[Zhate's P. O. V]
"San kwarto ko?"sabi ko sabay lapag ng dalawang malalaking bag sa couch.
Sunday ngayon at kalilipat kolang sa mansyon namin ng mga kaibigan ko.
"Sa third floor gaya ng request mo."
Sabi ni kiel nanonood ng horror.
Tss horror as always."Oy.. kiel ang sagwa naman ng pinapanood mo. Palitan monga ang pangit ng multo oh. Look"maarteng sabi ni steph. May naaamoy akong away.
"Tss ang sabihin mo natatakot kalang. Ang lakas mong manghamon ng away sa school tapos multo lang pala katapat mo."nanghahamon na sabi ni kiel sabay irap. Tss ayaw pa naman ni kiel na pakielaman siya ng kung sino man pag nanonood ng movie.
"Like eww. Hindi ako takot sa multo sadyang hindi ko lang gusto ang taste nang damit at mukha nila. You know me I like fasion"People always judge somebody by there face .
Tss alam ba niyang pagnamatay siya ganyan din ang mukha niya tss.
"I like fasion.Mukha mo! Tss makaalis nanga. Oh sayo ng remote mo saksak mo sa boobs mo"may pangagaya na sabi niya at umalis. Sigurado akong hindi maganda gising nun. Iling iling nalang akong pumunta sa taas mabuti nalang may elevator dito para hindi ako mapagod sa paglalakad.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ibinaba ko ang bag ko at nagdive sa malambot kong kama. Parang hinahatak nito ang aking katawan kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako dahil sa katok sa pinto pero hindi parin ako bumangon. Tamad ako eh angal kayo. Napakamot ako sa ulo dahil hindi parin tumitigil ang ingay kaya dinampot ko kung ano man ang madampot ko at hinagis sa pinto.
Sa wakas tumigil din.Wait anong oras naba?. Bakit wala akong nakapa na cellphone. Nasan nayon eh sa desk ko lang naman nilagay yun.
Tumingin ako sa pinto at nagulat dahil cellphone ko pala ang naibato ko at wasak wasak na ito ngayon. Tss bahala nanga bibili nalang ako nang bago mamaya.
Bumalik nalang ako sa pagtulog.
______________
[Steph P. O. V]
Wow for the first time nagka p.o.v narin ako. Well maganda ako eh.
(a/u. Anong kunek dun)
Nanonood ako ng tv nang bumaba na si chrystal na bagsak ang balikat.
"Nagising mo ba"tanong ni Akira na galing sa kusina para magluto.
Umiling si chrystal.
"Ang hirap gisingin ni unnie.Namamato ng gamit sa pinto kaya sumuko nalang ako baka magalit kasi yun ayaw panaman magpaisorbo nun."sabi ni chrystal
"Ehdi wag hayaan mo siyang magutom. Babangon din yan pagkumakalam na sikmura niya. Tirhan nalang natin"sabi ni Akira at bumalik uli sa kusina pata ihanda ang pagkain.
Hindi ko nalang sila pinansin at nanuod nalang ng tv.
Naalala ko ang bangayan namin kanina ni kiel. Alam kong masyado akong maarte pero hindi ko talaga sinasadya na pikunin siya kanina. You see magkaibigan kami ni kiel simula pagkabata. Siya ang pinakaclose kong kaibigan dahil pareho kami ng ugali pero nagbago yun ng magkagusto kami sa iisang lalaki nung first year highschool kami at nagsimula na duon ang isturya ng pagbabangayan namin hanggang ngayon.
Tinawag na kami ni Akira dahil kakain na.
Nag usap usap lang sila at ako naman ay tahimik lang kumain.
Tiningnan ako ni alex.Alam din nila ang nangyari samin ni kiel."Unnie nag away nanaman po ba kayo ni kiel unnie"sabi ni chrystal.
Yumuko lang ako at nagpatuloy kumain. Tumahimik nalang sila at tinuloy ang pagkain.
Nagiguilty ako kasi nagalit ako sa kanya dahil siya ang pinili ng gagong yun pero ang tutuo hindi niya naman kasalanan , ako lang talaga ang selfish .
Kaya pagkauwing pagkauwi niya magsosorry na ko sakanya. Magsosorry na ko sa bestfriend ko.
------------
Back to Zhate's P. O. VNagising ako dahil sa sobrang gutom. Tinignan ko ang orasan at 10:56 na pala. Napahaba ang pagtulog ko.
Grrrr.......
Haha makababa nanga tumutunog na tyan ko eh.
Nagng makababa ako naabutan ko si Steph na nakaupo sa couch at busy sa panonood ng tv.
Nang mapansin niya ang presensiya ko ay bigla siyang lumingon sakin.
"May pagkain sa lamesa initin mo nalang Zhate"sabi niya sabay nguya ng popcorn. Hmm ngayon ko lang napansin yun.
Tango lang ang binigay ko sa kanya dahil nakakatamad magsalita at gutom na ako.
Dumiretso akong kusina. Pagkaupong pagkaupo ko palang ay nilantakan ko na ang mga hinandang pagkain nina Akira at Alex. Hmmm hindi ko ipagkakaila na masasarap ang luto nila.
Nang mabusog na ko ay uMMKinom ako ng tubig at nilagay sa sink ang pinagkainan ko. At dahil masipag akong bata chos! Ay hinugasan ko narin ito.
Pumunta akong sala at umupo sa tabi ni steph. Syempre idadijest ko muna ang pagkain sa tiyan ko bago pumuntang kwarto at matulog.
"So sinong hinihintay mo at gabing gabi na eh nandito kapa sa couch"nakataas na kilay na sabi ko at kumuha ng popcorn niya at kinain. Alam kong kakakain ko lang pero nagcacrave ako sa popcorn cheese flavor panaman.
"Huh. Anong pinagsasasabi mo zhate. Nanonood lang ako ng Hwarang ano ba. Hinihintay ko kasing maghalikan sina Go ara at Park Seojun" kinikilig na sabi niya.
"Wag mo kong lokohin alam kong may hinihintay ka. Kitang kita sa mukha mo na kanina kapa hindi mapakali. Tss asan pala si Kiel hindi paba siya umuuwi?"sabay libot ko ng aking mga mata sa paligid.
"Pa-paano mo nalaman?"kandautal na sabi niya.
"Tss sa sobrang katakawan ni kiel akala mo may matitira pang pagkain para sakin kung nandito siya."sarcastikong sabi ko sakanya.
"Ano nanaman ang pinagawayan niyo"cold na sabi ko.
Lumungkot naman ang mukha niya.
"Diba zhate alam mo naman ang nangyari sa pagitan namin ni kiel diba. Alam kong sobrang selfish ko para hindi isipin ang pagkakaibigan namin over that guy.At alam mo rin kung bakit ako naging ganito at ikaw lang ang nakakaalam non"sabi niya habang nakayuko.
"Hindi mo kasalanan steph kung bakit kayo nagkalayo.Well kayong dalawa ang may kasalanan. You became selfish yes pero kahit ganon hindi mo parin siya pinabayaan nung niloko siya ng lalaking kinababaliwan niyo noon. And Steph hindi niya talaga gusto na saktan ka but she really love that asshole at nung iniwan siya she never felt so alone because your always there by her side. So dont feel guilty about it dahil hindi nawala ang friendship niyo hanggang ngayon"mahabang sabi ko at tumayo habang siya ay nakanganga lang na nakatingin sakin.
"What?"walang ganang sabi ko.
"F-for the first time ngayon ko lang narinig ang napakahaba mong sinabi.Dati kasi sa sobrang ikli ng mga sinasabi mo pwede nang bilangin sa daliri."manghang sabi niya.
"Tss. Bahala ka. Hihintayin mo pa ba siya?"tanong ko. Tumango lang siya.
"Okay."sabi ko at umakyat na sa kwarto dahil nadijest na ang kinain ko.
Pagkarating sa kwarto I took bath and change clothes.
I switch off the light at muling humiga sa kama.
Ipinikit ang mata hanggang sa lamunin na ng dilim ang aking nakikita
To be Continue
-----
Pls Vote and Comment!!!!!!!
Thank you and a happy new year!!!!
BINABASA MO ANG
The Nerd is A Legendary Demon Gangster
De TodoZhate Courtney Smith Lee, the famous gangster in the whole world. Kung titingnan mo siya para siyang anghel na nahulog sa langit pero panlabas na anyo lang 'yan. Kapag ginalit mo siya magtago ka na dahil mawawala ka na sa mundo at makikilala mo na a...