[Third Person's P. O. V]
....Samantala sa katapat na hotel ng resort . May dalawang tao ang nakadapa sa rooftop at alertong pinagmamasdan ang mga kasama.
"Tol, sa tingin mo makakaligtas kaya sila?"sabi ng taong nagngangalang Mark.
Nilingon ito ni Trob at nakita niyang nakangisi ang lalaki. Umiling nalang siya sa isiping nabaliw na ito.
"Makakaligtas sila. Kaya seryosohin mo ang trabahong to Mark. Hindi madali ang pumatay ng tao."seryoso namang sabi ni Trob habang nakaasist sa mga kaibigan.
"Ang seryoso mo naman tol."tawa tawang sabi pabalik ni Mark.
"At isa pa. Marami na akong napatay na tao."bulong nito habang di inaalis ang ngisi sa kanyang labi.
Napakunot naman ng noo si Trob bago inisip na baka nagbibiro lang ito.
Hindi naman kasi sila pumapatay ng tao. Mahinang bugboglang kumbaga. Pero alam nila na minsa'y napapasobra sila na nagsasanhi sa critical na condition ng ibang nakakalaban nila. Pero di sila pumapatay."Wag mo silang patayin Mark. Asintahin molang ang mga braso't binti nila."
Binalik niya ang tingin sa kanyang mga kaibigan na nasa kabilang building at nakita niya sila Zeris at Ivan na lumabas ng Resort kaya pinaputukan niya ang mga humaharang na kalaban.
Ng maramdaman niyang di pa nagpapaputok ang katabi niya ay galit niyang pinagsabihan ito.
"Mark. Shoot those f*ckers. Wag kang tumunganga jan."medyo galit na sabi niya habang patuloy na nagpapatok sa direksyon ng kalaban.
Walang silencer ang mga sniper nila kaya maririnig at maririnig mo ang sunod sunod na putok ng baril.
Ng wala siyang marinig na tugon ay galit na binalingan niya ang kaibigan.
Ngunit laking gulat niya ng makita niyang nakatayo ang kaibigan at malamig na nakatingin sa kanya."Sorry dude. Walang personalan. Trabaho lang."
Yan ang huling narinig niya sa kaibigan bago siya nakarinig ng putok ng baril at nawalan ng malay.
__________
Samantala.....
Nakarating sa Van si Zeris at Ivan at may ilang mga tauhan niya doon ang nakahintay sa kanya.
Mabilis nilang inilalayan si Zeris at Ivan sa pagpapaputok sa kalaban. Pumasok naman si Zeris sa loob at inilagay sa upuan ang dalawang laptop na nakaconnect sa cctvs ng resort. Habang hawak hawak naman ang isang laptop na nag tatrack sa mga kasamahan niya.
Hindi nila narinig ang pagbaril ni Mark kay Trob dahil natatabunan ito ng mga putok galing sa mga kalaban at sa mga tauhan niya.
Agad napakunot ang noo niya ng makitang pababa ng hotel ang tracker na nakakabit kay Mark.
Agad niyang ikinabit ang sariling earpiece at agad iniugnay sa earpiece na binigay niya kay Mark.
"Mark. Why are you leaving the hotel? May problema ba?"
Hindi siya nakarinig ng tugon dito.
"Mark. Go back at the roof top. Kakailanganin nila Zein ng back up."sabi niya at sa wakas ay nagsalita na ito.
"I don't follow orders from a trash."
Kumunot ang noo ni Zeris at inis na tiningnan ang laptop. Papalapit na sa pwesto nila si Mark.
"Mark go back to your post right now!"sigaw niya pero di ito nakinig at patuloy lang sa paglapit.
Bago pa niya sigawang muli ito ay nakarinig siya ng sunod sunod na kalabog sa earpiece.
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
RastgeleZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...