Galit na galit na nag impake ng gamit si Yeena. Walang pakundangang isinilid niya ang mga damit sa maleta at nang mapuno iyon ay agad niyang tinungo ang tokador para kuhanin ang kanyang shoulder bag.
" Saan ka pupunta Angelina? "
" Anywere na hindi ko kayo makikita! " galit na sagot ng dalaga at tinalikuran ang ina.
" Please naman anak, pakinggan mo muna ako....."
" No! I don't want to hear your explanations. I don't want to get fooled again. I don't want to see you now! "
" Please sweetheart, listen to me, I lied because I have to. I know I'd hurt you but I only did it for it's the best thing to do. "
" No! You did that because it's the best thing for your own self. Hindi mo na inisip na sa paglilihim mong ito ay baka kamuhian kita and worst is makalimutan kong ina kita. "
Hindi nakasagot si Audrei kaya sinamantala iyon ni Yeena at dali daling lumabas ng kanilang bahay.
Bago pa man siya mapigilan ng ina ay nakasakay na ang dalaga sa taxi'ng kanyang pinara.
Napahagulgol ang dalaga nang makitang umiiyak na hinahabol ni Audrei ang taxi'ng sinasakyan niya.
She loved her mother so much but she can't say the same thing right now. Gusto muna niyang lumayo sandali at mag-isip.
Nagpahatid si Yeena sa sakayan ng bus at walang pakialam na sumakay sa unang bus na nakita niya. Ang alam niya ay patungong probinsya ang sasakyan niya.
Iyak siya ng iyak. Mag-aalas 12 na ng gabi at tanging si Yeena na lamang ang gising. Humihikbi na lamang siya. Hanngang sa hindi na niya napaglabanan ang antok at nakatulog na din siya.
Naalimpungatan si Yeena nang makarinig ng mga iyakan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang tinutumbok ng bus. Sabay sabay silang napasigaw nang bumulusok paibaba ang bus na sinasakyan nila.
★★★★★★★★★★★★★★★★
" Kailan kaya siya magigising Tiyang? Mag-dadalawang linggo na din siyang walang malay. Kawawa naman siya. Ang ganda pa naman niya. "
" Hindi ko din alam Olive, sana nga ay magising na siya. Siguradong matagal na siyang hinahanap ng pamilya niya. "
Nagkatinginan ang mag tiyahen nang biglang umungol ang babaeng nasa kama.
Marahang idinilat ng dalaga ang mga mata, pumikit at dumilat uli.
" N-nasaan ako? S-sino kayo? "
" Ako si Laura t ito naman ang pamangkin kong si Olive. Nasa bahay ka namin ineng. "
" Ikaw? Anong pangalan mo? " tanong ni Olive.
" A-ako? " Natigilan si Yeena. "H-hindi ko maalala. "
Nagkatinginan uli ang magtiyahen.
" Posible kayang nagka-amnesia ka? Di ba sa tv, kapag walang maalala ang isang tao ay may amnesia siya? Lalo pa at galing ka sa isang aksidente. Oh my! " Natutop ni Olive ang bibig. " Tiyang, may amnesia nga siya. "
