CHAPTER 64

2.2K 105 27
                                    

[Chrystal's P. O. V]

Masama kong tinignan ang pinto pagkatapos lumabas ni Zeris doon.

Marahas na nagpumiglas ako sa kadenang nakapulupot sa katawan ko at inis na sumigaw.

Di ko parin matanggap ang mga sinabe niya. Tinatakot ba niya ako? Nakakatawa!

Ng tuluyan akong mapagod ay iniyuko ko ang ulo ko habang naghahabol ng hininga.

Tinatakot niya lang ako. Wag kang matakot. Hindi ka kayang patayin ni Zhate. Ang bobong yun? Hahahaha. Sabi ko upang ipakalma ang aking sarili.

Ngumiti ako upang pigilan ang namumuong inis sa aking puso. Ngunit ng maisip ko ang kinahinatnan ng lahat ng plano ay sumabog na ang inis ko.

Inis na ipinadyak ko ang aking nakataling mga binti. Kung sana ay napatay ko si Zhate sa abandunadong parke na yon ay di ako mapupunta dito.

Bwisit ka talaga!sabi ko sa sarili ko. Kung hindi lang ako nakagapod ay kanina ko pa nasabunutan ang sarili ko.

Hindi ko alam. Gusto kong mawala si Zhate.

Gusto kong mawala siya sa landas ko...

Gusto kong ako lang ang tititigan ni Vince...

Gusto kong ako lang...

Gusto kong ako lang!

Nagsimula akong nagpumiglas. At ng maisip ko ang nakahandusay at walang buhay na katawan ni Zhate sa lupa ay bigla akong natawa.

"Pffftt— hahahahahaaha. Hahahahaahha. Hahahahahahha"

Ang mga magulang niyang nakatingin sakanya. Lalong lalo na ang mga kapatid niya. At si Vince. Sa akin lang titingin si Vince.

Napangisi ako habang iniisip ang mga manyayari kapag pinatay ko si Zhate.

Pero bigla rin agad naglaho ang ngisi ko ng maalala ko ang mga sinabi ni Zeris.

Isa pa yong lalaki nayun. Takot na takot pero ngayong nakatali ako ay nagmamatapang at pinagbabantaan ako.

Oo at natakot ako sa mga sinabe niya kanina.

Totoong di ko pa nakikita makapatay ng tao si Zhate. Pero alam ko na ang mga galawan niya pag nakikipaglaban. Binantayan ko ang mga kilos niya.

Di niya alam pero ginagaya ko ang ibang ginagawa niya. Pero kahit ano pang sabihin ni Zeris ay di parin ako susuko.

Gagawin ko ang lahat para mawala si Zhate sa paningin ko.

Pumikit ako. At tinamasa ang sayang mararamdaman ko mamaya.

Kailan pa ba ako huling pumatay?

Nakangiting tumingin ako sa bumbilyang nakakabit sa kisame. Malapit na ang oras na mapapatay kita.

Darating ang oras na ililibing kita sa sarili mong kabaong.....Zhate.
----------------

Nagising ako dahil langitngit na pagbukas ng pinto. Tinignan ko kung sino iyon at di nako nagulat ng makita ang dalawang taong dumukot sa akin.

Pinikit ko ang aking mga mata. Tila nanibago ako sa sinag na nanggagaling sa bumbilya.

Kumurap ako bago tumingin sa blankong mukha ni Zhate. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis.

Tanggapin mo ang matamis na ngiti ko Zhate.

"Handa ka na ba Chrystal?"mula sa blankong mukha ay napalitan ito ng ngisi.

Lumapit siya sa harapan ko at kinuha ang isang martilyo at isang pliers. Tinignan niya ang mga ito bago ibalik sa lamesa.

Nangunot ang noo ko ng makita ko ang mga iba't ibang gamit na nakapatong sa lamesang nasa harapan ko.

The Nerd is A Legendary Demon Gangster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon