Walang kangiti ngiti ang mukha ni Dastan nang sumungaw ang mukha ni Sandy. Nininerbyos na pumasok ang dalaga.
" I-ipinatawag niyo raw ako Señorito? " halos di makatinging tanong ng dalaga.
Mataman siyang tinitigan ni Dastan. " Ikaw ba ang umiba sa ayos nitong kwarto ko? "
" O-opo "
" Then who told you to rearrange ? "
" W-wala po. A-ako lang po. Pasensya na ho ulit. Ibabalik ko naman ho talaga siya sa dating ayos kaso ho eh dumating na kayo. Pero aayusin ko na lamang mamaya. " nasa sahig na ang mga mata ni Sandy habang pinagsasalikop niya ang kamay.
Natawa ang binata sa inakto niya.
" Alam mo ang cute mo! "
Napatingin sa binata si Sandy.
" H-ha? "
" Don't act like a scared mouse. C'mon I won't bite you. You did a good job Sandy. In fact I like the changes. "
Napakurap kurap si Sandy.
" H-hindi ho kayo galit? "
Ngumiti si Dastan. " Nope! "
Napangiti na rin si Sandy sa binata. Saka dahan dahang tumalikod at lumabas ng kwarto nito.
★ ★ ★ ★ ★ ★
Hindi pa rin makapaniwalang naglalakad si Sandy.
" Ano nah? Pinagalitan ka ba? " agad na salubong ni Gwen sa kanya.
" Sabihin mo lang kung pinagsamantalahan niya ang puri mo at jujumbagin ko siya. " ani Olive.
Binatukan niya ang kaibigan. " Ano naman ang connect non ha? "
" Eh ang tagal mo kasing sumagot. So ano nga? "
" Hindi naman niya ako pinagalitan. Pinuri pa nga niya ang ginawa ko. "
" Ay ang galing! "
" Sabi ko na eh! Sa ganda ba naman nang pagkakaayos mo eh. Ikaw lang tong napakanega. "
" Akalain mo yon? Akala ko talaga sasakalin niya ako o kaya'y bubulyawan at baka paalisin kanina pero pinagtawanan lang niya ako. Bakit daw ako takot na takot eh hindi naman daw siya nangangagat. Ninerbyos talaga ako kanina eh! "
" Pero alam mo bihira lang ngumiti at tumawa yong si Señorito Dastan. Ang swerte mo naman Sandy. " -si Gwen.
Napatango din si Olive. " Baka like ka ng amo natin, friend. " tudyo sa kanya nito.
" Ano ka, like ka diyan! Baka marinig tayo non. "
" Asus aminin...Gwapo si Señorito di ba? " -si Gwen.
" Ewan ko sa inyong dalawa! Dalian na nga natin, tapusin na natin ang pagluluto. "
" Ay ang galing! Go lang friend! A way through a man's heart daw is throught his stomach. Kaya sarapan mo pang lalo ang luto mo." panunukso uli ni Olive.
" Wow! May loveteam! " Santan "! Ahaha parang bulaklak lang. " tatawa si Gwen.
" Gusto niyo pagbubuholin ko kayo? Loveteam loveteam kayo diyan. Baka isipin non may gusto ako dun! Kakahiya! "
" Oh sige mag deny ka lang. Denial Queen. "
Namumula na sinimulan na ni Sandy ang pagluluto. At gaya nga ng inaasahan ay nagustuhan din ng binata ang luto niya.
" Did you study cooking Sandy? "
Natigilan si Sandy.
" Ah eh ano kasi..." hindi makahagilap ng isasagot ang dalaga.
" Tinuruan kasi siya ng Nanay niya noong nabubuhay pa ito. At saka nakapagtrabaho na din po kasi siya sa isang Diner. " si Olive na ang sumagot.
Napatango lang si Dastan.
* * * * * * *
a/n:
eh medyo name-mental block ako today friends, chums and pals. Peace...
But I'll make it up to you guys. Babawi na lang ako.
muamua
xoxo
waywardlassiemei
