. Kakausapin ko din sila na ipakunsulta si Chrystal sa doctor. Dahil di man nila alam ay alam kong hindi sinasadiya ni Chrystal ang lahat. Naiipit lang din siya sa gulo. Mas mapapanatag din ang loob ko na dun siya ipadala para di na siya gamitin ng walang hiyang amethys na yun.
"Hey. Zhate? Hello, jan kapa? Ang tahimik mo. Anyway. Kailan ka babalik dito sa bahay. Huy miss kana ni Kiel at Alex. Bumalik kana."
"Babalik ako sa susunod na araw. May aasikasuhin lang ako Akira. Mag iingat kayo. At Akira.....wag ka munang magtiwala kay Alex. Wag ka munang lalapit sakanya sa nagyon."sabi ko na alam kong ikinataka niya.
"Ha? Ba't naman? May nakakahawang sakit ba si Alex? Kaw naman Zhate eh. Arte nito."sabi niya na ikinabuntong hininga ko.
"Nothing. Dont mind what I said. Stay safe. I love you....couz."sabi ko at may bahid na pagod ang tono.
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
RandomZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...