" Sandy, sino ba yang kausap mo at----Señorito Dastan! " gulat na bulalas ni Olive.
Napalingon si Sandy kay Olive. Nanlaki ang mga mata ng dalaga.
" Hello Olive! " sagot ng binata.
"Hello p welcome back. Ay anong nangyari sayo Señorito? Bakit po kayo naghuhubad dito? "
" Unfortunately, that lady aimed me the hose and gave me a shower. " sagot ng binata at itinuro si Sandy.
Namumulang bumaling sa ibang direksyon ang mukha ng dalaga.
Tigagal na napatingin si Olive sa kanya na nanlalaki pa rin ang mata saka bigla siyang yumuko.
" F-friend? "
" Pasensya na po talaga Señorito, hindi ko po talaga sinasadya. Nagulat po kasi ako kasi bigla kayong nagsalita sa likod ko. Sorry po talaga. "
Ngumiti si Dastan. " I'm just kidding! And I must be the one to say sorry instead. Magugulatin ka pala. "
Napakurap si Sandy. Nahulog yata ang puso niya sa ngiting iyon ng binata.
Must be Love?
" So who is this beautiful lady here Olive? "
" Ay si Sandy po pala Señorito. Mamamasukan din daw siya dito."
" Ngayon ko lang yata siya nakita dito? "
" Ah eh ano kasi--"
" P-pinsan niya po ako Señorito. A-ah malayong pinsan.Ano kasi uhm nakikitira ako sa kanila ni Tiyang Laura sa ngayon. " agaw ni Sandy sa sasabihin sana ni Olive.
" Ah opo, tama po. Pinsan ko po siya. " ani Olive nang makabawi.
" Oh I see. So see you around ladies, magbibihis na ako. "
Nanghihina namang sumandal si Sandy kay Olive nang makapasok na ng bahay ang binata.
* * * * * *
Hindi mapakaling nagpalakad lakad si Sandy sa may kusina habang abala naman sina Olive at isa pang kasambahay na si Gwen sa paghahanda ng lulutuin niya para sa tanghalian.
" Teka awat na nga friend! Kanina pa kami nahihilo sa kakalakad mo eh. Para kang bibitayin na hindi mawari. "
" Eh para nga akong sinisilihan na ewan kasi alam mo naman yung nagawa ko kanina diba? "
" Eh diba okay na yon? " tanong ni Gwen.
" Eh oo nga pero kasi ano eh....ewan kinakabahan pa rin ako eh. Patay na! "
" Huh? Sinong patay na? " nanlaki ang mata ni Gwen.
" Oh my! Ang kwarto ni Señorito! " -si Olive.
" Lagot na! May plano pa naman akong ibalik iyon sa dati. Anak ng buwayang walang buntot! "
" Huh? May ganon bang buwaya? "
sabat uli ni Gwen.
Kung hindi lang kinakabahan si Sandy ay baka pinagtawanan na niya si Gwen na naloloka na sa mga pinagsasabi niya.
" Paano na yan ha Olive? "
" Relaks ka lang! "
" Relaks? Baka masabon ako ng di oras non. Baka paalisin agad ako non kasi pinakialaman ko ang kwarto niya! "
Oh my! I'm doomed!
Sabay pa silang nagulat nang biglang tumunog ang intercom.
Nanlalaki ang mata na nagkatinginan sila ni Olive. Nang makabawi ay sinagot nito ang intercom.
" Señorito? May kailangan po kayo? " tanong nito sa binata sa kabilang linya.
Nakinig ito sandali saka napapatango.
" Opo, naiintindihan ko po. Eh si Sandy po. Opo! Sige po. "
" Olivia, bakit narinig ko ang pangalan ko? Nagalit ba si Señorito sa ginawa ko sa kwarto niya? " nag aalalang tanong ni Sandy na hindi mapakali.
Ibinalik muna nito sa cradle ang telepono saka siya binalingan.
" Pinapapunta ka sa kwarto ni Señorito friend. Dali na friend. Ayaw non ng pinaghighintay. "
" O-ok p-pupunta na ako. " saka tumalikod na ang dalaga. " Patay na ako nito. Bat ko ba kasi pinakialaman ang kwartong yon eh! " bubulong bulong sa sarili ang dalaga habang naglalakad.
Napabunghalit naman ng tawa si Olive sa reaksyon ng kaibigan. Napakamot na lang sa ulo si Gwen.
Samantalang lulugo lugong pumanhik sa itaas si Sandy saka nagpakawala ng malakas n bunting hininga saka kumatok ng tatlong beses.
" Come in. Bukas yan. " anang boses sa loob ng kwarto.
Binuksan naman ng kinakabahang dalaga ang pinto at gulat na napatingin siya sa binatang amo.
* * * * * * * * * * *
A/n:
Ano kaya ang nakita ni Sandy sa loob ng kwarto ni Dastan at gulat na gulat siya? Hmmm just wait for the next update.
Whew! nakagawa ako ng 2parts. yes! Shake shake hands. Pagod na si hands eh pati si eyes at brain.Rest muna. Saka 12:10 am na kaya tulog na muna si aketch. Sana makapag UD ako tom. Good mornight guys!
xoxo
waywardlass
