Twenty

274 15 0
                                    

" Hey! Kanina pa ako nahihilo sa kakalakad mo eh! " reklamo ni Olive sa dalagang kanina pa pabalik balik sa paglalakad.


" Sorry, nininerbyos kasi ako para mamaya. "

Nagulat pa ang dalaga kanina nang sabihin ng binata na ipapakilala daw siya sa mga magulang nito bilang girlfriend. Nag-aalala siyang baka hindi siya magustuhan ng parents nito.


" Sus! Ano ka ba? Hindi ka naman kakagatin ng mga magulang ni Señorito. Tumigil ka na nga diyan. "


" Eh hindi talaga ako mapakali eh. You know naman na from the very start ay si Heide talaga ang gusto nila para kay Dastan, di ba? "


" Oo nga! Pero noon pa yon, noong hindi ka pa nila nakilala. Relax friend! Hakuna matata! "


" Huh? Ano na namang salita yan? "


" Eh ewan ko din eh, pero sabi nong dalawang friend ni Simba na it means " No worry " daw. "

" Anong Simba? Sino yun? "


" Hala! Hindi mo kilala si Simba? "

" Sino nga? "


" Yung anak ng hari sa Lion King? Duh! "


Natampal ni Yeena ang noo.

" Ikaw talaga, kung anu-ano na lang yang pinapanood mo. Pati cartoons. Kakalukah ka! "


Napanguso naman si Olive.

" Ang ganda kaya non. Nakakakilig nga sila nong syota slash bestfriend niya eh! "


" Ay naku! Tumigil ka nga! Maluluka ako sayo. "


" Eh pinapagaan ko nga ang loob mo. Basta, just be yourself. Eh ano kung si Heide ang gusto nila, eh ikaw naman ang mahal ni Señorito. Kaya wala silang magagawa. Pumasok ka na nga at mag-beauty rest para mas maganda ka pag nakaharap mo sila. "


Napangiti na lang si Yeena sa sinabi ng kaibigan at napailing na pumasok ng kwarto.


Alas sais ng gabi nang sunduin siya ni Dastan.


" You look so stunning, sweetheart. " puri ni Dastan nang makapasok na sila sa loob ng kotse.


" Nambola ka naman. Mukha nga akong ewan eh. Nininerbyos nga ako. Baka bigla na lang akong mahimatay mam'ya. " ani Yeena na pinagsalikop ang dalawang kamay.

Ngumiti si Dastan.

" Don't be. Don't worry, they'll going to like you. " Anito saka ginagap ang kaliwang kamay niya.


" Eh sure ka? "

" Of course. Mama's dying to see you. Kanina pa nga siya nangungulit sa akin eh. "


" Hindi mo pa ba nasasabi sa kanila? "


Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon