Two

847 21 4
                                    

Simula nang magising si Yeena ay lagi na lamang tulala ang dalaga. Ni hindi siya halos lumalabas ng bahay at palaging nakakulong sa kwarto. Sandy ang ibinigay na pangalan ni Olive sa kanya dahil kahawig daw niya si " Sandy " sa koreanovelang " Save the Last Dance ".

Hanggang isang umaga ay napagpasyahan ng dalaga na sumama sa mag tiyahen sa bahay na pinapasukan ng mga ito. Nakaramdam na din siya ng pagkabagot at para aliwin ang sarili ay sasama nga siya sa dalawa. Kasambahay sina Aling Laura at Olive sa bahay ng mga Arevalo.

Napakalaki ng bahay ng mga Arevalo at lalo siyang namangha nang makapasok sa loob mismo nito. Mababakas ang karangyaan sa loob ng bahay mula sa mga kahoy,  muebles at mga kasangkapan. Nauna nang pumunta sa kusina si Aling Laura at nagpaiwan muna sandali ang dalawa sa living room.

Isang malaking portrait ang nakaagaw sa pansin ng dalaga. Larawan iyon ng isang babae. Napakaganda nito sa suot na puting bestida habang hawak hawak ang isang pumpon ng iba't ibang klaseng bulaklak. Nakatagilid ang babae pero nakangiti itong bumaling sa kamera habang nililipad ng hangin ang unat na mahabang buhok nito.

Para itong isang diwata.

" Ang ganda niya noh? "

Napalingon si Yeena/Sandy kay Olive at nakangiting tumango.

" Siya si Señorita Leanna, ang nag-iisang anak na babae nina Señora Almina at Señor Rafael. Ang bait bait pa naman niya at nakakapanghinayang na nawala agad siya.

" Nawawala siya? "

" Eh hindi. Wala na kasi siya. Naaksidente kasi ang eroplanong sinasakyan niya at isa siya sa mga nasawi last year. Labis ang pagdadalamhati ng pamilya Arevalo dahil sa pagkawala ng kanilang unica hija at pati kami ay nakikiisa sa pighating kanilang nadarama. Ang bait niya naman kasi eh. " may bahid ng lungkot na pagkukwento ni Olive.

" Eh ang mag-asawang Arevalo? Nasaan sila? "

" Wala sila, kakaalis lang nila kahapon. At tingin ko ay matagal tagal pa bago bumalik ang mga yon. Maliban kasi sa negosyo nila dito ay may negosyo din sila sa Maynila."

" Eh, wala ba silang ibang anak maliban  kay Señorita Leanna? "

" Meron...si Señorito Dastan. Pero wala din siya dito, nasa Maynila. Siya kasi ang namamahala sa mga negosyo nila doon sa Maynila. Pero baka one of these days ay umuwi yon dito. "

" Ah okey...tara na sa kusina at tutulong din ako sa inyo. "

" Ha? Ay naku baka mabinat ka! "

" Okey na ako. Don't worry about me. At very thankful talaga ako sa inyo ni Tiya Laura mo kasi tinulungan at inalagaan niyo ako kahit di niyo ako kilala. "

" Asus ano ka ba? Kahit naman sino eh gagawin yon sa kapwa nila. At alam kong gagawin mo din iyon sa kapwa mo kasi kahit hindi mo sabihin, nararamdaman kong mabait ka...at maganda pa. " Nakangiting turan ni Olive.

" Uy ha? Binola mo pa ako. Pero thank you talaga. "

" Naku hindi ah! Totoo kaya yung sinabi ko."

" Na mabait ako? "

" Na maganda ka! Haha! Tara na nga at baka mapagalitan pa ako ni tiyang. Baka naiinip na yon at makurot pa ako no'n sa singit. "

Napahagalpak sa tawa si Sandy at tatawa tawa silang pumasok sa kusina.

★    ★    ★    ★    ★    ★    ★    ★

" Masarap ka palang magluto Sandy? Ang sarap ng lasa eh! " ani Aling Laura sa dalaga habang ngumunguya.

Nagthumbs-up naman sa kanya si Olive. " Naku my friend! Ang sarap sarap mong magluto. Ang galing mo pang mag chop ng mga sangkap/condiments! The best! "

Napangiting nagpasalamat si Sandy sa dalawa. " Naku maraming salamat naman at nagustuhan niyo ang lasa. Tsamba lang siguro. "

" Hindi eh, para kang isang Chef gaya nong nakikita ko sa TV. Mabilis kung kumilos, sanay na sanay ka. Siguro ay isa kang Chef o culinary student bago ka naaksidente. Pero I think, ikaw yung nauna. " balewalang turan ni Olive na panay ang tikim sa pagkaing niluto niya.

Natigilan si Sandy sa narinig. Napansin naman iyon ni Aling Laura.

" Oh siya siya, maghain ka na Olive at marami pa tayong gagawin. "

*    *     *     *     *     *     *     *     *     *

a/n:

Kalukah mga friends... sana nagustuhan niyo ang update ko. Pasensya na sa mga errors. I'm not perfect  kasi eh. Pero sana ma like niyo. Thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa lamang. Saka feel free to comment pals, chums and friends. Tatanggapin ko ng bongga. Pramis! Muamua

xoxo

waywardlass

Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon