CHAPTER 41

4.9K 161 14
                                    

[Zhate's P. O. V]

"Unnie! Kakain na."sabi ni Chrystal sa labas ng kwarto ko pagkatapos kumatok.

Isinarado ko ang laptop ko bago tumayo.

Weekend ngayon kaya wala kaming pasok. Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos ng komprontasyon na nangyari sa pagitan namin ni dad. Di ko alam kung komprontasyon pa ba ang tawag dun. Tinanong pa ako nila Akira kung anong nangyari at sinabi ko nalang na nag away kami. Hindi na sila nagtanong sa araw na yun at kinabukasan ay bumalik narin ako sa klase. I mean wala naman akong ibang gagawin diba? Well except lang sa gabi gabing pakikipaglaban sa GW.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakasimangot na si Chrystal.

"Ba't ka nakasimangot."sabi ko sakanya bago naglakad pababa ng hagdan.

"Eh kasi naman eh. Ayaw akong bigyan ng chocolates ni Steph unnie. Sabi niya bad raw yun sa teeth ko. Eh bat sa teeth niya hindi ba bad?"nakangusong sabi niya.

Napabuntong hininga ako bago ko siya tinignan.

"Its bad for your teeth so don't eat chocolates. But if you want you can always buy yours. Hayaan mong kainin ni Steph yung mga chocolates para mabungi siya."
Bored na sabi ko bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Tumawa naman siya bago tumingin sa baba ng hagdan.

"You hear that Unnie Steph? Mabubungi ka pag kumain ka ng maraming chocolates. And boys won't like you anymore!"sigaw niya at tinaasan naman siya ng kilay ni steph bago binalik ang tingin sa chocolate na kinakain niya.

Ke aga aga chocolate na agad kinakain.

"Oh my god! Di ako makapaniwalang maraming calories tong kinakain ko!"sigaw nito bago tinignan ang ingredients sa likuran ng chocolate.

Seriously!?

"And Oh my god! Maraming sugar! Tataba ako neto! Give me water! Water!"nagpapanic na sigaw niya at tinapon ang chocolate sa basurahan bago pumunta sa kusina.

Tingnan namin siya na parang nanggaling siya sa ibang planeta. Ngayon lang ba niya nalaman lahat yan?!

"God. Ang aga aga naririnig ko na ang boses ni Steph!"sigaw ni Kiel pagkalabas niya sa kwarto niya. Ni hindi pa siya nakakaligo at hindi pa siya nagsusuklay. Nagising siguro sa ingay ni Steph.

"Bago kayo magbangayan jan eh kumain muna tayo."sabi ni Akira bago nagpunas ng kamay sa apron niya.

"Goodmorning."sabi niya sa akin. Tumango ako bago sumunod kay Chrystal na pumunta na sa kusina.

Naabutan namin si Steph na nilalagok ang isang baso ng tubig at kumuha ulit sa water dispenser.

"Hoy! Tigilan mo na yan! Mauubos mo yung tubig sa despenser!"rinig kong sigaw ni Kiel sa likuran ko.

Wow lang. Mukhang literal na masisira ang tenga ko pagmalapit ako sa kanilang dalawa.

Umiling ako sakanila bago umupo sa gitna ng dining table.

"Umupo na kayo. Steph tawagin mo si Alex. Kakain na tayo."malamig na sabi ko at tumahimik naman sila bago sinunod ni Steph ang inutos ko.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Steph kasama si Alex na nakaligo na't nakabihis.

"Goodmorning."malamig na bati sa amin ni Alex bago umupo. Nag goodmorning naman sila pabalik at tumango lang ako.

"May lakad ka unnie?"tanong ni Chystal kay Alex. Mukhang hindi lang ako ang nakapansin na bihis na bihis siya.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon